Muntik na akong ma-budol ni Bansot kahapon! Akala ko totoong naging Ex nya si Jella! Yun pala ex, as in ex nililigawan noon! Yun yung nabanggit nyang nagkagusto sa mas matangkad sa kanya.
Naikwento nya sakin habang pauwi kami kahapon, na dati syang kasali sa Men's Volleyball sa dati nyang school. Nagtataka nga ako kung bakit nakapasok ang maliit na tulad nya sa sports na yon? Like, matatangkad mga players don!
At syempre hindi ako interesado sa buhay nya kaya pinatigil ko sya! Pero bigla akong naintriga nang sabihin nyang ka-teamate nya yung sinasabi nyang guy na naging boyfriend ni Jella! Yun pala si Josh mga mare!
" Alcantara!"
Nawindang ako sa sigaw ni Ma'am C3! A-ako yun! Bakit ako tinatawag?
" Y-yes Ma'am?"
" Pumunta ka sa faculty ko mamayang recess"
Kinakabahan ako! Bakit naman kaya? Hindi naman ako nambully ah? Wala akong ginagawang katarantaduhan sa school! Tapos pumapasok narin ako sa subject nya,kaya bakit ganon!
---
" Bagsak daw ako" nakangusong sabi ko.
" Nako..." alalang sabi ni Amanda. Napanguso pa tuloy ako lalo.
" Congrat's!" halatang nang-aasar na sabi ni Bansot. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Palibhasa mataas ang grades nya kaya ganyan sya umasta. Palibhasa matalino, kaya pa-easy lang. Paano naman ako? Kahit pa makinig ako di ko parin ma-get's. Hindi ako matalino, hirap pa akong umintindi ng lesson's. Tapos minsan maiintindihan ko, pero pag isusulat na sa papel, bigla akong nabbablangko. Nalimutan agad. Ano bang gagawin ko sa utak ko?!
" Wag kang makinig kay 'Bansot'" ani ni Kin habang pinagdidiinan ang salitang bansot. Napangiti naman ako ng konti.
" Tch!"-Bansot
" Tsh. Ayun nga Mayumi. I know you can do it. Pwede mo naman yang habulin next exam. May pag-asa pa. Don't worry" ani ni Kin. Napangiti naman ako ng mapait.
Kikiligin na sana ako e, kaso may girlfriend ka na! Charot!
" Kahit daw mataas exam ko sa susunod, hindi pa raw yun dahilan para tumaas grade ko." naiiyak ko nang sabi. Nakakainis. Masyado pa namang masungit si Ma'am C3. Tapos problema ko pa si Mama. Sigurado akong papagalitan ako nun!
" Kung nag-aaral ka lang kase ng maayos, hindi ka namomroblema ngayon" nakangiwing sabi ni Bansot. Gusto ko syang batukan pero tama sya. Napatungo nalang ako sa lamesa sa pagkadismaya. Masyado akong nagpabaya. Masyado kong natuon lahat ng atensyon ko kay Kin.
" Bansot! I-consider mo naman ang ang feeling's ni Mayumi!" mahinang bulong ni Amanda para suwayin si Bansot. Rinig ko naman.
" Wag mo nga akong tawaging Bansot. Nahahawa ka na sa kanya e"
"Shhh! Ah, Mayumi. Sumama ka nalang samin mamaya. Pupunta kami sa ice cream parlor! Masasarap Ice cream don puro natural fruits ang flavor. Alam ko namang gusto mo nang mga ganun eh! Kaya, sama ka na ha? Wag ka nang malungkot dyan. Uy! Uy! Ha? Sama ka?" pagkalabit nya sakin dahilan para bumangon ako. Nakita ko naman ang nakangiting mukha ni Amanda. Nakangiting mukha ni Kin. Walang ganang mukha ni Bansot.
Tama. Hindi ko dapat sila pinag-aalala.
"S-sige"
Ice cream parlor
Nakakahiya dahil feeling ko, date 'to nila Amanda, nakisabit lang ako. Kami pala. Andito rin si Bansot.
" Masarap ba?" nakangiting ani ni Amanda. Nameke naman ako ng ngiti at tumango. Masarap naman talaga sya pero, wala talaga ako sa mood ngayon.
BINABASA MO ANG
Ang Poste at Ang Duwende
RomanceLove can't measure... Kahit milya-milya ang layo nyo sa isa't isa, basta mahal nyo ang isa't isa hindi kayo matitibag. E hindi naman sa layo yun eh! Paano kung yung i-me-measure mo eh hindi yung layo?! Magkalapit nga kayo pero yung height nyo naman...