Kabanata 12

2.2K 138 12
                                    

A/n: Browsing some pics on chrome for an art reference then I saw this. This is how I imagine Laide's hair  ❤

Adelaide

"Ezekiel! pano sila Bela at Grey?"

Tanong ko habang kasamang naglalakad si Ezekiel paalis ng lugar, bigla nalang niya akong binuhat kanina.

"Hindi na sila bata, kaya naman nilang umuwing mag isa."

Ngisi niya saka pumara ng tricycle habang hawak padin ang kamay ko.

"Ako din naman ah, saka sayang naman hindi ako nakapagpaalam ng maayos kay Grey o nakuha man lang ang number niya."

Nguso ko, lumalim ang gitla ng noo nito sa sinabi ko.

"Bakit tatay mo ba sya para magpaalam ka? Talagang gusto mo pang kunin yung number niya? may number din ako Laide, gusto mo bili pa ako ng isa pang sim, iyon pwede mong isave."

Sabi niya sabay irap saka kami sumakay ng trike, ang sikip pa kasi ang laki niya.

"Ezekiel masikip doon nalang ako sa maliit na upuan."

Sabi ko, umiling ito saakin saka naupo sa sahig ng trike, nakasandal ito ngayon sa legs ko, ako naman ay wala sa sariling hinaplos ang kaniyang buhok, ang lambot ng buhok niya.

"Dyan ka na sa malaki, baka masilipan ka pa dito, nakabistida ka pa naman."

Sabi niya, napanguso lang akong tumango.

"Tatanong ko nalang kay Wade kung anong number niya mamaya, magkaibigan daw sila ehh."

Saad kong nagpamulagat ng mata niya at lumingon saakin.

"Expired na daw sim ni Wade katulad niya, di pa siya nakakabili ng bagong utak---este sim."

Sabi niyang nagpakunot ng noo ko.

"Ah ganoon ba, sige tanungin ko nalang sakaniya kapag naki----"

Pinutol niya ang sasabihin ko.

"Tumawag siya saakin kanina, patay na daw siya."

Sambit nitong nagpamulagat saaking mga mata.

"A-Ano---"

"Patay patay daw saakin---char, nasa manila yon di alam kung kailan babalik, sana wag na."

Kibit balikat niya.

"Eh diba expired na sim niya? paano siya nakatawag sayo?"

Nagtatakang tanong ko.

"U-hh ano, sa spirit of the glass."

Tarantang sagot niya, magtatanong pa sana ako pero tumigil na yung tricycle na sinasakyan namin.

"Ohh andyan na pala kay---Oo alam ko, nakikita kong andito na kayo at hindi ito panaginip."

Sabi ni nanay nang magsasalita pa sana si Ezekiel, tawang tawa naman siya doon.

"Mano po."

Ngiti ko at nagmano sakaniya, ngumiti saakin si nanay saka inirapan naman si Ezekiel.

"Kaawan ka ng diyos anak."

Ngiti nito saakin.

"Asaan nga pala si Bela? hindi ba sumama dito?---oo alam ko Eseng wala akong nakikitang Bela dito, wag mo ng subukang mamilosopo, akala mo ha, tangna ka."

Irap ni nanay, natawa ako doon, si Ezekiel naman ay napanguso lang.

"Eh iyon nga ho ang sinabi ko kay Ezekiel nay, bigla nalang ho akong hinila pauwi, di ako nakapag paalam kay Bela at Grey."

La Muerte #3: Hiraeth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon