Kabanata 5

2.5K 125 8
                                    

Adelaide

A week since I started working in the Juarez' I finally got my pay, tuwang tuwa ako dahil ito ang unang beses na nakatanggap ako ng perang pinaghirapan ko. Balak kong ibili iyon ng damit at ng mga kailangan ko pa, magbibigay din ako ng pera kay nanay Deliah dahil nahihiya talaga ako kung manunuluyan man ako dito ng libre.

Excited na akong ibalita ito kay lola, tiyak na matutuwa iyon. 

Mula noong dumating ako rito sa La Muerte ay ramdam na ramdam ko kung gaano ako tinanggap ng mga tao. Kung gaano ako kasayang makasama ang mga kaibigan ko---at si Ezekiel. Napakabuti nilang lahat, lalo na ang pamilya Escalona, kahit pa nagtataray si ate Rosing ay masasabi kong mabuti rin ito dahil tinuturuan niya ako ng mga dapat kong gawin, strikta lang siya saka madaling uminit ang ulo pero nakikita ko namang concern din siya sa pamilya nila.

Si nanay Delia ay ang nagsilbing nanay ko rito, naaalala ko sakaniya si lola, siguro ay magkakasundo sila? So Ezekiel naman, kahit pa pala biro kadalasan ay lagi siyang tumutulong, hindi ko pa sinasabi ay tinutulungan na ako.

Hindi ko lang ineexpect na bibilhan niya ako ng bra, baby bra. Nagpasalamat naman ako, yun nga lang ay medyo masikip iyong binili niya saakin, ganun ba kaliit yung dib dib ko satingin niya? may laman naman ito kahit papaano.

Napanguso ako doon.

"Laide, pwedeng pumasok?"

Boses iyon ni Ezekiel mula sa labas, nakagat ko ang labi ko.

"Uhh oo, pasok ka."

Sambit ko, kasabay ng paghawi ng kurtina ay ang pagpasok nito saaking silid. Nakasuot ito ng simpleng itim na v neck t shirt at faded jeans. Simple lamang ang porma pero bakit ang lakas ng dating niya?                                        

"Nakarating ka na pala."

Ngiti ko.

"Hindi, imagination mo lang to kasi crush mo ako."

Ngisi niyang nagpawi ng ngiti ko.

"Ezekiel naman."

Nguso ko, natawa siya roong ginulo ang buhok ko.

"San ka pala galing kanina?"

Ngiti ko, ngunit nangunot ang noo nang bigla nalamang itong lumuhod saaking harapan.

"Adelaide, matagal ko ng gustong sabihin ito."

Madamdaming sabi niya, kumunot ang noo ko roon, kasabay nito ay ang paglabas niya ng isang puting kahon.

"Will you---"

He cleared his throat then looked at me dramatically. Madrama niyang dahan dahang binuksan ang kahon  habang nakatitig saakin.

Isang kepad cellphone ang laman niyon, my phone ang brand.

"Will you buy this phone? mura lang to Laide, pinabebenta kasi ng kaibigan ko saakin, sumweldo ka na diba? para may sarili ka ng cellphone. Oo keypad lang ito pero bukod sa text at calls, pwede karing mag laro ng snakes dito, kakainin niya yung bilog hanggang lumaki tapos ang tanga lang mamamatay siya dahil lang nabunggo siya sa sarili niya, bakit kasi siya kain ng kain. Pero iyon nga, masaya namang laruin, may camera din ito, pwede kang mag selfie, may sim nadin, pwede mo akong tawagan kapag namimiss mo ako."

Pang sesales talk nito saakin, natawa ako roon.

"Kailangan ko rin ng phone kaya sige lang, pero bakit kailangan mong lumuhod?"

Tanong ko, nangunot ang noo niya roon.

"Hindi mo gets? yung joke doon sa pagluhod?"

Tanong niya, sunod sunod naman akong umiling.

La Muerte #3: Hiraeth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon