Kabanata 34

2.7K 147 5
                                    

Adelaide

NANG GABING iyon ay hindi ako makatulog, I'm thinking why would he say those words as if, nagpapahiwatig siya. As if gusto pa din niya ako, napapaisip tuloy ako, anong nangyari sakanila ni Bela? Naghiwalay ba sila kaya ako ang ginugulo niya?

Ayokong mag assume ng hindi naman niya sinasabi ng direkta, if so, ayoko ding mag risk, ayoko na talaga. Sobrang hirap bumangon, sa totoo lang ay takot na takot akong mahulog ulit, sobrang dali kong masaktan, sobrang daling mabasag, natatakot ako na kapag hinayaan ko siya ay mahihirapan lang ako uling buuin ang sarili ko.

"Erina!"

Si Liz iyon na pumasok sa kwarto ko at mahigpit akong niyakap.

"Liz? bakit?"

Takang tanong ko, sinimangutan ako nito.

"Bakit hindi mo sinabi saakin yung tungkol sa stalker! Kung hindi ko pa tinakot si Aaron ay hindi niya sasabihin saakin!"

Paghihimutok niya, ngumiti ako sakaniya.

"Ayoko lang mag alala ka Liz, saka busy ka sa Lisa, I don't want to bother you."

Sabi ko, umiling siya saakin.

"You will never be a bother to me Erina! Wag mo ng uulitin itong nagkikeep ka ng secrets, I will always be here for you okay? Sige ka magtatampo ako!"

Humalukipkip na sabi nito, I sighed then nodded my head.

"Promise."

Ngiti ko sakaniya, napabuga siya ng marahas na hangin at yumakap saakin.

"You're important to me Erina, ayokong may mangyaring masama sayo."

Sabi niyang nagpangiti saakin, buti nalang at nandito si Liz.

"Salamat Liz, maraming salamat."

Sabi ko, kumalas ito sa yakap namin at ngumuso.

"Wag ka ng magtatago saakin Erina, tell me everything."

She said, ngumuso akong tumango.

"Bodyguard, kumuha ka na daw?"

Tanong niya.

"Uhh yes, my driver, hinire siya ni Aaron."

Sabi ko naningkit ang mata niya roon.

"Aaron also told me something about that Driver, Erina."

Taas kilay na sabi niya, naitikom ko ang bibig ko roon.

"So he's that Ezekiel guy? yung ex mo?"

She asked, tahimik akong tumango.

"Baby Isaiah's father? Damn!"

She frowned, nakagat ko ang labing tinignan siya, umirap siya saakin.

"Akala ko ba closure na? I witnessed how hard and painful your life before, muntik ka ng mawala saakin, wag mong hayaang makapasok sa buhay mo iyang lalaking iyan Erina, nandoon ako nung mga panahong sobra kang nasasaktan, takot na takot ako noon na any time mawawala ka saakin, and it all started with that man, ayokong masaktan ka ulit, ayokong bumalik ka sa dati."

Mariing sabi niya.

"Driver at bodyguard siya at ako ang amo niya, hanggang doon nalang iyon Liz, wala akong balak i level up pa, kahit ako ay natatakot din, kasi nandito padin yung sakit eh, kahit nakabangon na ako, nasasaktan padin ako kapag naaalala ko."

Sambit ko, napabuga ito ng hangin.

"Fire him Laide."

Sabi niya, natigilan akong umiling.

La Muerte #3: Hiraeth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon