Lumipas ang ilang araw, tuluyan na kaming hindi nakapag-usap ni Bansot. Naging matagumpay ang pag-iwas ko sa kanya. Tuwing papasok ako saktong bell para di ko sya maabutan. Tuwing recess nauuna akong lumabas wag lang akong maharang ni Bansot. Kapag alam kong magkakasalubong kami lumilihis agad ako ng daan. Palagi ring nakasunod sakin si Gelo. Palaging sya ang kakwentuhan ko. Hindi ko parin nasasabi sa kanya dahil di na sya ulit nagtanong. Mabilis din akong nakahabol sa mga na missed kong subject sa tulong na rin ni Gelo.Si Amanda at Kin naman sobrang nagtataka na. Bakit di na raw ako sumasabay sa kanilang mag-recess? Ano raw ginagawa namin ni Bansot? At kung natuloy ba yung date namin. Hindi ko na sya sinasagot dahil ayaw ko nang pag-usapan. Nakakaramdam din kasi ako ng hiya.
May mga times na kumukuha ng tyempo si Bansot para makausap ako. Pero ayoko syang kausapin. Minsan kami pinagpapartner. Kahit mahirap, ngumingiti ako at pinaplastik sya. Ayokong tumingin ng matagal lalo na sa mata nya. May kakaiba kasi at baka mnghina ako. Ayokong maging marupok. May girlfriend na yung tao.
Pagpasok ko sa room, kinabahan ako ng di ko mamataan si Gelo. Pagkaupo ko dumating na ang teacher.
"Siguro late lang yun" tumatango pang sabi ko. Pero lumipas ang isang oras,hindi sya pumasok. "Bakit di sya pumasok? Naku naman Gelo"
Mayamaya ay umupo sa tabi ko. Napangiti ako at napatingin.
"Ge---" natigilan ako ng si Bansot ang umupo. Tipid itong ngumiti sakin. Umiwas nalang ako ng tingin at bumalik sa pagtuktuk ng ballpen ko. Tae ka Gelo. Asan ka na ba?!
Mayamaya ay may nag-abot sakin ng ballpen. Napatingin ako kay Bansot na nagsusulat sa 1/4 sheet of paper.
"Magpapaquiz si Ma'am pagdating"
"Hindi,okay panaman ball pen ko. Salamat" sabi ko at agad binalik ang ballpen nya. Mayamaya pa binigyan nya ulit ako ng 1/4. Napabuntong hininga ako saka tumingin saglit sa kanya.
"Meron ako. Salamat Thomas" pilit na ngiting sabi ko saka kumuha sa bag ko.
"Di ako sanay sa Thomas ah"
"Masanay ka na" ngiting sabi ko ulit saka nagsulat sa 1/4. Hindi ko naman sya narinig na sumagot kaya nagpatuloy nalang ako sa pagsusulat.
"Pwede ba kitang makausap?" halata sa boses nyang nag-aalinlangan ito. Napabuntong hininga ako saka napalunok. Wala na ata akong takas.
"Nag-uusap na tayo"
"Mayumi, sa---"
"GET 1/4 SHEET OF PAPER! NOW!"
---
Agad akong tumayo ng mag-bell na. Halos iwan ko ang lahat ng gamit ko para makalabas agad. Gusto kong tumakas. Ayoko syang makausap ngayon. Agad kong natanaw sila Amanda at Kin na nakaupo sa pagdalawahang mesa. Napatayo si Amanda ng makita ako. Tipid naman akong ngumiti sa kanya pero nagsalubong lang ang kilay nya. I can't blame her. Ilang araw na akong di sumasama sa kanila. Hindi ko na rin sila madalas makita.Kumuha ako ng bangko sa tabi saka naupo.
"Hi" tipid na bati ni Kin. Ngumiti naman ako ng kaunti saka nag-hi sa kanya. Tumingin naman ako kay Amanda na busy sa pagkuha ng spaghetti.
"Amanda. Sorry" nasabi ko nalang. Natigilan sya sa pag-ikot ng tinidor. "Oh,nasan na yung bagong boy friend mo? Himala di kayo magkasama ngayon?"
Napalunok ako. Nagtataray kasi Amanda. Hindi ko na sya nasagot. Kahit papaano, na-miss ko rin sya. Gusto ko ayang yakapin ngayon at mag-sorry.
"W-wag ka ngang umiyak! Hindi naman kita inaano!" sigaw ni Amanda saka inilapit ang upuan nya sakin. "B-bakit ba? May ginawa ba sayo si Gelo?"
BINABASA MO ANG
Ang Poste at Ang Duwende
RomanceLove can't measure... Kahit milya-milya ang layo nyo sa isa't isa, basta mahal nyo ang isa't isa hindi kayo matitibag. E hindi naman sa layo yun eh! Paano kung yung i-me-measure mo eh hindi yung layo?! Magkalapit nga kayo pero yung height nyo naman...