Chapter 44

66 6 1
                                    

Years passed at maraming nangyari. I graduted as flight attendant and he graduated as civil engineering.

College life. My friends been busy pursuing their careers. Sineseryoso na nila ang college kasi nga, para sa future yun. Lahat ng plano namin sa rooftop, hindi na nakulayan pa. After we graduated highschool nag-uusap pa naman kami pero as the days, weeks,months goes by, nawawalan na nang communication.

I miss my friends. Especially, him.

College life sucks. Yung pagpapasa ng projects nang sunod sunod at kung minamalas pa pare-parehas ng deadline. He's been busy. Mas busy pa sakin. Wala na kaming time para sa isa't-isa. Hindi na kami nagkikita. And kapag nagkikita kami, lagi pa kaming nag-aaway. Time goes by, we grew.. apart. I hated it. Nakipagkita ako sa kanya kahit busy sya. Kita ko yung pagod sa mata nya pero anong magagawa ko. Sobrang miss na miss ko na sya. Galit na galit sya nung araw na yun. Pagod na pagod na raw sya. Ako din naman. We both tired. Next thing I knew, we broke up.

Ang sakit.

Panahong kailangan ko sya pero eto napala ko.

Naapektuhan pati pag-aaral ko. Puyat na puyat ako sa kaaaral. And nag-aabsent ako. Walang gana.I don't know what to do. Akala ko di na ako gagradute. But  seeing my parent's cry, nagising ako.

I graduted. Narinig kong grumaduate na sya. I can't help but smile. I geniuenly happy for him. Meron paring sakit dahil naalala ko yung mga memories namin together.

I worked in province. Way din nang pagmo-move on. Family ko lang and si Amanda ang nakakaalam kung nasaan ako. Sa trabaho ko itinuon lahat. Wala akong time para sa mga nanliligaw sakin. I don't know. Siguro di pa tamang oras para doon.

Siguro nga, hindi lahat ng naging ka-relationship mo, magiging end game mo. Hindi totoo ang fairytales. Sa libro lang nangyayari ang happily ever after. Wala pa sa 10% ng nagkarelasyon ng highschool umabot na ng lifetime. Merong sa kalagitnaan ng highschool nag-break na o yung tulad samin ni Bansot na nag-break sa college. Masaya ako dahil nakilala ko sya.

"Ate!"sigaw ni Kisig ng makauwi ako. Nagwo-work narin sya kagaya ko. I missed them so much. Kaya nga ako umuwi.

"Kamusta?" ngiting sabi ko. Mas lalo syang tumangkad. Nagmomodel narin ang dating balahura.

"Eto,gwapo parin,"sabay pogi sign. Napangiwi naman ako. Lily can't make it. May shooting daw sila ng teleserye. Oh diba? Artista na si Lily. Sila parin hanggang ngayon, sana all.

"Oh Ate, nasabi na ba sayo ni Ate Amanda?" napangiwi ako sa tanong ni Kisig. Parang ayaw kong pumunta.

"Yun naman ata ang dahilan kaya ka bumalik?"ngising sabi nya. Hinampas ko sya sa braso. "Sira!"

"Ma! Pa!"sigaw ko mula sa labas ng bahay. Lumipat na kami ng tirahan at nakapagpatayo na kami ng sarili naming bahay. Kay Mama at Papa ko lang pinapadala yung sahod ko, sila na yung bahala sa pagpapagawa. I can't believe na sobrang ganda ng bahay ah! Yayamanin!

"Anak! Akala ko?,"naluluhang sabi ni Mama. Well, talagang hindi ko sinabi. Surprise eh. Natawa ako ng hinampas ni Mama si Kisig. May sinabi atang kasinungalingan ang tukmol. Niyakap naman ako ni Papa.

"Tara na nga!" sigaw ko. Napanganga ako dahil pagpasok pa lamg may chandelier na bubungad. Edi wow Ma.

"Oh, hindi ka ba pupunta sa pa-reunion ng batch nyo?" tanong ni Papa habang nakain. Daming hinanda parang fiesta!

"Hmm.. pag-iis---"

"Aba! Pumunta ka! Ke ganda ganda eh!" sigaw ni Mama.Natawa naman si Kisig. Maya-maya pa may sinagot na tawag si Kisig.

Ang Poste at Ang DuwendeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon