Chapter: 15

86 9 0
                                    

Ang bilis ng araw. Parang kahapon lang pasko tapos ngayon magbabagong taon na!

Meron akong ilang new year's resolution para ngayong taon ( kahit kailan ata di ko manlang natupad ._.)

- Matulog ng maaga ( bukas na! Bagong taon eh!)

-Maging mabait lalo na sa kapamilya, kapatid at kapuso! ( para sa swerte)

- Maliligo na araw-araw ( nakakatamad kasi. Tapos minsan di ko pa kinakaya ang lamig!)

- Magpapaganda (para hakot boys! Charing!)

- Magkaroon ng boyfie ( kahit ngayong taon lang!)

- Magsisipag na akong mag-aral! ( for my future! At sa future din ng magiging anak ko!Eme!)

" Ate, ano tong pinagsusulat mo" napalingon ako dahil sa boses ng kapatid ko. Nakita ko namang hawak nya ang papel na pinagsulatan ko ng mga new year's resolution ko. Inirapan ko nalang sya.

" May paganito-ganito ka pa, hindi mo naman ginagawa. What a waste---"

" Mind your own business! Gusto mo Kisig, magsulat ka rin. I-new years resolution mo na mawala yang kasungitan mo!" inis na sabi ko. Nakita ko namang bigla syang tumawa ng malakas!

" Hahaha! Mama! Si Ate! Gusto na mag-boyfrien---"

"Bwisit ka! Wag kang maingay!"mabilis kong sabi matapos kong tinakpan ang bibig nya patalikod! Maya-maya napa-aray ako dahil kinagat nya ang kamay ko! Ang samang kapatid!

" Diba magiging mabait ka na? Bakit mo ko sinasaktan?" ani nya habang nakanguso! Sira ulo! Sya nga nanakit!

" Ikaw! Pag di ka tumahimik, ibubuko kita kay Lily!" inis na sabi ko. Ngumisi naman sya.

" Kaya mo ba---"

" Ate Yumi... Pinabibigay ni Mama" rinig kong sabi ng nasa likuran ko. Napangisi ako.

" Tamang tama Lily, may sasabihin ako say---"

" A-amin na yan, Lily. S-salamat" mabilis na sabi ni Kisig. Taka namang napatingin samin si Lily saka nya inabot ang plato na naglalaman ng handa nila.

" Sige, Ate. Happy New Year!" ngiting sabi ni Lily. Maganda si Lily. Ginagawa nga syang Reyna Elena sa Sta. Cruzan. Maputi, matangos na ilong, kissable lips tapos mahaba yung buhok nyang itim na itim. At di nya pa nare-realize yun ah? Grabe lang! Sana all!

" Happy New year din, Lily" tingnan mo. Sya na sumagot kay Lily. Kapag kay Lily nakikipag-usap to eh. Ngumiti lang si Lily saka nag-wave samin. Tiningnan ko naman si Kisig na ngayon nakanguso at masama na ang tingin sakin.

---

Natapos ang New Year ng wala namang espesyal na nangyari. Katulad nung nakaraang taon, nagpa-fireworks lang kami at nag-ingay at nagsaboy ng mga barya para sa swerte.

Usapang swerte,ang swerte ng kapatid ko. Biruin mong nakasama nya buong bakasyon si Lily. Nakapag-confess narin sya ng feelings! Akalain mong may gusto rin pala sa kanya si Lily. Pero si Lily, uunahin raw muna ang pag-aaral nya! Kaya nga ngayon, excited pumasok si Kisig. Syempre, inspired eh. Nagkaroon narin sya ng nag-iisang New Year's resolution! Mag-aaral pa raw sya ng mabuti para sa future nilang dalawa ni Lily!

Speaking of pasukan. Andito na ko ngayon sa school. Syempre ginawa ko ang ilan sa new years resolution ko. Naligo ako! Nagpaganda. Nag-makeup ako! Ang bango bango ko rin dahil sa perfume na binigay sakin ni Mama nung pasko!

" Hoy--- Wa-HAHAHAHAH!" gulat akong napatingin kay bansot. Nandito ako sa hallway ngayon papuntang room.

" Pfft! HAHAHAHA!"di mapigilang tawa ko habang nakaduro kay bansot! Paano kasi! Hahaha ang panget! Kalbo! Ano sya! Si Shaolin? O Shaolong?

Ang Poste at Ang DuwendeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon