Chapter 42

76 9 1
                                    

Prom.

Nagmamadali kaming umalis sakay ng tricycle. Buti nalang hinatid ako ni Mang Dodo. Hindi bongga ang suot ko ha. Hindi ballgown!

Bale naka-cocktail dress ako. Eto daw dapat suutin. Off-shoulder sya na kulay mustard yellow at kumikinang. Para akong fairy! Nakakulot din ang buhok ko sa duluhan habang nakaipit sa tenga ko ang ilang buhok at may dalawang medyo pa hime bangs na naiwan sa mukha ko.

Agad kong natanaw si Bansot sa gate. Ang liit nya! Hahaha! Nakasuot sya ng pormal na kulay darkblue at may necktie. Nakaayos din ang buhok nya patalikod at kitang kita ang kagwapuhan nya ngayon!

Agad akong kumaway at nakita nya naman agad ako. Lumapit sya saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa.

"Ano?"excited kong tanong.

"Mukha ka nang tao"nakangiti pa nyang tugon. Napakunot naman ang nuo ko.

"Joke lang.. Napakaganda naman ng prinsesa ko"ngiting nang-aasar na aniya. Napangisi naman ako.

"Sige na duwende,pagsilbihan mo ako"agad kong kinawit ang braso ko sa kanya saka sya hinila papalakad.

"Duwende pala ah?"

Napatigil ako. Pikon ang pusa! Sya nauna eh!

"Joke lang! Tara na! Prince Charming!"

"Wow! Ganda!" sigaw ni Amanda ng makita ko sya sa pila. Napanganga din ako sa ganda nya. Nakadark-blue tube cocktail sya habang naka-ipit ang buhok na pa-pony tail.

"Ang ganda mo rin ah!" napatingin din ako kay Kin at hindi maipagkakailang sobrang na-enhance kagwapuhan  nya ngayon. Well.. Old crush!


"Tayo nga partner ngayon,panget!" napalingon ako sa sigaw at lakong gulat ko na parang mga manok na nagsasabong ang itsura ni Shataff at Gelo.

"Hoy! Anyare sa inyo?!"sigaw ko kayat napalingon sila.

"Hi,Mayumi!" ngiting sabi ni Gelo. Mukha pang nagulat! OA!  "Wow.. As in.. Wow---"

"Oh.. May partner ka na eh"biglang harang ni Bansot kay Gelo. Baliw lang.

Natawa naman si Gelo kayat niyakap ko lang sya ng kaunti. Napatingin tuloy ako kay Bansot na ang sama na nang tingin sakin. Iniwas ko nalang ang tingin at tumingin kay Shataff na as usual naka poker face parin.

"Wow" yes. Sobrang ganda nya! Naka green sya na cocktail dress pasando. Naka-rebond din ang buhok nya! Sabi na eh! Mag-ayos lang sya, boom ganda!

Pumila na kami. Syempre magkaiba ang pila nila Amanda since nasa ibang section sila.

Nang makalakad na kami sa duluhan ng carpet ay pinapose kami ni Bansot para sa picture. I kissed him in his cheek. Gulat naman syang natigilan at nagtilian naman ang mga tao. Natawa ako kay Bansot na nakatulala parin.

"Hoy tara na!"hila ko sa kanya.

"Tangina,kinilig ako doon,"

Nag-announce na ng kimene saka nagkaroon ng dance number kada section. Yung iba nakakatawa. May parang nag-macho dancer sa gitna, kaloka! Yung iba di sabay-sabay sumayaw. Hahaha! Okay lang! Sa section namin partner partner and sad to say di kami kasama ni Bansot. Abala eh. Optional naman yun. Tumugtog na ang dear future husband. Nagsayaw na ang mga kaklase ko habang halata ang kaba sa mukha. Kinuha ko ang camera ko sa maliit na pouch na dala ko. Ewan ko ba sa kalagitnaan napapaluha ako.


"Hindi pa graduation, bat naiiyak ka na?"rinig kong tanong ni Bansot. OA ah? Naluluha palamg eh.

"Syempre, mami-miss ko tong moment na 'to. Na masaya lang ang lahat. Ine-enjoy ang pagiging bata. Ang pagiging high school," napa-pout na ako dahil sa nalulungkot ako na baka kapag nag-college na kami, hindi na namin makikita yung mga mukha naming bakas ang saya. Baka pagdating ng college puro pagod na ang mabasa sa mukha. Nakakalungkot.

Ang Poste at Ang DuwendeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon