Kabanata 11

2.2K 133 19
                                    

Adelaide

She's here again...

Araw araw ay bumibisita siya rito, wala ba siyang trabaho? Well she's rich already, she doesn't have to pero syempre desisyon niya padin. What am I thinking? I know it's not right, pero ayokong nakikita siya lagi dito.

Pero hindi nalang ako umiimik.

I miss Ezekiel, mula kasi noong dumating siya ay sa tuwing nag uusap kami ni Ezekiel ay sumisingit siya at dinadala ito kung saan. Nasasaktan ako, kasi parang ang layo ko sakanila, miss na miss ko na yung bonding namin ni Ezekiel. Bela is kind to me, but I'm not comfortable around her, madalas akong nakatingin sa palad niya tuwing kausap ko siya dahil natatakot akong may balakin siyang gawing ikasisira ko.

"Ano ba Ezekiel! nakakahiya!"

She pouted, hinampas niya ang braso ni Ezekiel, si Ezekiel naman ay hinila ang buhok niya.

"Masakit yun ah!"

Sabi ni Ezekiel, napasimangot doon si Bela, nag iwas lang ako ng tingin. Mainit ang mata  saakin ni ate Rosing kaya naman ako na ang umiiwas para walang gulo.

Pero nasasaktan ako, kaso wala akong karapatan kasi, ngayon ko lang naramdaman ito at sa totoo lang ay hindi ko alam ang gagawin ko. Ezekiel would try to talk to me when Bela goes home pero ako ang umiiwas, hindi ko din kasi alam ang sasabihin ko at hindi ako sigurado kung dapat ba ay ipagtapat kong gusto ko siya. 

Kasi paano pala kung mahal niya padin si Bela? they seems close, baka mareject lang ako, tapos iwasan niya ako, ayokong masayang ang pagkakaibigan at magandang samahan namin.

Natatakot ako, hindi ko alam ang gagawin ko.

"Laide! you're here pala! day off mo ngayon diba? Ayaw kasing sumama saakin ni Ezekiel dahil may trabaho daw siya."

Nguso nito, diba Josiah ang tawag niya kay Ezekiel? bakit nakiki Ezekiel nadin siya? Her style changed, she's wearing a simple dress right now and she didn't wear make up like she used to, bagay din sakaniya iyon.

"We should go out! tignan mo oh twinning pa tayo Laide."

She giggled, pareho kasi kami ng bistidang suot ngayon, nakakatuwa naman.

"O-oo nga, bagay sayo."

Nahihiyang sabi ko, nangunot ang noo ni Ezekiel.

"Isasama mo si Laide? maraming lalaki doon sa plaza."

Sabi ni Ezekiel, di makapaniwalang tinignan siya ni Bela.

"Eh ano naman? Laide is single, so why not?"

She said, seryoso lang ang muka ni Ezekiel na tumingin saakin.

"Sasama ako."

Sabi niya, nanlaki ang mata namin doon ni Bela.

"Really?! Great!"

She giggled, I just sighed.

"K-kayo nalang, magbabasa pa ako ehh."

Sabi ko, umiling lang saakin si Bela.

"No, sasama ka saamin Laide."

Ngiti niya saka dumikit saakin, may kaliitan siya kumpara saakin, kaya ang cute nila tignan ni Ezekiel, dahil kung matanggad saakin si Ezekiel ay lalo naman kay Bela. Sa ilang araw na nakakasalamuha ko siya ay nakita ko ang mga pagkakaiba namin. She's kind but she's aggressive and bold, she's confident, matalino at may pinag aralan, sya yung sinabi ni Ezekiel na tipo niya sa babae.

While I'm shy, I'm simple, I easily get down, I don't like my hair, my freckles, I don't like how I look weak, I don't like how I couldn't say some of my inner thoughts, I don't like how people say I'm innocent cause I don't know some things, I hate how my minds drifts somewhere in the middle of a conversation, I feel like they secretly thinks that I am weird. 

La Muerte #3: Hiraeth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon