Kabanata 22

2.1K 134 9
                                    

Adelaide

FOUR DAYS since I started doing this job, sapat na ang kinita ko bilang pamasahe at ito ang huling araw ko.

Gusto kasing magbigay ng pera kay Isay dahil nahihiya ako sakaniya. Ayosokong umalis bukas ng hindi man lang nagbibigay.

"Pahula na kaya tayo?"

"Nawawala na ang anak ko tapos magpapahula pa tayo?!"

"Eh sa kanina pa tayo nag iikot dito kakahanap kay Zaniah! Sandali lang naman eh."

Narinig kong pag uusap ng kambal na babae sa harapan ng stall ko. Mukang natataranta ang mga ito at base sa narinig ko ay may hinahanap sila. May dalang tulog na batang sa palagay ko ay nasa isang taong gulang yung babaeng may kulay asul na mata at may hawak namang batang babaeng nasa dalawang taong gulang siguro ang kamuka niyang may berdeng mga mata.

Tinignan ko ang palad nila at nag simulang magsketch ng larawan sa sketch pad ko. Nakita kong mahahanap nila ang batang kamukang kamuka ng batang hawak ng isa sakanila, ilang minuto mula ngayon

"Tara wala namang mawawala!"

Sabi nito saka nagtungo saakin.

"Nasa simbahan siya, makikita niyo siya sa simbahan sa tapat."

Sabi ko bago pa man din siya makapagtanong, nanlaki ang mata nila roon.

"Ganoon ba? Ay bongga pala to Saph, Gora na?"

Tanong ng babaeng berde ang mata sa kakambal, kunot ang noo ng isang tumango saka nag iwan ng pambayad at nagpasalamat saka nagmamadaling umalis.

Napasandal ako kinauupuan at napabuntong hininga.

"Grabe yung nangyari doon sa Pangasinan ano? yung nanay sinaksak ng labing apat na beses nung kinupkop nilang babae, napaka walang utang na loob naman non."

Iling iling na sabi ng dalawang nag uusap na ale malapit saakin, natigilan ako roon.

"Ay yun ba yung narinig natin sa radyo kanina?"

"Oo mars, Wanted na daw yung babae, pero di padin nahuhuli, ang sabi ay nasa kalapit na mga bayan lang sya ng La Muerte dahil binabantayan nila ang mga terminal doon at hindi siya nakikitang umalis, wala din daw syang pera noong tumakas kaya baka doon lang nagtatago."

"Kaloka naman, nakakatakot, demonyo ang gagawa ng ganiyan, sana talaga ay mahuli na siya. Kawawa naman yung matanda."

Naikuyom ko ang kamaong nag iwas ng tinging naglandas ang luha sa mga mata. Hindi ako ang pumatay kay nanay, hindi dapat ako ang hinuhuli nila.

Hinding hindi ko iyon magagawa.

I am the one they are blaming when I didn't do anything while the person who really killed nanay is running free.

I just hope Ezekiel will see the truth sooner, I just hope the day will come that my name will be cleared.

But I guess even that day comes, baka hindi ko na magawang tumapak pa sa lugar na iyon. It will just remind me how much I hate myself for not being able to stop the terrifying fate nanay Delilah has.

Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari, pakiramdam ko ay may magagawa sana ako, pero huli na ang lahat, wala na si nanay.

That day I will never forget, her face, her killer's face, how Ezekiel's eyes that was once filled with love now full of loathe.

How that place that made me feel like home is now just gonna remind me of that nightmare that continued chasing me.

I will remember it all as long as I live, like a curse that I deserve for not being able to do anything to save the person I love.

La Muerte #3: Hiraeth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon