Halos mapagod ako sa ginawa kong trabaho.
-.-
Tama! Nagkaroon na ako ng part time job! Salamat sa bansot at heto ako ngayon lalanta lanta dahil sa stress at pagod!
Limang araw na nga ang nakakalipas simula nang magkaroon ako ng part time job sa computer shop kung saan rin nagtratrabaho si bansot. Pagkatapos maglinis pag uwian, dumidiretso na kami sa G. Com. Shop! Ako lang ang naka-assign sa cashier kasi sya, nag-dodota lang! Leche! Pero minsan may inaayos sya na kung ano-ano. Pag may nagpapaprint, sya rin ang gumagawa. Ako naman, inuutusan nya ng kung ano-ano! Like magpapabili sya sa labas ng tusok-tusok at kung ano ano pang pagkain! Nakakairita pero kelangan sundin eh! May utang na loob ako dito kay bansot. Sabi nya babayaran daw nya ko. Siguraduhin nya lang ha! Wala nang libre ngayon!
" Bilisan mo na dyan, anong oras na" ani nya. Eto pa pala, tinutulungan ko rin syang maglinis. 10 pm ako umuuwi. Grabe no? Kaya kinabukasn lantutay na ako! Huhuhu!
Ginagawa ko to para sayo Kin ma baby! Sana ma-apreciate mo effort ko!
" Hoy ako na" ani ko. May kinukuha kasi sya sa taas ng stante. Palibhasa maliit, mga hanggang balikat ko lang sya.
" Tch. Ako na" pagpupumilit nito. Napa-irap nalang ako at kinuha ang box sa taas. Bigla naman syang humarap sakin nang nakanguso! Tch!
" Sabing ako na e. Tabi!" ani nito saka tinulak ako nang marahan. Leche talaga! Sya na nga tinulungan, sya pa tong! Uggggggh! Kaasar!
" Aba! Hayys! Oh eto!" pagpapasensya ko. Nakanguso naman nyang kinuha at binuksan. May kinakalikot sya doon pero bigla rin syang huminto.
" Ano?" salubong na kilay na sabi nya. Napabuntong hininga naman ako.
" Uuwi na ko. Ano? Di ka pa ba uuwi?" ani ko. Mayamaya ay sinara na nya ang box saka naglakad papasok sa isang pinto, papunta rin yung pinto na yun sa isang kwarto rin na puno nang computers.
Teka? Ano yun? Sabi ko uuwi na ko diba?! Tsk! Abnormal talaga yung bansot na yun!
Maya-maya ay lumabas na sya at may dala nang dalawang helmet. Gulat akong napasalo sa isang helmet na hinagis nya sakin!
" Ihahatid na kita sa inyo! Baka masisi pa ko e!" nakangusong sabi nya saka lumabas!
Ano daw?! Ihahatid?! Himala!
Motor*
" Kapit" ani nya. Sinuot ko nalang ang helmet ko dahil wala na akong choice. Nagtalo pa kami kanina! Bilisan ko raw dahil estorbo daw ako sa kanya! Leche!
Pagkasakay ko, di ko alam ang gagawin. Sabi nya, kapit daw! S-saan naman?!
" Ano na?!" inip na sigaw nya!
" E- eto na nga eh!" sigaw ko rin saka napayakap sa likod nya. Ew!
"A-ano ba?! H-hindi sakin! Sa likod!" sigaw nya! Grabe ha!
" Grabe! E-eto na! Feeling ka! Nagkamali lang e---Ahhhhh!" di ko na natapos sasabihin ko dahil pinaandar nya ng mabilis!
" Huuuy! Ano ba--- AHHHHH!" sigaw ko pa ulit! Leche! Leche!Rinig ko naman ang malakas na tawa nya! Siraulo talaga! Pag kami nama--- waahhh! Nagsisisi na ko! Hindi ko na ipagkakatiwala ang buhay ko sa bansot na 'to!
---
" Ang sama mo!" sigaw ko sa kanya pagkababa! Pero tinatawanan nya lang ako! Kanina pa yan! Akala nya nakakatuwa! Sa sobrang inis ko, hinedlock ko sya!
" A-aray! *ubo* O-oo na! Di ko na uulitin!" sigaw nya! Siraulo eh! Papatayin ako sa highblood nitong bansot na to!
" Siguraduhin mo lang. Dahil di ka na sisikatan nang araw---"
BINABASA MO ANG
Ang Poste at Ang Duwende
RomanceLove can't measure... Kahit milya-milya ang layo nyo sa isa't isa, basta mahal nyo ang isa't isa hindi kayo matitibag. E hindi naman sa layo yun eh! Paano kung yung i-me-measure mo eh hindi yung layo?! Magkalapit nga kayo pero yung height nyo naman...