Kabanata 14

2.3K 124 8
                                    

Adelaide

We have a situation.

Napabuntong hininga lang ako habang nakatingin sa daang tatlong oras na naming tinatahak.

"Ang lakas ng ulan, may bagyo ba? hindi na ako gaanong nakakanood ng balita."

Tanong ko kay Ezekiel, Inutusan kasi kami ni Wade na kunin yung naiwan niyang bag sa isang sitio na malayo sa La Muerte, babayaran niya raw kami.

"Lalo namang hindi ako nakakanood."

Naiiling na sabi ni Ezekiel, dala namin yung van ni Wade kaya hindi kami nababasa. Dahan dahan lang din magmaneho si Ezekiel dahil malakas ang ulan at madulas ang daan.

"Unang araw palang minahal na kitaBakit ba ganito ang aking nadamaDi man kita lubusan pang kilalaEh ano naman basta mahal kita!!!"

Pagkanta ni Ezekiel, natatawa ako dahil bigay na bigay siya habang nagmamaneho. He seems like he's in good mood kahit pa ang lakas ng ulan at hangin sa labas.

"Ikaaaww---how could you love me?"

He again sang, nangunot ang noo ko roon.

"Ha? ganun ba start non?"

Nagtatakang tanong ko, nagkibit balikat ito.

"Nalimutan ko na umpisa ehh."

Sambit niyang nagpatawa saamin.

"Ezekiel!"

I squealed, agad na nakaiwas si Ezekiel sa bumagsak na puno.

"May bagyo nga talaga ata."

Sambit nito saka itinigil ang sasakyan sa nadaanang farm at binuksan ang kaniyang phone.

"Wala pala akong load, di natin malalaman kung merong bagyo."

Nguso nito.

"Dibale, malapit naman na tayo diba?"

Sambit ko nang mapatingin sa labas, Ezekiel sighed then continued driving. Mabuti nalang at pinagamit saamin itong kotse.

"Kadalasan ikaw lang yung binibigyan ng gantong trabaho ni Wade, bakit kasama ako ngayon?"

Takang tanong kong nagpakibit balikat sakaniya.

"Hindi ko din alam pero mahahalikan ko siya."

Natatawang sabi niya.

"Ha?"

Malalim ang gitla ng noong sabi ko, nanlaki ang mata niya doong nagsitayuan ang mga balahibo.

"On second thought wag nalang, kadiri amputa."

Ngiwing sabi nitong para bang nakakita ng pinaka nakakatakot na nilalang sa tala ng buhay niya sa naisip niyang iyon.

"Ito na ata oh."

Sambit ko nang mabasa ang nakasulat sa harapan ng isang lugar, gawa lamang iyon sa kahoy at umuuga na dahil sa hangin, pero nababasa padin naman.

"Sitio Saka."

Banggit ko saka tumingin sa gawi ni Ezekiel.

"Nakapunta ka na ba dito noon Ezekiel?"

Tanong kong ikinatango niya.

"Hmm.. oo, dito nakatira yung kaklase ko, nakakabisita ako minsan, maganda dito , pwede tayong mamasyal kapag tumila na yung ulan. May burol din sila dito, mas malawak at mataas nga lang yung malapit sa Hacienda."

Pagkukwento niyang nagpamangha saakin.

Halos lahat ng nakikita ko ay sakahan, may ilang puno din sa paligid at mga bahay, ang sabi ni ate Gwen ay sikat ang mga rattan items na ginagawa nila dito. Yun nga lang ay walang mga sasakyang dumadaan bukod sa truck na nagdedeliver at nagpapasakay ng mga tao isang beses sa isang buwan.

La Muerte #3: Hiraeth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon