Kabanata 39

2.9K 146 11
                                    

Warning R-18

Adelaide

I SIGHED as I sat on a chair here in the balcony and silently reviewed some proposals before I go prepare for work. It's been 2 months since Shawn sexually harassed me in the cementery, it caused chaos and thankfully, Shawn's in jail now.

"How are you? okay ka na ba?"

Tanong ni Brenda sa kabilang linya.

"Okay na ako Brenda, salamat."

Ngiti ko habang nagbabasa.

"Mabuti nga sa mga Dela Cruz, mabuti nalang at hindi nalusutan ng hayop na yun ang kaso."

Mariing sabi ni Brenda.

"Hindi ko hahayaang malusutan niya ang kaso Brenda."

Sabi ko, Brenda chuckled.

"That man needs psychiatrist, nang malaman ko ang ginawa niya sayo parang gusto ko siyang palunukin ng bala!"

She frowned.

"Siya ang naging laman ng balita noong nakaraan, considering how influetial his family is. Nahulihan pa ng droga si Shawn, siya pala ang namamalakad ng drug lab ng tatay niya. His father also went to jail after being exposed, being a corrupt senator, a drug lord and also a multiple counts of murder were filed against him. Their huge corporation went bankcrupt and is said that it is now under the King's empire. Ang tawag doon karma! sa dami ng masamang gawain nila, triple ang bumalik sakanila."

Brenda added then hissed, I sighed, ini loud speaker ko ang phone para makapag pirma ako ng maayos.

"Naging usap usapan iyon nitong nakaraang buwan. Mabuti narin siguro iyon, dahil hindi na ako malalapitan pa ni Shawn, their power and influence were snatched away from them in an instant."

Sambit kong nagpatawa kay Brenda.

Bumalik sakanila lahat ng ginawa nila, ang kayamanang pinag mamalaki nila, sa isang iglap ay nawala sakanila.

"This is why you should stay down to earth and shouldn't look down on people too much, hindi mo alam kung paano maglaro ang kapalaran. Mataas maningil ang karma, kung mabuti ka ay mabuti din ang babalik saiyo."

Dagdag ko sabay inom ng tsaa.

"Truth! pero kung sakaling nalusutan niya ang kasong to, putcha, ako mismo ang papatay sakaniya."

She hissed, nailing ako roon.

"Hindi mo kailangang dumihan ang kamay mo para saakin Brenda."

I said while signing the papers. 

"Edi ipapapatay ko siya sa asawa ko, hindi na madudumihan kamay ko noon."

Biro niya sabay tawa.

"I'm fine now Brenda, don't mind me, masaya na akong napagbayaran nila ang mga kasalanan nila."

Sabi ko.

"Nagsasuggest lang naman."

She giggled, nailing ako roon.

"Puro ka biro."

Tawa ko, tumanaw ako sa ibaba at nakita si Ezekiel na nakatanaw saakin. Nagtagpo ang mga mata naming mabilis na nagpatibok sa puso ko, ngumiti siya saakin at nagflying kiss pa, nag iwas lang ako ng tingin.

"Sinong nagsabing nagbibiro ako?"

Sambit niya, siguradong nakangisi ito ngayon.

"Sira."

La Muerte #3: Hiraeth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon