Kabanata 10

2.4K 135 8
                                    

Adelaide

Nagising ako ng may ngiti sa labi, panaginip iyon hindi ba? panaginip lang iyon.

Tama...

I sighed then bit my lips, panaginip lang yon Laide----

"Sinong niloko ko?! Malinaw na hindi iyon panaginip!"

I frowned, tulala lamang ako, saka hinawakan ang parteng iyon ng katawan ko. Agad akong napadaing, hindi ko alam kung bakit may ganitong sensasyon akong nararamdaman sa simpleng paghawak sa parteng iyon.

Pero hindi katulad noong si Ezekiel ang humawak na nakakawala sa sarili. Nailing nalang ako, dapat ay hindi ko na gawin ulit ito, natatakot ako na baka tuluyan na akong mabaliw. Late na ako magising kaya naman ay tumayo na ako at nagbihis.

"Magandang umaga Laide."

Bati saakin ni nanay nang makasalubong ko siya pagpasok ko ng kusina.

"Magandang umaga din po nay."

Bati ko saka binigyan siya ng matamis na ngiti. I glanced at Ezekiel, siya ang nagluluto ngayon dahil late na akong nagising. Nakagat ko ang labi nang maalala nanaman ang nangyari kagabi, sa totoo lang ay hindi ko alam kung papaano ko siya haharapin.

"Hala bakit namamaga iyang labi mo nak?"

Kunot noong sabi ni nanay nang mapansin ang labi ko, nanlaki ang mata kong napatingin sa gawi ni Ezekiel na ngayon ay natigilan at mariin ang titig saakin.

"B-baka nakagat po ng ipis nay."

Pagsisinungaling ko, Nakita kong tumaas ang sulok ng labi ni Ezekiel sa sinabi kong iyon.

"Oh siya't kumain ka na, late ka nagising ngayon kaya si Eseng ang nagluto, masarap magluto iyang si Eseng ko."

Ngiti ni nanay, napangiti lang din ako.

"Talaga po?"

Sambit ko, humarap si Eseng para ilapag ang niluto saka kinindatan ako, napakat ako ng labi doon.

"Mas masarap padin ako sa niluto ko."

Ngisi niya.

"Talaga? tara kakatayin kita."

Irap ni ate Rosing, natawa ako doon, sinimangutan ako ni Ezekiel. Nagsimula na kaming kumain, napapikit pa ako nang sumabog sa dila ko ang lasa ng niluto niya.

"Ang sarap."

Komento ko saka napatingin kay Ezekiel na natigilan at matamang nakatitig saakin. Nanlaki ang mata ko nang maalala ang kagabi saka nag iwas ng tingin.

"Tao po!"

Narinig kong sigaw sa labas.

"Ako na po."

Ngiti ko saka tumayo na at naglakad palabas. There I saw a familiar woman, napangiti ako nang makilala siya.

"Bela?"

Ngiti ko, mukang nagulat pa ito nang makita ako, kalaunan ay ngumiti din saka bineso ako.

"Laide, ang aga mo namang bumisita?"

Ngiti niya, umiling lang ako sakaniya.

"Ahh hindi, dito ako nakatira."

Sambit kong nagpakunot noo sakaniya.

"Ano palang sadya mo?"

Tanong ko, matamis siyang ngumiti saakin.

"Ahh bibisita lang kay Josiah saka kina tita at sissy Rosing, namiss ko din ang mga Escalona."

La Muerte #3: Hiraeth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon