Kabanata 3

3.2K 154 6
                                    

Adelaide

"Sino ka? Nakatira ka dito? manliligaw ka din? ngayon lang kita nakita ah? nasa huli ang pila miss."

Kunot noong tanong ng isang babae sa tapat ng gate ng bahay ng mga Escalona.

"Ha?"

Doon ko lang napansin na may mahabang pila nga sa labas! Totoong niligawan siya ng mga babae?! 

Napanganga ako roon, naks blockbuster pa! 

"Incase hindi ka informed since bago ka nga, may pila, doon ka sa likod."

Maarteng sabi niya ikina kamot ng ulo ko.

"Pero sabi ni Ezekiel, VIP ako."

Wala sa sariling banggit ko, naalala ko kasing sinabi iyon ni Ezekiel kahapon.

"Wag mo akong pinaglololoko, bawal ang sumingit! doon ka sa likod!"

Sigaw niya, napatango nalang ako saka nakipila nadin. 

Teka, bakit ba ako pumila?

"Uhh nanliligaw kayo? as in?"

Tanong ko sa babae sa harap ko, ngumiti ito at tumango.

"Oo naman, ang pogi kaya ni sweetie pie Eseng."

She said dremingly, napakamot ulo ako roon, hindi ko magets kung bakit nila kailangang manligaw lahat eh iisa lang naman si Ezekiel.

"Eh hindi naman kayo sasagutin lahat ni Ezekiel diba? isa lang? bakit hindi niyo nalang hintayin na manligaw siya?"

Muli kong tanong, mabuti nalang at hindi naman mukang  mataray itong kausap ko.

"Edi naunahan na kami, kapag nanligaw yung isa kailangan manligaw din kami, hanggang hindi pa nagkakagirlfriend yang si buko pie, saka kahit hindi naman kami sagutin, basta nakakasilay kami, busog na mga mata namin."

Hagikhik niya, napakamot ulo ako roon.

"Bakit ka nakapila?"

Bulong ng nasa tabi ko.

"Eh bawal daw sa harap, kailangan ko daw pumila sa liko---Ezekiel!"

Gulat na sambit ko, mukang hindi pa kami napapansin nung mga nasa harap.

"Sabi naman sayo VIP ka."

Muli niyang bulong, napanguso ako doon.

"Bakit kasi hinayaan mo silang pumila rito? tapos wala ka naman atang balak silang sagutin? paasa kadin ano?"

Naniningkit ang matang sabi ko, agad naman itong umiling.

"Hindi ahh, lagi kong sinasabing hindi ako nagpapaligaw, sila itong bumabalik."

Saad niya saka bumuntong hininga pa.

"Tignan mo oh, may kanya kanya pa silang offerings, daig pa yung mga offerings sa misa."

Komento kong malakas na nagpatawa sakaniya, napalingon tuloy saamin yung mga babae.

"Omg cherry pie! andito ka na!"

"Siomai love hello!"

"Labidabs look oh may bago akong bistida"

"Ung ung! may niluto ako!"

"Nyeng nyeng mas masarap itong putahe ko!"

"Mango pie uy!"

"tuna pie tingin ka sakin!"

"Honey bunch bagay ba sakin make up ko?"

"sugar plum ang pogi mo!"

Nakita ko kung paanong napangiwi doon si Eseng, sabay sabay silang nagkumpulan sakaniya na ikinailing ko lamang, kawawang Ezekiel. Nakatingin siya saakin ngayon, animoy humihingi ng tulong.

La Muerte #3: Hiraeth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon