Kabanata 30

2.8K 150 22
                                    


Adelaide

NANG MAGISING ako ay para bang wala akong kabuhay buhay na naupo. Napatingin ako sa salamin sa gilid ng kwarto ko at nakitang mugtong mugto ang mga mata ko.

I fell asleep crying last night, ayokong makita ako ni Liz at Aaron na ganito, medyo late narin ako nagising kaya satingin ko ay wala naman na sila rito.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bed side table at kinontact ang numero ng secretarya ko.

"Maris."

Pagtawag ko sakaniyang pangalan nang sagutin niya ang tawag.

"Yes Ms. Strella?"

Tanong niya.

"Please cancel my lunch meeting, hindi maganda ang pakiramdam ko, pero susubukan kong pumasok mamaya."

Saad ko saka napatingin sa labas ng bintana.

"Noted Ma'am, I will call them right away."

Sagot niya.

"Okay thank you, Maris."

Naipikit ko ang aking mata, I need to apply ice pack in my eyes later.

"Take care ma'am."

Maris said.

"Thank you, report to me if there is any problem."

I uttered, pinatay ko na ang tawag pagkatapos at kumuha nalamang ng libro upang magbasa ng isang nobela.

Isang oras din akong nagbasa nang makaramdam ng gutom. Nag half bath at tooth brush muna ako saka kumuha ng susuotin.

I just wore a loose scoop neck gray shirt and a black dolphin shorts. Sinuot ko ang bunny slippers ko saka naglakad palabas ng kwarto ko.

"Grabe nakita mo yung bagong driver ni Madam? ang gwapo teh!"

"Oo nga! nalaglag panty ko kahit wala akong panty nung nakita ko sya!"

Narinig kong kilig na kilig na pagchichismisan ng mga helpers habang nagmamop ng staircase.

"Talaga?"

Tanong ko, nakaharang sila sa daan at gutom na ako.

"Ayy oo! kung titignan para di driver! Para syang model o hollywood actor! Ang tangkad tapos mukang masarap mars!"

Todo tili niyang with action pa, malakas akong natawa na ikinamulagat ng mga mata nila.

"M-Ma'am! kayo pala yan!"

Gulat na sabi nila sa parehong gumilid.

"Agad naman pong chismisan niyan."

Biro ko, napakamot ulo ang dalawa.

"Sorry po ma'am, na-carried away lang hehe."

Nailing lang ako doon.

"Tara ho almusal tayo."

Nakangiting aya ko sakanila.

"Ah tapos na ho ma'am, kain na po kayo doon."

Sabi nila, tumango lamang akong tuluyan ng bumaba at nagtungo sa dining hall.

Natigilan ako nang makitang naroroon padin sina Liz at Aaron. Nangunot ang noo ko nang makitang maraming pasa ang kasintahan ng pinsan ko, napaaway ba ito sa bar kagabi?

"Oh anong nangyari diyan?"

Kunot noong tanong ko.

"Napaaway sa bar kagabi."

La Muerte #3: Hiraeth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon