Kabanata 33

2.6K 130 13
                                    

Adelaide

IMINULAT KO ang mga matang sumalubong ang asul at malawak na kalangitan. Nagtataka akong bumangon sa damuhan at ganun nalang ang gulat nang mapagtantong nasa isang napaka pamilyar na lugar ako.

Isang lugar na kahit kailan ay hindi ko malilimutan.

Nasa burol ako ng Hacienda Juarez, takang taka akong naglakad lakad, sa paglalakad ko ay may nakasalubong akong isang batang lalaki, napangiti ako roon.

"Hello."

Bati ko sakaniya, humarap siya saakin at ngumiti, natigilan ako nang makita ang itsura nito. He has a soft ocean blue eyes and black curly hair, kamuka niya ang mga litrato ni Ezekiel noong bata siya na ipinakita saakin noon ni nanay.

Kamukang kamuka niya ito at tanging ang kulot na buhok lamang niya ang ipinagkaiba. Bahagyang kumabog ang puso ko habang nakatitig sakaniya, ngumiti siya saakin at lumapiy, lumuhod naman ako para pantayan siya.

"Wag ka na pong umiyak."

Sabi niya sabay pahid ng luha kong hindi ko namalayang lumalandas na saaking mga mata.

"A-Anong pangalan mo?"

Tanong ko, ngumiti siya saakin, lumitaw ang malalim niyang dimples.

"Isaiah Kiel po nanay."

Ngiti niya, napatangis ako lalo roong mahigpit siyang niyakap.

"Anak! Anak ko!"

Hagulgol ko habang mahigpit siyang yakap, naramdaman kong niyakap niya ako pabalik.

"Araw araw nangungulila ako, walong taon na pero hindi parin kita malimutan, walong taon na pero kahit kailan hindi ka nawala sa puso't isip ko Isaiah. Mahal na mahal ka ni nanay, mahal na mahal kita."

Hagulgol ko habang yakap yakap siya, naramdaman ko ang paghaplos nito sa buhok ko.

"Mahal na mahal ko din kayo nanay."

Bulong niya, patuloy lamang akong tumatangis hanggang maramdaman ang unti unting pagkawala nito sa bisig ko, lumakas ang hagulgol kong pilit siyang inaabot, pilit siyang hinahanap.

Tumayo akong nagtatakbo paakyat ng burol, nakita kong tumatakbo din siya kaya hinabol ko siya. Nang makaakyat kami ng burol ay bahagya akong natigilan sa nakita, sa ilalim ng puno ay nakaupo ang mga pinaka importanteng tao sa buhay ko.

Si nanay, ang mga magulang ko, si lola at ang anak ko, nakangiti silang lahat saakin. Muli ay tumulo ang luha kong tumakbo sakaniya at niyakap sila.

"Nanay, lola..."

Sabi kong hinaplos ang muka nila, mahigpit ko silang niyakap saka sumulyap saking mga magulang.

"Mommy...daddy.."

Bulong ko habang tumatangis

"Isaiah.."

Iyak lamang ako ng iyak, nang tumahan ako ay masaya akong nagkwento sakanila habang hinahaplos ang buhok ng anak kong natutulog saaking hita.

"Miss na miss ko na po kayo, ang hirap po, sobrang hirap bumangon nang nawala kayo saakin."

Sambit ko.

"Mahal na mahal ka namin Laide, wala man kami sa tabi mo ay binabantayan ka namin, binabantayan namin kayo."

Ngiti ni nanay, ang anak ko naman ay yumakap saakin.

"Kaya wag na po kayong malungkot nanay, babantayan ko po kayo, kayo ni tatay, aalagaan niyo po ang sarili niyo ha."

Sabi ni Isaiah, napatangis akong tumango.

La Muerte #3: Hiraeth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon