"Will you be my girlfriend?" nakangiting aniya. Sandali akong natigilan.
"Girlfriend?"
"Anong girlfriend? Sabi ko,will you be my date sa prom" napapakamot pa sa ulong sabi nya. Teka? Rinig na rinig ko yun! Napakunot ang nuo ko ng ngumisi sya.
"Will you be my girlfriend?" pag-uulit nya, natatawa sya pero nakikita kong sa mata nyang seryoso sya. Nakikita kong nanginginig ang kamay nya habang hawak ang box na di ko alam kung ano ang laman.
"Ma-masyado ba akong.."napatayo sya. Natauhan ako. Hindi ko pa sya sinasagot! Oh gosh!
Hinawakan nya ang kamay ko saka ako tiningala "Sorry sa nagawa ko sayo.. Noong nakaraan. I-susurprise kita eh. Medyo tanga ako sa desisyon kong yun dahil napaiyak kita. Pero, di magbabago ang feelings ko sayo." minoist nya ang labi nya at napatingin sa labi ko. Nanlaki naman ang mata ko. Nag-iwas naman sya ng tingin. "I understand kung.."
"A-ano.."napatingin sya sakin. Sa di malamang dahilan, inilapit ko ang mukha ko sa kanya at mabilis syang dinampian ng halik. Pagmulat ko nakita kong nanlalaki ang mata nya. Halatang nagulat! Ako din naman! Ewan ko! Dala siguro ng nangyayari.
"O-oo.. Sinasagot na kita" napapakagat labi kong sagot habang nakatitig sa mata nya. Nanlalaki parin ang mata nyang nakatingin sakin. Mayamaya pa ay unti-unti syang napangiti habang sinusuyod ang kabuuan ng mukha ko.
"Pucha.." napatakip pa sya sa mukha nya. Bigla akong nagulat ng hilain nya ako at niyakap!
"B-bansot"
"Pu.. I love you" saka nya ako hinalikan sa pisngi. Binulong bulong nya pa ulit you kaya napangiti ako. "I love you too"
Binitawan nya ako at nagulat ako nang makitang namamasa ang mata nya. Napaiwas sya ng tingin saka binuksan ang box. Nakita ko ang kwintas na may diamond sa gitna. Real ba 'to? Kahit matamaan lang sya ng unting ilaw kumikinang agad!
"Halika, isusuot ko sayo"ngiting aniya kaya ibinaba ko ang sarili ko para maisuot nya sakin. Natatawa pa sya kaya natawa narin ako. Maya-maya pa ay humarap ako.
"Bagay sayo"ngiting aniya. Napakunot-nuo ako.
"San mo nakuha 'to?"
"Ah.. Di ko ninakaw yan ah! Syempre pinaghirapan ko yan. Nag-work ako kay Papa. Tinulungan nya din ako." napapakamot pa sa ulong sabi nya. Napa-pout ako dahil sa sinabi nya.
"Yun ba yung time na maaga kang umuuwi?"
"O-oo.. Sorry" nanunubig ang mata ko. Baliw talaga 'tong si Bansot!
"Hindi ko naman kailangang regaluhan pa ng ganito. Mahal 'to---"
"Wala namang katumbas yan sa pagmamahal ko sayo"nahihiyang sabi nya. Ang cheesy ah!
"Sandali. Tara,meron pa akong surpresa sayo" agad nya akong hinila pero napatigil sya dahil kinuha nya sakin yung supot. Tatawa tawa pa sya habang hinihila ako. Madilim na at namalayan ko nalang na nasa rooftop na kami.
"Anong gagawin natin di---"
Nanlaki ang mata ko ng may fireworks na sumabog sa langit! Ang gaganda! Maya-maya pa may sumabog pang isa tapos naglabas ng mga letra.
Thank you
Napangiti ako. Naramdaman ko ang pagpisil ni Bansot sa kamay ko.
I love you Mayumi Alcantara!
Napatingin ako sa kanya. Namumuo ang luha. Bakit sya ganito? Sobra-sobra na 'to.
Mayamaya pa may nakita akong tela na may nakalagay na pagkain. May cake may soda may mga chocolates tapos may bucket ng chicken at rice. Napakagat labi ako at tumingin kay Bansot.
"A-ano" napapakamot pa sya sa ilong. Nahihiya. Agad ko syang niyakap ng makaupo kami. "Thank you.."
Tumingin naman sya sakin at ngumiti. Inakbay nya sakin ang kamay nya at nilagay sa ulo ko. Mayamaya pa ay nakaramdam ako ng pagdampi ng halik sa nuo ko. "I love you,too"
"Sana ol" rinig ko mula sa pinto ng rooftop. Kumakain na kami ni Bansot nang muntik akong mabulunan.
"Hirap na hirap kami sa pa-fireworks ah, baka naman" hingal na sabi ni Gelo. Lumabas din mula sa likod nya si Shataff. Natatawa naman si Kin at si Amanda naman ay may nanunuksong tingin!
"Kumusta? Success ba?" rinig kong tanong ni Kin habang kumakain. Nakisalo na rin sila samin dahil pagod daw sila dahil sa pinagawa ni Bansot. Tumingin naman si Bansot sakin na nasa tabi ko. Napalingon ako sa siko ni Amanda sakin!
"Sheeesh. Kinikilig ako mula pa kanina! Omygosh! Ayokong tumili!"bulong nya na may paimpit pang tili. Napailing naman ako at pinipigilang tumawa. Tahimik naman si Shataff na kumakain at nang makita nya akong napatingin sa kanya, ngumiti sya. Natigilan ako.
"Alam mo Shataff,mas maganda kung nakangiti ka palagi"ngiting sabi ko. Nakita ko namang nahiya sya kaya tumango nalang. Gulat akong napatingin kay Gelo ng pi-nat nya na parang aso ang ulo ni Shataff kaya sumama ang tingin nito.
"Isa pa yang in-denial."bulong sakin ni Amanda. Natatawa.
" Salamat pre"bakas sa boses nyang nakangiti sya. Naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Patuloy parin ang pakikipag-usap kay Kin.
"Masaya ka ba?"ngiting tanong nya habang pinagmamasdan namin ang mga stars habang nakaupo at nakasandal sa pader. Hindi ko alam kung paano sila pinayagang manatili dito kahit gabi na. Napatingin ako sa mga kaibigan namin na nasa railings habang nagsta-star gazing.
"Sobrang saya.. Salamat, Thomas." ngiting sabi ko habang may malaking ngiti sa labi. Eto na nga ata ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Kasama ko ang mga kaibigan ko lalong lalo na ang taong mahal ko.
"Mayumi,"
"Hmmm?"
"I love you,"
Gusto kong takpan ang mukha ko dahil alam kong namumula na! Kahit pa madilim dito, nahihiya parin ako!
"Mayumi,"
Napatingin ako sa kanya "I love y---"
Natigilan ako ng mabilis nya akong hinalikan. Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya pero kalaunan ay napapikit ako. Matapos non ay unti-unti kong iminulat ang mata ko at nakita kong nakangiti na sya. Bigla nya akong hinila para yakapin at saka hinaplos ang ulo ko.
"Girlfriend na kita ngayon.."ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso nya.
"Boyfriend naman kita"ngiting sabi ko. Mas lalo naman nya akong niyakap.
"Tara na, puntahan na natins sila,"
Nang makarating napatingin sila samin.
"Landi nyo!"sigaw ni Amanda. Napanguso naman ako. Walang hiya talaga!
"Guys, sana maulit tong oras na 'to. Yung magkakasama tayong lahat"ngiting sabi ni Amanda.
"Syempre naman,"ngiting sagot ni Gelo.
"Yup. Star gazing ulit. Then, nood din tayo ng sunrise" dagdag ni Kin sabay yakap kay Amanda sa likod.
"Tapos, pa fireworks ulit, diba nga Gelo, Kin?"natatawang dagdag ni Bansot.
"Tapos next time hindi na junk food yung pagkain no? Mag-barbeque tayo tas manghuli ng isda!"natawa kami sa sinabi ni Gelo.
"Punta tayo sa dagat, tapos bonfire tayo," dagdag ko rin. Lahat kami ay nakatingin lang sa langit. Mayamaya pa ay sabay-sabay kaming napatingin kay Shataff. Sya nalang yung walang ambag.
Poker-face ang mukha saka napa-irap. "Wala na tayong oras dyan kapag nag-college tayo. Kaya kung ako sa inyo, tigil-tigilan nyo na mga ilusy---"
"KJ!"sigaw naming lahat. Nagkatinginan kami saka sabay nagtawanan.
"Hoy mga bata! Magsi-uwi na nga kayo!"sigaw ni Manong guard. Agad kaming nag-mano para di magalit. Syempre sinunod namin sya at umuwi na.
---
:D
BINABASA MO ANG
Ang Poste at Ang Duwende
RomanceLove can't measure... Kahit milya-milya ang layo nyo sa isa't isa, basta mahal nyo ang isa't isa hindi kayo matitibag. E hindi naman sa layo yun eh! Paano kung yung i-me-measure mo eh hindi yung layo?! Magkalapit nga kayo pero yung height nyo naman...