MADDISON'S POVIsang lingo ang nakalipas at ngayong lunss na mag sisimula ang palaro. Ang bilis no? Pero kaya yan ng team ng USC
"Handa kana bang icheer ako?" Naka ngising tanong saakin ni luke. Pinanliitan ko lang sya ng mata saka tumawa ng sarkastiko.
"Utot mo, ikaw? Handa kana ba ha? Ayokong masayang ang pagod ko kaka cheer sayo tapos dahil tamad ka hindi kayo mananalo." Sabi ko at napa tawa naman sya.
Nandito kami ngayon sa may Covered court, dahil nga madami court dito nandito kami dito sa walang gym.
"Luke, ano ba yung dati na gusto mong mabalik?." Tanong ko sakanya
"Apaka chismosa mo ano?" Taas kilay nitong saad saaakin.
"Ah, alam ko na. Si irish ba--- Teka si irish yun ah!" Agad kong tinuro ang isang sobrang kaputi na babaeng nag lalakad papunta sa building F
"Nandito na pala sya sa pilipinas. HA!HA!HA! Nag glowup sya. Nereject mo kase eh." Pang aasar ko sakanya
"Manahimik kana nga! Aish. Bahala kana dyan." Natawa nalang ako pag kaalis nya.
Kaya pala nag quit sya. Gusto nyang maibalik yung dating pag kakaibigan nila ni irish at naalala nya yung time..na nereject nya.'
MAINE'S POV
"Ano? Nagselos na ba sya? Naka usap mo na?" Tanong ko kay larkin habang papunta sya dito sa may puno kung saan ako nakaupo.
"Hindi ko alam. Nakikita naman nya tayo kaso hindi sya mukhang nag papaapekto. Alexa, gusto ko na syang makausap." Napa tingin ako sakanya dahil sa mga sinabi nya.
"Hayop ka kase eh. Gusto kana nga makausap non hindi mo pa pinag bigyan!" Sigaw ko naman sakanya.
"Tsk, kakausapin ko na nga sya mamaya! Mag entay ka." Sabi naman nya kaya naman napa irap nalang ako.
"Mag peperform daw tayo sa palaro? Sinabi na ba sayo ni Lucas?" Tanong ko uli sakanya.
"Ewan ko, hindi sa palaro ata. Sa battle of the bands tapos kalaban din daw natin yung mga taga MSU. Maidens Senior University."
"Tss, alalahanin mo. Dahil sa isang player dyan na taga MSU kaya naging Tibo si maddi."
"Ay, oo nga no? Naalala ko si patrick star." Natawa ako dahil sa sinabi nya.
"Abno ka---Teka..andyan na ata yung mga guest ng school." Sabi ko at tinuro yung mga sasakyan na pumaparada sa may parking lot.
"Ay. Ganda siguro tignan mag lalampaso ni luke sa mga to!" Natatawang sabi ni larkin kaya naman binatukan ko sya.
"Baliw ka. Tara na nga." Sambit ko at naunang mag lakad, sumunod naman sya.
Ng papunta na kami sa bulding namin, may biglang tumawag sa pangalan ko.
"Alexa?" Napalingon ako sakanya at tila huminto ang oras dahil sa nakita ko...
"Mi...Miro?"
"Oy! Long time walang kita brader, kamusta kana?" Napa tingin ako kay larkin dahil sa pag bati nya kay miro.
Plastic talaga neto oh.'
"Haha. Oo nga." Tanging tugon ni miro sakanya.
"Oy! Tara ns Mironchi---" Huminto sa pag sasalita si Patrick ng makita nya kaming dalawa ni arkin
"Gago! Ang baho ng mironchi manahimik ka dyan patrick star!" Umalis na silang dalawa at napangisi nalang si larkin.
"Mga gago pa din sila." Tugon nito at napa iling.
"Sana makalimutan na ni maddi lahat, kaso...may heartbreak din sya ngayon. Paano na yan?" Sabi nya at umiling.
"Hayaan na natin na may dumating na tao para gamutin sya. Mga tao...na hihilumin yung mga sugat nya." Tugon ko naman.
"Ikaw naman? Hilom naba sugat mo ah." Seryoso nitong sabi napa titig naman ako sakanya.
Nahuhulog nanaman ako sa
Maling tao. Lagi nalang.'"Huy?"
"Wala, chismoso. Tara na." Sabi ko naman at naunang mag lakad.
Baliw ka lang, Alexandra. Walang iba.'
VINCE'S POV
Mag kasama kami ngayon ni Andrea dito sa canteen, parehas kasi naming break time ngayon.
"Nandyan na pala sila patrick. Parang bumabalik inis ko sakanya.." Tugon ni andrea kaya naman napa tingin ako sakanya.
"At bakit naman ha? Ang tagal na kaya non, pero sabagay. Hindi kita masisi. Kahit kalimutan ko...naalala ko pa din yung naramdaman ni maddison noon." Seryoso kong sambit at sabay kaming umupo sa table para kumain.
"Sana...sana lalaki na uli magustuhan ni maddi. Sayang ang kagandahan nya." Sabi ni andeng habang umiiling
"Bakit hindi mo sya tulungan?" Tanong ko
"Ah, satingin ko lalaki lang makakapag paamo sa kanya. Naalala mo yung kanta ni moira della torre?"
"Ano bang sinasabi mo ha? Ano yun? Si patrick lang ang magiging paraan para maging ruler uli si maddi?"
"Hindi naman, yung....iba naman na lalaki ganun. Kase impossible naman na walang mag kakagusto kay maddison. Maganda sya." Sabi nito kaya naman napa tango nalang ako.
Ikaw kaya? Kailan mo mapapansin na gusto kita?.'
"Ay, kamusta na nga pala si kate? Napapansin ko. Lagi syang naka buntot sayo." Sabi nya saakin at kumain ng siomai
"Ah, ewan ko dun. Ilang beses na nyang nabangit na gusto nyang makausap si larkin. Mukhang parehas nilang kailangan ng closure para umunlad ang bansa." Mahaba kong sabi at napa tingin naman si andrea saakin ng mahigit 7 sec.
"Ha! Ha! Ha! Kailan ka pa naging ganyan? HAHAHAHAHA." Natatawa nitong sabi kaya naman napa tawa nalang ako ng marahan.
Ang ganda nyang ngumiti. Pakshet na malutong.'
"Vince. Alam ko naman na maganda ako, pero kumain ka dyan kase baka matunaw ako." Bumalik ako sa ulirat ng sabihin nya yon
"HAHAHAHA joke." Sabi nya naman at tumawa kaya naman kumain nalang ako.
Tss maganda kanaman talaga.'
MADDISON'S POV
Sinamahan ko si luke na mag practice kaya naman ng sabay kaming dumating sa gym nag tinginan ang lahat saamin dahil late na si vyle.
"Luke, doon lang ako---" Nahinto ako sa pag sasalita ng makita kong pumasok ang mga taga MSU at unang una kong nakita ang lalaking pinaka kinaiinisan ko.
"Tss, dito pa talaga sila mag ppractice." Rinig kong bulong ni luke at ngumisi.
"Hoy! Nakikita nyo naman kami diba? Dun kayo sa kabilang court." Seryosong saad ni jerico sakanila.
"Ah, wala kaming pake." Nala ngising sabi ng isa sa mga kaibigan ni patrick.
Taena ng mga to ah. Sarap sapukin.'
Ngumisi ako at umupo, wala lang! Gusto ko lang inisin sarili ko.
"Mga guest lang kayo dito, bakit ang yayabang nyo?" Walang emosyong sabi ni luke sakanila.
Inikot ni patrick ang paningin nya at nakita nya akong naka upo dito sa bleechers.
Sigang naka upo at naka tingin sakanya.
"Maddison?" Takang saad nito saakin.
BINABASA MO ANG
Kahit Ako'y Titibo Tibo
Ficção Adolescente"Ano nang gagawin ko! Apat sila!? May gusto sa'kin!? Sa'kin pa mismo!?" What if mag ka-gusto sayo ang Apat sa Pito mong kababata na lalaki? Kahit Titibo Tibo ka? Status: COMPLETED DATE STARTED: January, 5, 2021 DATE ENDING: August 1, 2021 BTS X BLA...