Kabanata 8

2.3K 129 16
                                    

Adelaide

"No! Let me go! I want to see my parents!"

I screamed on top on top of my lungs, cried so hard while the me just laughed, I was so scared I want to jump out of the car.

"Mommy! Daddy! help! help!"

I continued screaming, crying my eyes out.

"Shut up! You will not see your parents! again!"

One of them said making me cry harder.

"Laide!"

A voice said, inimulat ko ang mga mata at bumungad saakin ang nag aalalang muka ni Ezekiel. Tears fell from my eyes, nanginginig ako at nakakaramdam ng matinding takot.

"Hush baby, andito lang ako."

Pagpapatahan nito saakin saka mahigpit akong niyakap.

"Ano bang napanaginipan mo?"

Tanong niya, natigilan ako roon.

"H-hindi ko alam, nalimutan ko na, pero pag gising ko takot na takot ako."

Sambit ko saka lumayo na sakaniya, napabuntong hininga akong tumingin sakaniya.

"S-sorry, baka binangungot lang ako."

Sambit ko saka ngumiti sakaniya.

"Okay nako Ezekiel."

Saad ko, nag aalala padin siyang nakatitig saakin.

"Sigurado ka?"

Tanong niyang nagpatango saakin saka matamis siyang nginitian.

"Oo nga."

Ngiti ko, napabuntong hininga siyang iniabot saakin ang panyo, tinanggap ko iyon at ipinunas sa luha ko.

"Ito yung panyong ipinunas mo sakin noong nakaraan."

Saad ko, isa iyong puting panyong may minimal prints, kilala ko ang brand ng panyong ito dahil iyon ang paborito ni Lola Lydia. It's Lisa, a very famous brand in scotland. Mayroong ganitong style si Lola, sabi niya 10 years ago pa daw na launch at isa sa mga sumikat nilang designs. Ang mahal ng panyong ito, bakit mayroong ganito si Ezekiel?

"E.A.S."

Basa ko sa nakaburda doon saka iyon hinaplos.

"Sino si E.A.S?"

Tanong ko, nagkibit balikat lang siya.

"Hindi ko alam, binigay lang saakin iyan noong bata eh, nalimutan ko nadin kung sinong nagbigay, ang alam ko lang hindi na nahiwalay saakin yan, lucky charm ba."

Sagot niyang nagpatango lang saakin.

BUONG umaga ay hindi parin maalis saakin ang pakiramdam na iyon, nababagabag ako, nacucurious ako kung ano ba iyong panaginip ko, ngunit hindi ko talaga maalala. Wala akong pasok kaya naman ay nanatili lamang ako sa Hacienda, si Ezekiel naman ay kauuwi lang.

"May trabaho ka pa mamayang tanghali?"

Tanong ko, umiling naman ito.

"Mamayang gabi pa, may ipatatrabaho saakin si Wade, malaki ang kita kaya di na muna ako hahanap ng sideline ngayong tanghali, wala namang trabaho ngayon sa farm."

Sambit nito saka binuksan ang tv, Si Ate Rosing at Nanay ay nasa Ancestral house ngayon kaya naiwan nanaman kami dito sa bahay, ganoon naman kadalasan. Ako naman ay nakaupo lamang sa upuang gawa sa kawayan at tahimik na nagbabasa.

La Muerte #3: Hiraeth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon