Kabanata 24

2.2K 119 11
                                    

TRIGGER WARNING: Self harm

Adelaide

LIZ FROWNED making me smile.

"Ang laki na ng tummy mo, why you still don't want to see your baby's gender or even see in the ultra sound?"

Reklamo niya, I'm 7 months pregnant already, kagaya ng sinabi ng doktor ay pinipilit kong ilayo ang sarili sa stress. Liz, Aaron and Attorney Alomar are here to help me, hindi ako nag iisa, and I am very thankful that I have them.

"I want to surprise myself, it doesn't really matter if the baby is a boy or a girl as long as he or she is healthy."

I smiled while touching my belly, Liz just pouted.

"Fine."

Napabuga ito ng marahas na hangin.

It's been 7 months since then and I can remember my parents clearly now, kahit papaano ay napasaya ako ng mga memoryang iyon, at habang buhay ko iyong dadalhin.

Masaya akong kahit sa maiksing panahon ay nakasama ko at naramdaman ko kung gaano ako kamahal ng mga magulang ko.

"What are you gonna name the baby?"

Aaron asked while eating the ice cream that is supposed to be mine.

"I want to name her Hope Angelique if she's a girl and Isaiah Kiel if he's a boy."

I said making the two of them smile.

"Omg! I'm naeexcite na!"

Liz giggled making me smile.

Because of this child inside me, I managed to have the strength to move forward, kahit sobrang hirap ay ginawa ko ang best ko para makabangon, para narin sa baby ko.

Ang also because of Liz, kaya malaya akong nakakalabas ngayon, she used her ability on me, she even joked she could be an agent or an assasim with her ability.

The investigation also started, hanggang ngayon ay hindi padin namin nahahanap ang tunay na gumawa non kay nanay. Ang everyday I would always pray na sana isang araw ay mahanap nanamin siya.

"Paano kung isang araw magkita kayo ng tatay niyan? the father has the rights to know Laide."

Aaron shrugged, hindi ko maiwasang malungkot sa tuwing naiisip ko iyon. Everyday I would apologize to my baby, parang imposible na kasing mabibigyan ko siya ng kumpletong pamilya.

"S-saka na siguro kapag maayos na ang lahat."

I sighed, Aaron smiled and patted my head.

"Magiging maayos rin ang lahat Laide, sangayon kailangan lang muna nating maghintay."

Ngiti nito, napangiti din ako doong tumango.

Sana lang ay matanggap ni Ezekiel ang batang ito, kahit hindi na ako. Kapag maayos na ang lahat, sana ay matanggap niya ang anak ko, ang anak namin.

I don't want to hide this baby, Ezekiel has the rights to know, pero ayokong ipaalala sakaniya lahat ng sakit kapag nakita niya ako o batang dala dala ko ngayon. Masyado pa kasing komplikado, natatakot ako na kapag nagpakita ako ngayon ay gugulo lang ang lahat, ayokong madamay ang anak ko.

Saktan na ako ng lahat, okay lang wag lang ang baby ko, kaya kahit gusto kong makilala ni Ezekiel ang bata ay hindi pa pwede. Hindi madaling kalimutan ang lahat, pero sa tamang panahon ay sasabihin ko sakaniya, kapag handa na ako, at sana ay handa narin siya.

"Anyways Laide grabe! Nakichika ako sa ALD company according sa utos mo saakin and remember the strategy you made na pinadala mo lang sa secretary mo? gosh the board said it's brilliant!"

La Muerte #3: Hiraeth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon