Kabanata 18

2.2K 119 1
                                    

Adelaide

NAPAHIKAB ako habang buhat buhat ni Ezekiel sakaniyang likuran, hanggang ngayon ay masakit parin ang pagkababae ko at pakiramdam ko ay lalagnatin pa ako.

"Okay ka lang? masakit padin ba?"

Alalang tanong ni Ezekiel , kanina pa niya itinatanong iyan saakin mula nang makababa kami ng burol kung saan kami nagpalipas ng mainit na gabi.

"Ayos nga lang ako, kaya ko pa, Ezekiel, hindi k aba nabibigatan saakin?"

Tanong ko, Nag init ang pisngi ko nang maalala muli ang nangyari kagabi, masakit ang buong katawan ko at parang mawawalan ako ng malay, pero hindi ko iyon pinagsisihan.

"Hindi ka naman mabigat, sure ka okay ka lang? mainit ka---shit."

Ezekiel sighed.

"Sorry, kung mas napigilan ko lang sana ang sarili ko."

Sambit niya, umiling lamang ako sakaniya.

"Ginusto ko ang nangyari Ezekiel, kusa kong ibinigay ang sarili ko saiyo."

Mahinang sabi ko, kanina pa iniinda ang sakit.

"Kung dalhin kaya kita sa ospital?"

Muli niyang suhestiyon na ikinailing ko.

"Wag na nga sabi, ipapahinga ko nalang to."

Sambit ko saka ngumiti sakaniya, maaga pa pero marami ng tao sa Hacienda, karamihan ay binabati kami. Nang sawakas ay nakarating na kami sa bahay ay nakasalubong namin si ate Rosing, nagwawalis, tinaasan kami nito ng isang kilay at naniningkit ang matang tumingin saamin, napaiwas kami doon ng tingin.

Nagmamadaig pumasok si Ezekiel habang buhat ako, marahil ay para makaiwas na sa argumento.

"Nay! Good morning, gising na pala kayo"

Ngiti ni Ezekiel, nawiwirduhang tumingin saamin si nanay.

"Hindi, nag isleep walk lang ako."

Irap nitong nagpangiti lang kay Ezekiel.

"Bakit ang aga niyo naman atang lumabas? At anong nangyari diyan kay Laide?"

Tanong ni nanay.

"Ah.. nagjogging kami nay kanina, tapos ano nadapa si Laide, nasprain ata, di makalakad."

Pagsisinungaling nito, bigla akong nakaramdam ng hiya.

"Ah o-opo! Masakit padin po ang p-paa ko."

Utal na sabi ko, Ezekiel laughed awkwardly.

"Ay ganoon ba? Oh siya't dahil mo na iyan sa kwarto, wag ka na munang pumasok sa trabaho Laide."

Sabi ni nanay.

"May iniluto na ako rito, pupunta na ako sa mga Juarez, kasama si Rosing---ah oo nga pala, kamusta iyong lakad mo sa maynila Eseng?"

Tanong ni nanay habang dahandahan akong iniuupo ni Ezekiel.

"Natanggap ho ako nay, pwede na daw akong magsimula sa susunod na lingo."

Masayang balita nito, nanlaki ang mata ni nanay na nagtatatalon sa tuwa.

"Ang anak ko Engineer na!"

Masayang sabi ni nanay saka mahigpit na niyakap si Ezekiel, napangiti ako doong napasandal sa sandalan ng upuan. Unti unti ay bumigat ang talukap ng mga mata kong napapikit.

"Laide, Laide!"

Napamulat ako ng mata roon, sumalubong saakin ang nag aalalang muka ni Ezekiel, nasa kwarto ko na ako ngayon at nakahiga sa kama.

La Muerte #3: Hiraeth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon