Kabanata 38

2.5K 135 10
                                    

Trigger Warning!

Adelaide

3 DAYS since the charity ball, since that kiss we shared at the Imperial hotel's rooftop. Naging issue ang sayaw namin ni Ezekiel, the media would always ask who is that man I am dancing with cause something seems different between us daw.

Napasapo nalang ako saaking noo, nagsayaw lang naman kami, issue na agad?

"Hindi pala marupok?"

Isang boses ang narinig ko na nagpamulagat saaking mga mata, si Aaron! nakangisi saamin at nakahalukipkip sa gilid.

"Hinahanap ka na ni Liz, bilisan niyo diyan, though you can book a hotel room, hindi pa naman ata fully book, aayain ko nalang si Liz sa condo para hindi niya mahalata na hindi ka umuwi."

Natatawang sabi niya saka tumalikod, nag init ang pisngi ko doon.

"Aaron!"

I frowned, ngumisi lang siya saamin at sumakay ng elevator.

Naalala ko ang tagpong iyon, nahuli kami ni Aaron na naghahalikan, mabuti nalang at hindi niya ako isinumbong kay Liz dahil baka kalbuhin na ako ng pinsan ko pag nagkataon. Sa tuwing naaalala ko iyon ay gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader, why did I ask Ezekiel to kiss me?

Kung hindi dumating si Aaron baka---

Nakagat ko ang labing mariing napapikit.

"No, why would I do that with him just for a kiss?"

I mumbled softly, naitakip ko ang kamay saaking muka at bumuntong hiningang lumabas ng cr nang matapos makapagpalit ng damit para sa lunch meeting ko kay Mrs. Lilia Andrada.

I just wore a black high neck sleeveless blouse, white pants and paired it with a black pointed toe pumps.

Kinuha ko ang bag ko at naglakad na palabas ng opisina.

"May lunch meeting ako kay Mrs. Andrada sa La comida es rica restaurant, sa malapit na branch dito."

I informed Ezekiel while we were inside the elevator, ngumiti siya saakin at tumango, lumubog nanaman tuloy ang dimples niya. Wala sa sariling sinundot ko iyon na nagpatigil saamin pareho.

Nanlaki ang mata ko roon.

"S-Sorry!"

Nahihiyang sabi ko, saktong bumukas ang pintuan ng elevator kaya agad akong lumabas, narinig ko pa ang pagtawa ni Ezekiel na lalong nagpainit sa pisngi ko at sumakay na sa sasakyan.

Pagdating ko sa restaurant ay wala pa si Mrs. Andrada, naupo ako sa reserved table at tinignan ang menu na ibinigay saakin ng waiter. Nasa labas si Ezekiel, I told him to just wait until our meeting is done.

I was busy deciding what to order when two familiar voices caught my attention.

"Gago ka ah, sapakin kita diyan!"

Inis na sabi ni Ezekiel habang akbay akbay siya ng nakangising si Wade at hinihila papasok. Napakurap ako doon, ngiting ngiti si Wade na lumabit sa direksiyon ko at binitawan na si Ezekiel. Agad siyang binatukan ni Ezekiel, tawang tawa si Wade na naupo sa harap ko, si Ezekiel naman ay sa gilid ko.

"Uhh...what's happening?"

Takang tanong ko.

"Long time no see Adelaide, big time na ah?"

Natatawang sabi niya, ngumiti lang ako sakaniya.

"uhm, glad to see you again Wade."

Sabi ko saka inilibot ang tingin para tignan kung kasama ni Wade and asawa niyang dapat na ka meeting ko ngayon.

La Muerte #3: Hiraeth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon