Chapter 39

74 7 0
                                    

"Sigurado ka bang walang gusto yan sayo?!"

"Wala nga!"

Ang kulit. Ilang beses na nya tinanong yan kanina pang umaga.

"Naririnig ko kayo"seryosong sabi ni Gelo sa gilid ko. Nasa labas kami ngayon ng room dahil napagalitan kami. Leche! Sinabi ko na kay Gelo tapos ganun parin sya makitungo sakin. Okay lang naman na ganun parin sya makitungo sakin ang kaso,mas lalo syang  lumala!

"Mayumi, baka masapak ko na yan" inis na sabi ni Bansot. Putek,nadamay pa ako! Nananahimik ako e! Nangangalay na ang braso kong nakataas mula kanina.

"Manahimik na kayo, ano ba!" naiinis ko na talagang sabi. Paano muntik na sumugod si Bansot sa upuan namin kanina! Etong si Gelo kasi, ginulo ang buhok ko at dahil nagalit ako,niyakap nya ko dahil nag-so-sorry sya. Nakakainis! Malay ko bang it's a trap!

"Napaka-posessive naman ng bestfriend mo Mayumi" ani ni Gelo na seryoso parin ang boses. Pero kapag tiningnan ko,nagpipigil nang tawa. Pusa ka talaga!

"Tumigil kana, sabi!" bulong ko sa kanya. Baka magalit pa si Ma'am sa---

"Anong sinabi mo?!" sigaw ni Bansot kaya nagulantang ako! Baka marinig sya ni Ma'am! Buset! Hindi ko alam na may tinatago palang kaabnormalan si Gelo! Akala ko matino 'to! May sapak din pala!

"Bansot!" bulong ko para sana paupuin sya ang kaso narinig ko namang tumawa si Gelo at nakakaasar ang tawa nya!

"Ano bang nangyayari dito?" napatingala ako sa pinto at nakita ko si Shataff na lumabas at may hawak na papel. Sumama agad ang tingin nya kay Gelo.

"Hi, Shataff"ngiting sabi nya. Napa-irap naman si Shataff at binigay sakin ang papel. "Isulat nyo pangalan nyo"aniya.

Wow, ngayon ko lang nakitang umirap ang multo!

Hinila ko agad si Bansot paupo dahil kita ko parin ang inis sa mukha nya. "Pasaway ka talaga ano?"

Napatigil ako sa pagsusulat ng marinig si Shataff. "Bansot,isulat mo na pangalan mo" sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga naman sya saka tumingin sakin. "I'm sorry"

Ngumiti naman ako sa kanya. Nakanguso eh, ang cute.

"Shataff, naman"

"Binu-bwisit mo talaga ako?" napalingon naman ako sa kanila. Anong nangyayari sa dalawang yun?

"Jino-joke ko lang eh"

"Pwes, tigilan mo na. Di na ako natutuwa"

Di ko nalang pinansin at nagsulat nalang. Si Bansot naman ay nakatingin lang sakin. "Bakit?"

Ngumiti lang sya saka napakagat labi. Nangunot lang ang nuo ko. Abnormal.

"Talaga?! Papayag kana?!"

Teka ano yun?! Anong papayag?! Sorry ah? Kahit pala nakatalikod ako, hindi naman automatic nagtatakip ang tenga ko! Hahaha!

"Wag kang maingay" malamyang sabi ni Shataff kaya natawa ako.

"Bat ganyan nanaman itsura mo?" tanong ko nang ibalik ko ang tingin kay Bansot. Para kasing tanga, pangiti-ngiti pa. Umiiling lang sya saka napabuntong hininga.

Mabilis lumipas ang araw. Naging busy kami ni Bansot dahil sa nalalapit na 4rth grading exam.

"Ano nga! Parang tanga naman to oh!" inis na sabi ko kay Bansot. Napatahimik ako ng sitahin kami ng librarian. Sinamaan ko si Bansot ng tingin.

"Ano ba kasi yun?" nangingiti nyang tanong. Inirapan ko nalang sya. "Nagtatampo ka na agad"

"Bahala ka dyan" inis na sabi ko saka niligpit ang gamit ko. Parang tanga kasi,tinatanong ko dahil di ko maalala yung formula tapos kung ano ano sinasabi. Kesyo di daw bagay sakin nag-aaral.

Ang Poste at Ang DuwendeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon