Wakas

4.9K 209 43
                                    

Ezekiel Josiah

I WAS 10 YEARS old that time, sinamahan ako ni nanay sa maynila dahil kasama ako sa isang kompetisyon matapos akong manalo ng ilang beses sa probinsya.

Nasa isang karinderya kami ngayon upang mananghalian. Sa totoo lang ay kinakabahan ako dahil madaming sasali bukod saakin. Pero gusto kong manalo dahil malaki ang premyo at makakatulong iyon kila nanay, saka nakakarindi na kasi si ate Rosing kasasabi na pabigat ako.

Siya nga diyan yung kain ng kain, ako pa yung pabigat? Nailing nalang akong tumanaw kung saan. May nakita akong bata kasama ang mga magulang niya sa tindahan sa malapit. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maialis ang tingin ko sakaniya.

"Should we go buy Erina, new shoes? since we agreed to enroll her this year."

Narinig kong turan ng mama niya, nilingon ko si nanay na bumibili padin ng pagkain namin, may nakasalubong kasi siyang kakilala niya kaya ang tagal niya.

Nakikipaglaro ang bata sa isang tuta, nang tumakbo iyon saakin. Napakurap ako nang makitang hinabol niya ang tuta patungo sa direksiyon ko.

"Why did you run? don't you want to play with me?"

Tanong niya, napakamot ulo ako. Baliw pala ito eh, nakikipag usap sa tuta, akala mo naman sasagot.

"Aww..."

Ngumuso siya nang makita nagtungo ang tuta sa nanay niya sa ilalim ng mesang kinaroroonan ko. Parang pansit canton yung buhok niya, at napakaganda ng mistulang pilak niyang mga mata.

Nang sawakas ay napansin niya ako ay umupo siya sa tabi ko.

"Hello, what's your name?"

Tanong niya, englishera pala ito, di ako gaanong magaling sa english eh, hindi tuloy ako makapagsalita.

"Ano, Eseng."

Simpleng sagot ko saka napakamot ulo, bakit ba ako nahihiya? Natigilan ako nang gumuhit ang magandang ngiti sakaniyang labi. Hala di pa ako nagpapaturo kay tatay manligaw, napabuntong hininga ako roon.

"Eseyng? that sounds funny."

Hagikhik niya, nakakahawa ang ngiti at tawa niya.

"You have beautiful eyes, my mom's eyes are also blue."

Turan niya, nanlaki ang mata ko roon, maganda ang mata ko? eh bakit doon saamin tinatawag akong engkanto? sabi na nga ba't naiinggit lang sila sa kagwapuhan ko.

"Salamat miss byutipol."

Sagot ko, ginaya ko lang yung mga trabahador saamin kapag nakakakita ng magandang chicks.

"What's the meaning of salamat?"

Tanong niya, napakamot ulo ako doon, ang hirap naman nitong kausap, baka maubusan ako ng dugo, wala kaming pambayad sa ospital.

"Thank you."

Taas noong sagot ko, kakaproud self!

"Ooh! I get it!"

Tango tangong sagot niya.

"Erina! come here!"

Narinig kong pagtawag sakaniya ng mga magulang niya, napanguso siya doon saka lumingon saakin.

"We have to go now, nice meeting you Eseyng."

Ngiti niya saka naglabas ng panyo.

"Here, this handkerchief is my lucky charm, it's yours now."

Sabi niya sabay abot saakin ng panyo niya, taka ko siyang tinignan.

"I know you will win,But still, Good luck on your competetion!"

La Muerte #3: Hiraeth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon