Kabanata 4

2.7K 137 8
                                    

Adelaide

GAYA NG NAKASANAYAN ay maaga akong nagising at naghanda ng almusal, kinuha ko ang nakita kong pwedeng lutuin sa maliit na ref na nasa kusina. Hiniwa ko ang patatas at sibuyas saka inilagay iyon sa may kawali at iginisa.

I am swaying my hips, gracefully dancing as I cook, maganda ang gising ko ngayon. 

Nang maigisa ko ang patatas at ang sibuyas ay inilagay ko na ang binate kong itlog. Nang maluto ko ang itlog ay inilipat ko iyon sa plato. Naglagay akong muli ng mantika sa mainit na kawali, saglit ko iyong pinaitan saka naggisa ng tinadtad na bawang.

I am stil dancing, swaying my hips while humming a worship song, iginisa ko ang corn beef saka inilagay na ang malamig na kanin para isangag. I was busy doing my thing alone when someone suddenly whistled behind, nanlaki ang mata ko roon na tumigil sa pagsayaw.

"U-uhh g-good morning."

Kagat labi kong sabi, nakakahiya!

Si Ezekiel iyon, hindi din ako makatingin ng maayos dahil topless ito, hindi ako sanay makakita ng lalaking nakahubad, lalo na ng ganiyang katawan kay Ezekiel.

"Bakit ka tumigil?"

Tanong niya habang patuloy ako sa pagluluto. I glanced at him, he's smiling at me playfully, sinimangutan ko siya.

"Nakakahiya!"

Irap kong nagpatawa sakaniya. Matapos kong iluto ang fried rice ay inihain ko na ito.

"Magdamit ka nga Ezekiel."

Saway kong nagpangisi sakaniya, I glared at him.

"Okay po."

Ngingiti ngiting sabi niya saka tumayo na, hindi rin siya nagtagal bago makabalik, ngayon ay nakasuot na ng manipis na t shirt.

"M-may sibuyas yung itlog?"

Kunot noong sabi niya, inosente ko siyang tinignan.

"Bakit ayaw mo?"

Tanong kong ikinatango niya.

"Bakit? ang daming benifits ng sibuyas ah."

Komento ko.

"Madami ding befits ang saging, hindi naman masama ang lasa."

Sambit niya.

"Iba naman yon."

Irap ko.

"Bakit magkakagusto ba saken crush ko kapag kinain ko to?"

Kibit balikat niya.

"Malay mo naman? saka ayaw mo yon makakapagpaimpress ka, mas maganda kasi kapag wala kang arte sa pagkain. Saka masarap naman iyang sibuyas kapag luto."

Sambit ko, napanguso siya doon.

"May itlog pa naman doon sa ref, gusto mo ipagluto kita ng walang sibuyas?"

Ngiti ko.

"Wag na, kakain ako nito."

Nguso niyang nagpangisi saakin.

"Good morning, aga natin ah."

Ngiti ni Nanay, matamis ko siyang nginitian.

"Good morning po nay, kain na ho kayo."

Bati kong nagpangiti sakaniya. 

Nagtimpla ako ng kape saka binalingan ng tingin si nanay.

"Gusto niyo rin ho ba ng kape? ikaw Ezekiel?"

La Muerte #3: Hiraeth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon