Chapter: 3

211 21 0
                                    

Akalain nyong nagkakagusto pala ang mga minion?



Tss. Andaming nangyaring nakakabanas kahapon pero may kaisa-isang masayang nangyari at iyon ay panglilibre sakin! Walang iba kundi ang cutie pie kong friend na si Amanda!






Pagkatapos ng paglayas ko don sa room , mas lalong naging angry bird ang itsura ni bansot. At ang nakakaasar pa, pagbalik ko sa room, yung siraulong yun nilagyan ng -10 ang index card ko! Edi yun panay ang habulan namin sa room! Syempre yung mga kaklase ko, tuwang tuwa! Para raw kasi akong nanghuhuli ng baboy sa putikan!





Boyset nga e, ang bilis tumakbo! Pero nung mahuli ko aba suko agad! Hined-lock ko e! Sa sobrang galit ko non, di ko napansin naangat ko na sya sa sahig! Mukha syang nagbibigti!




Oo na! Sumubra ako! Pinakawalan ko naman ang kaso bago yun nahuli muna kami ng teacher kaya ayun! Parehas kaming na-guidance! Meron kaming parusa, bukod sa pagsulat sa yellow pad paper kung ano ang kasalanan namin at mga repleksyon, paglilinisin kami ng room for 1 week! Leche talaga!






" Wag ka ngang tumabi sakin!" angil nitong bansot! May buhat-buhat kasi kaming mga libro at mga papeles papuntang faculty. Bukod sa paglilinis, napag-utusan pa! Pangalawang araw namin mamaya pag naglinis kami sa uwian.





Di ko nalang sya pinansin dahil nakakapagod na magbunganga. If I know kaya ayaw akong patabihin nyan kasi nanliliit sya. Sige, pagbigyan kunwari di ko kilala.




" Oh ano, pagod ka na ha?! Amin na yung iba! Ang bagal mo!" angil nya! Minsan bigla nalang akong nagkakaroon ng lakas para magbunganga dahil sa lecheng to! Sya na nga may kasalanan ako pa sinisigaw-sigawan nya!




" Wag na... Baka di ka na lumaki e" walang gana kong tugon saka nagpauna. Boyset kasi baka mapatulan ko pa sya nako! Nako lang talaga!





Maya-maya habang paakyat ako sa 3rd floor biglang may bumangga sakin! Nahulog tuloy yung mga papel pati na yung mga libro! Sino bang anak ng pating ang bumangg--- ay leche! Yung bansot pala! Mabilis itong tumakbo paakyat!




" Ahhhh! Leche ka talaga! Sana di ka na tumangkad!!!" sigaw ko! Ang sarap nyang ihulog sa hagdan sa totoo lang!




" Wag tumangkad?" bigla akong napalingon sa nagsalita. And laking gulat ko nang makita ko ang crush ko na pulutin ang mga nahulog na libro at papel ko! Please pati puso ko pakipulot narin!




" Uhm... A-ako na " maliit na boses na sabi ko. Ehhh ewan ko! Matic na nanliliit boses ko! Isa-isa ko ring pinulot ang mga papel. Syempre naglalaro nanamam ang imagination ko. Kunwari di ko makikita pero hahawakan ko ang kamay nya at dahil don unti-unti kaming magkakatinginan at titigan ang isa't isa, saka unti-unting ilalapit ang mukha at... at---

"Here" bumalik ako sa ulirat ng iabot nya sakin ang mga libro at papel. Wala pala akong napulot, sya na gumawa sa lahat! Nakakahiya! Ano bang ginawa ko!




" Be careful, lalo na dito, delikado." then he smirked. Omy gosh! Ang gwapo! Eto talaga ang mga tipo ko e!




" Ahh, sige. S-salamat" nahihiya tugon ko. Tumango naman sya at naglakad paakyat. Pero lumingon uli sya na ikinagulat ko.





" Let me help you" ani nya saka naglakad pabalik at kinuha ang halos lahat ng libro! Grabe ano ka ngayon ha? Ganda ko talaga!





Sabay kaming naglakad paakyat pero ni isa walang nagsasalita. Ako lang pala. Puro tango lang sinasagot ko. E grabe naman kasi yung kaba ko! Gwapo yang si Kin. Bilugan ang mata, matangos ang ilong at may manipis at pinkish na labi. Matangkad pa! Halos pantay lang kami ng tangkad!






Ang Poste at Ang DuwendeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon