67: Kahit Akoy Titibo Tibo

44 7 2
                                    

MADDISON'S POV

"Hays! Ayusin nyo yan ng maayos ako yung natataranta jusko!" Nakatingin lang ako kay ate Katkat ng kung ano ano na ang ginagawa nya, lakad dito laka doon. Paano naman kase HAHAHAHAHAHA kinakabahan sya sa gagawin kong kaluchichi mamaya

"Paano kaya kung...mag no si kuya? Sasakalin ko talaga sya! Itatakwil ko!" Sigaw ni Vanessa at nakita kong natawa si Vincent na umaasikaso ng lobo

"Nasaan na ba sila Maine? Ang lalandi, nangigil ako sa dalawang yon." Usal ni Lianna kaya naman natawa ako

"Daddy, whats malandi?" Tanong ni Luise kaya naman napatingin kaming lahat sa bata.

Binuhat ko sya at innosente lang syang nakatingin saakin

"Baby, hindi mo pa pwedeng malaman yun. Your too young." Saad ko habang hinehele sya

"Pero tita mag dedebu na ko." Natawa naman ako dahil sa sinabi nya

Idinampi ko ang ilong ko sa ilong nya

"Paglaki mo, malalaman mo din yun." I sweetly said at nakita ko ang matamis na ngiti ng cute na batang ito.

"Parating na ata si kuya ano ba! Natataranta ako!"  Sigaw ni Andrea

"Hoy hoy, ikaw ba yung mag propropose ha?" Mataray na saad ni maine habang nag aayos.

"Shhh. Parating na ata sya." Usal ni larkin na kakadating

"Wag nga kayo!" Sigaw ko at natawa naman sila

"Malapit na~" Ani ni Irish habang hawak hawak ang tyan nya.

Isang Taon na din ang lumipas,  malapit nang manganak si Irish.

Si Destiny naman...bukas nya isusorpresa si andrey na buntis sya, may pakulo din kaming ginawa. 

"Tapos na!" Sigaw nila kaya naman napalaki ang ngiti ko

Ibinigay ko si Luia kay Andrea at tumingin sa ginawa nilang magandang deco sa rooftop.

4:00 ng hapon ngayon...at parating na si Luke

"Nandyan na ba yung kotse?" Bulong ko kay Alex 

"Parating na. Ayan na yung kotse nya oh." Bulong naman pabalik ni Alex.

Nakita kong inalalayan ni Andrey at ni Lucas kasama si Vincent papunta dito. Natawa ako ng kaunti dahil masungit pa si Luke at tinatangal yung braso nya sa pagkakahawak ng mga kaibigan

"Game." Bulong ko sakanila at tumugtog na nga sila Alex

"Elementary palang napapansin na nila, mga gawi kong parang hindi pangbabae..eh kase imbis na chinese garter laruan koy text at jolens. Tapos kajamming ko noon mga sigang lalaki saamin."

Pagkanta ko at nakita ko syang nagulat, tumutugtog at nanonood saamin yung mga kaibigan namin

"Nung akoy nag highschool ay napabarkada sa mga bi, curious na babae na ang hanap din ay babae~ sa halip na make up kit bitbit ko ay gitara~"

Natawa silang dalawa dahil sa pagkanta ko

Seryoso lang naman si Luke na nakatingin saakin, ngumingiti ng kaunti

"Tapos pormahan ko lagi ay long sleeves at tshirt na lonta~"

Lumapit ako sakanya at nangiti ng matamis

"Pero noong nalaman ko na, may feelings pala ako sakanya..." Tinuro ko sya, at iniba ko ang lyrics

"Natuto ako na mag parebond at mag ahit ng kilay atleast once a month, hindi ko alam kung anong meron ka na saakin ay nag palambot ng bigla. Sinong mag aakalang lalaki pala ang bibihag sa puso kong tigreng gala~"

Nag heart shape ako sakanya ang sigawan naman sila kaya natawa kami pareho

"Kahit akoy titibo tibo~ puso ko ay titibok tibok pa din sayo~ isang halik mo lamang at ako ay tinatablan...at ang aking pagkababae ay nabubuhayan na para bang bulaklak na namumulaklak dahil alaga mo sa dilig at katamtamang sikat ng araw araw mong pagibig saaking buhay...nag papasarap."

Kinindatan ko sya at lumuhod sa harap nya

Napakunot sya ng noo at ayan na, tumahimik ang lahat at hininaan ang tugtog ng kareoke!

"Mr. Luke Vyle Chavez. Will you be my Husband? For the rest of your life my beybeh!" Sigaw ko at natawa naman sila

Kukunin ko na sana yung singsing sa likod ko ng maramdaman kong...

"Teka wala dito yung singsing ko. WTf." Tumayo ako habang kinakapa yung bulsa ko

Hindi ko na napansin na lumuhod si Luke sa harap ko

Biglang tumugtog yung 'Panalangin' Cover ni Daniel padilla 

"Panalangin, ko sa habang buhay. Makapiling ka, makasama ka. Yan ang panalangin ko..." Binuksan nya ang maliit na box at napasinghap naman ako ng makita ko yung...singsing

"Ako dapat ang luluhod, at mag tatanong nyan sayo." Seryoso nyang sabi

"Ms. Maddison Aguilar, Will you marry me?" Nag hiayawan silang lahat dahil sa sinabi ni Luke

Hinagisan pa ko ng lobo ni Andrea pero wala akong pake!
Tumango ako sakanya habang matamis na nakangiti

"Oo naman! Papakasalan kita!" Sigaw ko at tumayo sya, agad ko syang niyakap

"Hays, di ako makapaniwala na ikakasal ka maddi. Akala ko...babae ang..." Napatingin ako kay Tatay at bahagyang natawa dahil sa reaksyon nya, naiiyak sya kaya naman natawa kami dito

"Ang korni mo dad." Usal ni Allison sakanya kaya naman mas lalo kaming natawa

"Oh sya, tama na ang drama. Kailan kasal?" Tanong ni Kuya baste at natawa nanaman kami

"Wala pa po..." Simple kong sagot

"Sure ka? Ako kase may schedule na." Napatingin kami kay Luke ng sabihin nya yon

Nag dub pa sya tapos nag sipag 'oh' tong mga to HAHAHAHA

Kinotongan ko sya

"Under ka din pala eh!" Sigaw ni Alex

"Buti nalang di naging tayo maddi, ayaw ko panaman maging under." Biro ni Jerico at natawa naman ako

"Shhh! Tama na kulitan, meryenda naman!" Dumating si Tita Vynnete kasama si mama

"May inihanda kaming simpleng kainan sa baba, tara na." Ani ni Mama kaya naman tumango kami

Pinauna naming bumaba sila Larkin dahil sabi ko kay Luke may sasabihin pa ko sakanya, na kaming dalawa lang dapat ang nakakaalam

"Luke..." Malambing kong tawag sakanya

"Hmm?"

"Mahal kita." Sabi ko at nakita kong bahagya syang natawa

"Mahal din kita, maddi ko." Sagot nya

"Ilan gusto mong anak?" Bigla nyang tanong at napakunot naman ang noo ko

"Tatlo, mahal ko." Sagot ko naman

"Ayaw mong ilima nalang natin?" Kinurot ko sya sa tagiliran dahil sa sinabi nya

"De, biro lang." Sagot naman nya

Saglit kaming napatitig sa isat isa

"Akala ko... hindi ka magiging akin." Natawa sya dahil sa sinabi nya

"Ako den," sagot ko naman

"Akala ko nakahanap kana ng kano, okaya...hindi ako yung pipiliin mo." Usal nya pa at napangiti naman ako

"Una palang, alam kong ikaw. At tandaan mo ha! Sayo lang Titibok Tibok ang puso ko." Saad ko at nag heart shape habang parang tumitibok yoon

"Tara na mga lovebirds, kain na!!" Sigaw ni Andrea sa baba kaya naman natawa kaming dalawa

"Tara na?" Tanong ko at agad naman syang tumango.




A/N: Epilogue naaa!!! Pagkatapos ay...yung tatlong Special chapters...hahabaan ko nalang yung chapter para mag kasya HAHAHA

Kahit Ako'y Titibo Tibo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon