Simula

7.3K 199 9
                                    

Life has so many things to offer, life has so many surprises that even me, couldn't explain. But I rarely experience surprise, would you believe me if I say that I can read palms? That there is someone who can see the future just by drawing the lines of the palm?

Well I am that someone...

Two years ago, I woke up in an unknown place, with no memories, I was 16 that time, the person who took care of me told me that I've slept for 10 years, not knowing if I will ever wake up from the slumber I am in.

"Thank you lord for another day you've given me life."

Sambit ko habang nakatingin sa kalangitan mula sa bintana ng kwarto ko. Napangiti akong tumayo saaking kama upang mag ayos ng aking sarili. Napatingin ako saaking repleksiyon, sinasalubong ang sariling mga mata.

Nang magising ako ay wala akong maalala, Bukod sa pangalan at edad ko na nakita ni lola saaking name tag noon ay hindi ko na alam kung sino ba ako. Kung may pamilya ba akong naghihintay o kung may naghahanap man lang ba saakin.

They said my parents might be from another country because of my features and my silver eyes. Dalawang taon na ang nakalilipas ngunit umaasa padin akong makikita ko sila, na mahahanap nila ako, marami akong katanungang walang kasagutan, kung sino ba sila? o kung hinanap man lang ba nila ako.

"Magandang umaga ho Ma'am."

Bati saakin ng mga kasambahay ng bahay na tinutuluyan ko, binigyan ko sila ng matamis na ngiti.

"Laide nalang ho, hindi naman na po kayo naiba saakin."

Ngiti ko.

"Gising na ho ba si lola? gusto ko sana siyang ipag luto."

Muling saad ko.

"Maaga hong nagising si senyora ngayon, hinihintay nalamang kayo para saluhan siya."

Sambit niya na nagpatango saakin.

"Ganun ho ba? sige tara na ho at magsalo salo na tayo."

I smiled then went to the kitchen, there I saw my grandmother drinking her tea while looking outside.

"Good morning po sa maganda kong lola."

Malambing na sabi ko saka niyakap at hinalikan sa pisngi si Lola Lydia. Mahina itong natawa.

"Good morning din sa pinaka maganda kong apo."

Ngisi niya.

"Ako lang naman ang apo niyo lola."

Natatawang sabi ko na matamis na nagpangiti sakaniya. She's Lydia Aldama, wala na siyang pamilya, namatay daw kasi ang mga magulang niya ng maaga, wala siyang kapatid at hindi niya kilala o hindi rin siya kilala ng mga kamag anak niya kung meron man.

Hindi narin daw siya nakapag asawa at nag focus nalang sa pagpapalago ng negosyo niya hanghang naging kilalang kilala ito. Kaya naman pamilya na ang turing namin sa isa't isa.

"Kumain na tayo Laide, ako ang nagluto ngayon ng agahan."

Sambit niya, malapad akong napangiti doon.

"Talaga po?! Wow kaya naman pala ang bango!"

Hagikhik ko.

She's not my real grandmother but in my heart, she is. Napakalaki ng utang na loob ko sakaniya, dahil sampung taon niya akong inalagaan, kahit pa napakamahal ng pagpapagamot saakin at maaaring wala na akong pag asang magising ay hindi siya sumuko.

Hindi niya ako sinukuan, sino ba namang gagawa ng ganoon kalaking bagay sa isang batang hindi mo naman kilala?

At nang magising naman ako ay tuloy tuloy ang pagpapagaling ko at pagtuturo niya saakin ng mga dapat kong malaman dahil hanggang anim na taon lang ang isip ko nang magising ako.

La Muerte #3: Hiraeth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon