Kabanata 21

2.1K 119 8
                                    

A/N: I was listening to KZ Tandingan's songs yesterday then I heard this, kinda reminds me of what Laide feels right now. I really love this song, lagi ko siyang napapakinggan noon kapag nakikinig ng random songs sa YT <3

Adelaide

"Ano miss hindi ka sasakay?"

Tanong ng isa sa mga taong napapila matapos tumigil ang isang truck sa tapat ko, kalahating oras na mula nang tumila ang ulan, wala pa akong tulog at kain at madilim parin ang kalangitan.

"S-Sasakay p-po."

Nanginginig na sabi ko saka sumabay na sa mga taong nandodoon para sumakay. Nakasiksik lamang ako sa sulok, wala na akong luhang mailuha, at tanging sakit lamang na kanina pa pumipilipit sa puso ko ang natitira.

"Miss basang basa iyang damit mo, nababasa ako."

Sabi ng aleng katabi ko, tahimik akong tumango at umusog pa para hindi siya mabasa, medyo madilim sa pwesto ko kaya hindi nila nakikita ang muka ko.

"S-Saan po ba ito papunta?"

Tanong ko sa ale.

"Sa Maynila neng, buti nga't nagpapasabay ng libre itong truck na ito, isang beses lang ito sa isang buwan dumaan eh, bakit ka ba sumabay kung di mo alam kung saan ito pupunta?"

Tanong niya, nakatakip ang buhok ko sa kalahati ng muka ko, kahit pa madilim para makasiguro.

"W-wala na po kasi akong matutuluyan."

Sabi ko saka nag iwas ng tingin, napatango ito roon.

"Ganoon ba, oh sige ito sayo na."

Sabi niya sabay abot saakin ng isa sa mga naroroon sa sakong dala niya.

"Bebenta ko sana iyan, pero saiyo na, mukang kailangan mo eh."

Sabi niya, nanlaki ang mata ko roon.

"M-Maraming s-salamat po."

Sabi ko, tinanguan lang ako nito saka kinalikot na ang phone niya. Tipid akong napangiti at isinuot ang ibinigay niya, may kalakihan iyon saakin, pero hindi naman sobra, hoodie jacket iyon na kulay itim.

Ipinikit ko ang mga matang niyakap ang tuhod ko't umunan lamang saaking braso.

Sana pag gising ko, maayos na ang lahat.

Sana pag gising ko nasa silid ko na ulit ako sa bahay ng mga Escalona. Magluluto ng almusal tapos makikita ko ang magandang ngiti ni nanay, tapos nakauwi na si Ezekiel at mahigpit akong yayakapin.

Si ate Rosing magsusungit, aasarin ni Ezekiel, sasawayin ni nanay tapos matatawa lang ako. Yung didiretso sa trabaho, kahit nakakapagod ay masaya dahil sa mga kaibigan ko.

Ayoko na sa bangungot na ito.

Napapikit akong hinayaang lumandas nanaman ang luha saaking mga mata.

Gusto ko lang manatili kay lola pero kinailangan kong umalis. Gusto kong manatili sa La Muerte pero mukang imposible ng mangyari.

At nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko iyon, sa tuwing bumabalik saakin lahat ng nangyari. Gusto kong makita si nanay, gusto kong mayakap siya sa huling pagkakataon, gusto kong sabihin sakaniya kung gaano ko siya kamahal.

Pero natatakot ako, napaka duwag ko, naiisip ko palamang ang galit ng mga tao, ang galit ni Ezekiel saakin ay parang hindi ko kaya.

Napakabilis ng mga pangyayari, hindi ko matanggap, hindi ko matanggap na sa isang iglap, ganito nalang kabilis nawala saakin ang mga pinahahalagahan ko.

La Muerte #3: Hiraeth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon