Chapter 47

73 6 2
                                    

"Mahal na mahal kita," pinigilan nya ako sa paghampas sa kanya. Nakita kong lumuluha na sya. Hinawakan nya ang kamay ko.

"Hanggang ngayon. God knows kung gaano kita kamahal."saka nya hinalikan ang kamay ko.

"Kung ganon, bakit ganun lang kadali sayo na bitawan ako?" napahawak ako sa dibdib kong naninikip. Ang sakit ng nararamdaman ko.

"Hindi na tayo nagkikita. Wala na tayong time para sa isa't isa. Akala ko, hindi mo na ako.. Hindi mo na ako mahal dahil parang okay lang sayo na di tayo nagkikita. Kapag nagkikita tayo,palagi namang nag-aaway. Ibang iba na sa dating relasyon natin. Siguro, isip bata pa ako ng panahong yun kaya ako na ang unang kumalas. Tingin ko, para sa ikakabuti rin nating dalawa"

Natahimik ako. "Hindi mo ba alam na masasaktan mo ako sa ginawa mo? Buong akala ko, wala ka nang pag-ibig sakin. Wala na yung love sa puso mo kaya---"

"Gustong gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko. Hinanap kita. Hinanap kita pero kahit isa sa friends natin hindi alam kung nasan ka. Para na akong mababaliw. Gustong gusto kitang yakapin ngayon.. Oh god,"napatingala sya sa langit.

"I miss you."nasabi ko. Nasabi ko na ang salitang nakakainis. Gusto kong supalpalin ang bibig ko pero ayaw namang tumingil sa kakasalita. Napatingin sya sakin halatang nagulat sa sinabi ko. Bigla nya akong niyakap. Gusto kong pingilan sya pero pakiramdam ko, safe ako. Parang ayoko nang umalis.

"Miss na miss na kita.. Sobra"mahinang bulong nya. ibinaon pa nya ang ulo ko sa dibdib nya. Nagsimula ulit akong umiyak.

"Tangina. Kahit nasaktan ako sayo noon, ikaw parin talaga. Miss na miss na kita,"niyakap ko sya pabalik. Niyakap nya naman ako ng mahigpit.

"Shussh.. Di na kita iiwan. I'll promise. Nandito na ako palagi. Love," then he kissed me on my cheeks at niyakap ako ng mahigpit.

I'm home.

Next thing I knew, masakit ang ulo ko pagkagising. Pagmulat ko palang nakita ko nasyang nakangiti sa couch.

"Good morning, Love" agad nyang sabi. Parang may kung anong insekto ang nasa tyan ko ngayon. Ngayon ko nalang naramdaman ulit to.

"Bakit ka nandito?"kunwari kong tanong. Napakunot naman ang nuo nya.

"You don't remember?"

"Ang alin?"pagmamaang-maangan ko. Nakakahiya yung mga ginawa ko kagabi! Agad akong kumuha ng damit para mag-shower.

"Hindi mo talaga maalala?" salubong na kilay na sabi nya.

"Hindi nga! Maliligo na ako, alis!" pagmamadali ko. Nakakahiya! Naalala ko pa ang ginawa ko!

"Kiss me, Love"

"I'm driving"

"Pleaaasssseee.."

Nasambunutan ko ang sarili ko sa c.r. Grabi mukha na akong desperada!

Sinadya kong magpatagal sa c.r. Iniisip ko kung tama ba ang magiging desisyon ko. Tama lang ba na tanggapin ko sya ulit. Nasaktan ako sa piling nya pero alam ko rin na sa kanya lang ako sasaya.

Lumabas ako sa c.r na masakit pa ang ulo dahil sa hang over. Napahawak pa ako sa ulo ko at napapikit.

"Mag-lunch ka na," gulat akong napatingin sa pinto. "Hindi ka pa rin umaalis?"

"Bakit? Talagang pinapaalis mo ako? Matapos mong gawin yun kagabi,"nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. He smirked. "Maalala mo kaya.." dahan-dahan syang lumapit kaya napaatras ako.

"K-kakain na ko!" bigla ko syang tinulak at tumakbo pababa.

"Ma, Pa!" sigaw ko. Agad akong nagpunta sa sala at naabutan ko sila doon. Nakahinga ako ng maluwag. "Oh, kumain ka na doon. Nagluto pa naman yung boyfriend mo---"

Ang Poste at Ang DuwendeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon