Kabanata 43

2.8K 162 13
                                    

Adelaide

TAHIMIK LAMANG ako sa byahe kahit nagsasalita si Ezekiel ay hindi ako gaanong makapag focus. Kinakabahan ako at nanlalamig ang mga kamay habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan.

Hindi na ako umuwi ng bahay para kumuha ng mga gamit, baka kasi lalo lang akong kabahan at magbago bigla ang isip ko.

I just borrowed Rhia's clothes that she left in  Ezekiel's car since I got soaked in the rain.

"Hindi ka ba inaantok? You want to eat something?"

Tanong niya saka sumulyap saakin habang binabaybay ang daan. It's already 11 pm and I am not sleepy at all.

"I'm nervous."

I said, hinawan niya ang kamay ko habang nagdadrive at pinisil iyon.

"It's okay to feel nervous, nandito lang ako."

Sabi niya, nakagat ko ang labing tumango.

"Thank you."

I sighed.

"I want to eat some peanut butter."

I said, nanlaki ang mata ko roon.

"Did I say that out loud?"

I frowned, Ezekiel smiled.

"Bibili ako, meron siguro diyan sa bakery sa malapit."

Sabi niya saka itinigil ang sasakyan sa tapat ng isang bakery at lumabas para bumili. Napanguso ako habang nakatingin sakaniya sa labas.

Hindi rin naman siya nagtagal, pagbalik niya ay may hawak siyang plastic bag kung saan naroroon ang tinapay at peanut butter, saka dalawang mineral water.

"Buti bukas pa sila kahit ganitong oras na."

Sabi niya saka iniabot saakin ang plastic bag.

"Salamat."

Sabi ko saka excited na hinanap ang bote ng peanut butter, buti nalang at mayroon ding plastic spoon syang binili.

"Papapakin mo?"

Tanong niya saka inistart ang sasakyan.

"hm..hm.."

Sagot ko saka sumubo ng isang kutsara ng peanut butter.

"Gusto mo na pala yan ngayon? I thought you're more into jams. Gustong gusto mo noon yung jam na ibinigay ni Gwen sa bahay."

Ngiti niya saka sumulyap saakin, mabilis na pumintig ang puso ko.

"You remembered? ang tagal na non."

Komento ko habang sumusubo.

"Hmm..How can I forget, if it's about you."

He said then let out a sexy chuckle, nag init ang pisngi kong tumingin nalang sa labas habang kumakain.

"How did you find your family?"

I asked since it feels awkward, sumulyap saakin si Ezekiel.

"A year after working here, it's suppose to be two years experience but I got lucky. Tinulungan ako ni Mr. Juarez makalipad sa Denmark, there I met my father, Enrico Javier Kings."

He smiled.

"Turns out he had so many enemies before, nanganib ang buhay namin. After my older brother died, we had to escape. My mother had to entrust me to nanay Delilah, for my safety while she had to escape with my sister Rhia.  My father thought we died too and fought alone. 7 years ago we met, 4 years after that, we also found my sister. Unfortunately, our mother died when we were 8, so I did not meet her."

La Muerte #3: Hiraeth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon