VINCENT'S POV
Dahil graduate na kami wala akong ibang pagkakaabalahan dahil bakasyon, so i decided. Na magisip ng pwedeng kaabalahan.
Dahil nga sinabi kong si karen ang gusto ko, wala na din akong nagawa kundi panagutan yun. Desisyon ko naman kaseng sabihin yun, ako den ang may kasalanan.
Lagi na syang dumadalaw dalaw dito saamin. Its over 1 week pagkatapos ng graduation.
"Kuya Vince! Nandito nanaman si karen!" Sigaw ni Vanessa mula sa labas ng bahay.
Sumilip ako at nakita ko nga si karen. Hays, ano naman ang gagawin namin ngayon?
"Tara, samahan mo ko." Nakangiti nyang sabi.
"Saan?" Itinaas ko ang kilay ko.
"Sa habang buhay?" Banat nya kaya naman pareho kaming natawa.
"Joke, lets go. Dangwa. Manila."
"Sa dangwa? Ano naman ang gagawin natin doon?"
"Uh, mag gagala? Punta na din tayo intramuros. Lets had a bestfriends date." Alam nya, sinabi ko sakanya yung nasabi ko kila andrea.
Malinaw sya na hindi ko sya gusto, pero alam kong gusto nya ko.
Napatingin ako sa babaeng pumasok sa loob ng bahay namin, nahinto sya ng makita nya kaming dalawa ni Karen.
"Oh? May pupuntahan ba kayo?" Masayang tanong ni Andrea. Poker lang ang mukha nya kanina nung tumingin ako sakanya, bigla nalang...syang ngumiti?
"Bakit?" Tanong ko naman.
"Papasama sana ako mamaya sayo---" Pinutol ni Karen ang sinasambit ni Andrea.
"May pupuntahan kami, sa dangwa." Pilit na ngiti ni karen at kumapit sa kamay ko.
"O-oh. Ok. Ingats." Kumindat sya saamin saka tumalikod para makaalis.
Nakita ko namang pumasok si vanessa na naka busangot ang mukha, yung parang ready na nyang sapakin lahat ng tao sa paligid nya.
Bumitaw ng hawak saakin si karen at tumakbo papunta kay nessa.
"Gusto mo ba ng damit? Marami akong hindi na gamit na damit sa closet ko! If you want you can have it---"
"Hindi ako charity para bigyan ng mga TIRA TIRA, get out of my way! Nasusura ako sa mukha mo." Inis nyang sabi at binalingan ako ng tingin.
Inirapan nya lang ako saka tuluyan nang pumasok sa loob.
"Karen, wag na tayong magpunta ng manila. Dyan nalang tayo sa malapit lang." Saad ko at pumasok na sa loob para makapag bihis na.
Maling mali siguro itong pinasok ko.
Pagkalabas ko dahil saglit lang naman ako. Nakita ko si karen na nakaupo dun sa may court. Kausap ata si lianna.
Lumabas ako ng bahay at nag tungo sakanila.
"Tara?" Aya ko dito at ngumiti naman syang tumayo at nag paalam kay Lia.
Hinawakan nya ang kamay ko at sabay na kaming nag lakad palabas.
"Vince, galit saakin si nessa. Satingin mo?"
"Nag tanong ka pa, eh nakita mo naman aura nya kanina." Natatawa ko namang sagot.
Actually, karen has a good heart. I see it ones, and not just ones. But many times. Siguro kaya ganun si Vanessa dahil alam nya, alam nya na gusto ko si andrea pero i chose to pick karen.
Kaya siguro sya ganun.
"Dangwa na kase...plss?" BInigyan nya ko ng puppie eyes kaya naman wala na lang akong nagawa.
BINABASA MO ANG
Kahit Ako'y Titibo Tibo
Novela Juvenil"Ano nang gagawin ko! Apat sila!? May gusto sa'kin!? Sa'kin pa mismo!?" What if mag ka-gusto sayo ang Apat sa Pito mong kababata na lalaki? Kahit Titibo Tibo ka? Status: COMPLETED DATE STARTED: January, 5, 2021 DATE ENDING: August 1, 2021 BTS X BLA...