19: Past

54 9 2
                                    

MADDISON'S POV

Natapos na ang isang araw nanaman sa university nakatambay kaming lahat dito na magkakaibigan sa rooftop.

"Kamusta buhay buhay naten." Pag sisimula ni vanessa sa conversation

"Ayos...naman." Mahina kong tugon kaya naman napa tingin sila saakin.

"Kayo? Alex, Jeric, Kuya?" Tanong nya pa

"Ayos lang den naman." Tumatangong sabi nila.

Feeling ko pare- parehas kaming walang kibo ngayon...

Hindi ko lang alam kung bakit ang tahimik nila.

"Naninibago ako sainyo ngayon ah, bakit ang tahimik nyo?" Tanong pa uli ni nessa.

"Ayos kalang ba maddi?" Rinig kong tanong ni Andrea saakin, nakita ko sa mga mata nya ang pag aalala.

Siguro nalaman na nila.'

"Pwede ba, wag nyo nga syang tanungin kung ok ba sya kung hindi. Eh alam nyo naman na yung sagot." Seryosong saad ni Luke habang umiiling

"Ganto nalang, para masaya. Mag sabi nalang kayo ng problema nyo these days. Bibihira na nga lang tayo nakakapag usap ng malalim kaya, bat hindi nalang natin gawin ngayon?" Suggestion ni Lia

"Oh, ngayon mo na sabihin kung sino talaga first love mo Maddi." Narinig ko yung natatawang pangangantyaw ni larkin.

Haist, maliban kay andrey na nakakaalam lang ngayon. Alam din ni larkin kung sino ang totoong first love ko.'

"Manahimik ka dyan ah!! Ikaw nga pabebe eh kalalaking tao." Dabi ko at umirap.

Natawa naman sya

"Joke lang lods to naman di mabiro." Sabi nito at natawa

"Hindi si patrick yung first love mo?" Sabay na tanong nila Jerico, Andrey, Luke at alex.

Hindi ko nalamang sila pinansin at napa tingin kay lucas na mukhang malalim ang iniisip, inilipat ko naman ang tingin ko kay andrea na naka titig kay lucas, tumingin naman ako kay Vince na naka tingin lang din kay andeng.

Grabe...ang compli ng kanila.'

"Bakit ba natin pinaguusapan yun ah? Nasa past na yun. Dapat yung present pinauusapan natin." Tugon naman ni maine kaya naman napa tingin ako sakanya

"Kayong tatlo! Kamusta practice nyo? Balita ko nag kasigaan kayo nung varsity ng MSU. Kasama sila miro?" Tanong ni maine at kumain ng chichirya

Ng biglang hablutin ni arkin yung martis.

"Hoy! Akin yan. Larkin naman eh." Parang bata nitong sabi

"Umayos ka nga Alexandra Maine, baka mamaya mag ka UTI kananaman dyan." Pag sesermon sakanya ni alex.

"Ano ba kuya! Ngayon na ngalang ako nakakain ng chichiria eh---"

"Weh talaga?" Tanong pa ni larkin kaya naman nag away nanaman sila

"Grabe, ang bilis ng panahon ano? Malapit nanaman mag disyembre." Komento ni lianna habang niyayakap ang sarili nya dahil sa lamig.

"Haha, oo nga." Sagot naman sakanya ni jerico at nag katitigan sila.

Agad namang nag iwas ng tingin si jeric para tumingin saakin.

Bakit ganun? May something sa tingin ni lianna pero kay jerico wala.'

"Oy ikaw lucas! Kanina kapa tulala ah, ubos na yung pillows." Pagsisita ni andrey kay lucas. Bumalik naman sya sa ulirat

"A-ano?" Parang walang alam nitong sabi.

Kahit Ako'y Titibo Tibo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon