MADDISON'S POV
Nakauwi na kami ngayon nang maynila and guess what? Coconut POKNOT. Unang week na liligawan ako ng apat.
Ngayong araw, si Alex ang mag dadate saakin dahil sya ang naunang umamin, normals langs.
"Ok, yan suot mo ha? Walang tangi tangi." Napatingin ako dun sa damit na pinaka nya at nyeta?? Alam nyo ba yung damit ni Lim Jugyeong ng true beauty nung nagkaroon sya ng blind date? Yun! Medjo ganun yung damit.
"Ayoko! Bakit naman ganyan pinapasuot nyo? Ayoko nga! Ako dapat yung pipili hindi kayo--"
"Ang dami mong inarte, mag bikini kanalang kaya?" Pagtataray ni Andrea kaya naman inirapan ko sya.
Lumapit saakin si Vanessa na may dalang liptint, nilagay nya ito sa labi ko kaya naman medjo malapit sya saakin.
Ang ganda talaga nya--tanginamaddi nagiging tomboy kananaman mag hunos dili ka'
"U-uh ayos na yan. A-ayoko ng masyadong m-makapal." Nauutal kong sabi habang inaalis ng tingin sakanya..
Narinig ko yung giggle ni Andrea kaya naman tiningnan ko sya ng masama.
Hindi pa ko nakakaamin kay Vanessa na dati ko syang gusto, siguro sa susunod nalang...
Wala akong magawa kundi suotin yung dress na binigay ni Andrea.
"Tay! Aalis na po ako." Paalam ko kay tatay isko, alam nya din yung desisyon ko. AYos naman din sakanya.
"Cge! Mag ingat ha! Wag isuko ang bataan---"
"Kadiri!" Natatawa kong sigaw.
Lumabas ako sa bahay at nakita ko dun si Alex na nakabihis.
Malamang nandoon pa sa mga bahay nila sila larkin dahil tanghali palang, hapon pa yan nagigising yung mga yan.
Nang makita nya ko, nakita ko syang napaatulala saakin...
Tanginangto anong problema mo?'
"Wag mo nga kong titigan! Nakakasura." Reklamo ko sakanya at nakita ko naman syang ngumiti.
"Saan mo ko dadalhin aber?" Taas kilay kong tanong sakanya.
"Secret, walang clue." Binigyan nya ko ng nakakaasar na tingin at biglang ngumiti, kitang kita yung singkit na mata nya.
Haha cute.'
"Oh? Ikaw naman yung nakangiti dyan," Agad nawala ang mga ngiti ko ng sabihin nya iyon.
Inirapan ko lang sya saka nag lakad.
"Saan ba tayo pupunta? Anong sasakyan natin--"
"Ang tagal ko na ding di nagagamit yung kotse ko, gagamitin ko na uli ngayon." Kinindatan nya ko at naunang pumasok sa sasakyan nyang ford.
~*~
"Woah....art museum!" Nakita ko uli syang umiling.
"Aba pota saan mo ko gustong dalhin kung ganun?" Inis kong tanong sakanya.
"Sa simbahan--" Agad ko syang pinalo.
"Syempre joke lang ano ba! Ang sakit kaya!" Inis nyang sabi at natawa.
"Saan nga? Sabihin mo na kase saakin."
"Sa tagaytay---"
"ANO!?" HIndi makapaniwalang sabi ko.
"Ang layoo!?" Tiningnan ko sya ng makita kong tumatawa sya.
"Baka mamaya habang nandon tayo pumutok yung taal!" Mas lalo lang syang natawa at nakakainis yon!?
BINABASA MO ANG
Kahit Ako'y Titibo Tibo
Novela Juvenil"Ano nang gagawin ko! Apat sila!? May gusto sa'kin!? Sa'kin pa mismo!?" What if mag ka-gusto sayo ang Apat sa Pito mong kababata na lalaki? Kahit Titibo Tibo ka? Status: COMPLETED DATE STARTED: January, 5, 2021 DATE ENDING: August 1, 2021 BTS X BLA...