MADDISON'S POV
"Bakit naman kase ganon tay!? Akala ba nila kaya ko!? Apat sila? Iisa ako? Kinangina!"
"Hay, maddison. Ang lutong mura mo, umupo ka nga dito." Matalim na saad ni tatay habang sumisimsim sya ng kape.
Natapos na ang camp, kakauwi lang namin kanina dahil one day lang naman yon.
Gabi na ngayon, break ni tatay at napag desisyonan na dumaan muna dito sa bahay para mag kape.
"Ano nang gagawin ko! Apat sila!? May gusto saken!? Saken pa mismo!?" Para akong batang nag sisigaw sa tatay ko dahil nahihirapan ako sa paghinga.
Kinangina kase, bakit ako pa!'
"Hay nako maddi, hindi ko inaasahan na maakit sayo yung apat na yun. Akala ko babae ang mag aagawan sayo? Akalain mo yun, lalaki pa at mga kababata mo pa." Natatawang sabi ni tatay at kumain ng sandwich na walang iba kundi ginawa ko.
"Tay naman kase...umuwi na sila mama sa ibang bansa, lagi kanamang busy? Buti nga at nakausap kita ngayon."
"Maddi, basta tandaan mo na kahit anong desisyon mo. Susuportahan ka namin. Kase mga magulang mo kami. Basta....si andrey boto ko." Kinindatan ako ni tatay bago sya tumayo.
"O'sya, babalik na ko sa barangay." Saad nito at umalis.
Tangina kase...AYOS LANG NAMAN KUNG IISA! PERO BAKIT APAT!?
Aaminin ko, gusto ko nga si Luke. Sya yung first love ko, pero nung sinabi nyang gusto nya ko...parang nawala yung nararamdaman ko sakanya eh.
Dun sa tatlo naman...hindi ko alam!
Gusto ko si andrey, gwapo sya. Matalino, magaling mag luto.Si alex den, matalino gwapo dream ng mga babae mabait na kapatid
SI jerico naman, mabait na apo. Mabait din.
"Tangina mo tadhana bakit mo ko pinapahirapan ng ganitO~!" Saktong pagsigaw ko non, nakita ko silang apat na babae na nasa gate namin.
"N-narinig nyo ko?"
"Beh, kahit yung kabilang bahay. Maririnig ka sa sobrang lakas ng boses mo. Baka rinig kana nila Larkin." Sarkastikong tugon ni vanessa at pumunta dito sa loob.
Sumunod yung tatlo at pumasok sa salas namin.
hays."So, sino yung isang dumagdag?" Sabay na tanong nila pagkaupo sa sofa.
"Si luke." Nakasimangot kong sabi at natigilan naman sila parepareho.
"SI LUKE VYLE?" Gulat nilang tanong.
"Kuya ko? weh? Seryoso? Bakit hindi ko naman nahahalata sakanya---ah...hindi ko nahahalata kase umaasta talaga kayo dati pa na parang gusto nyo isat isa. Gets." Tumatangong sabi nya.
"Wahahaha, grabe. Ikaw na. Nasaiyo na ang trono, yan na ba ang dahilan para maging straight ka?" Natatawang sabi ni Lianna.
"Hindi ba kayo magagalit ni Vane nyan?" Tanong ko dun sa dalawa.
"Ha? Bakit naman kami magagalit." Tanong ni Nesa.
"Gusto mo kaya si alex, tapos si Lianna gusto si Jerico." Sagot naman ni Maine sa mga ito, habang nag papalaman sa tasty.
"Beh, kung pwede lang mabago ang panahon gagawin ko. Kahit isa nalang sa kanila yung magustuhan ako, okaya naman kahit wala nalang sakanila!" Napahilamos nalang ako sa mukha ko dahil sa sobrang pamomoblema. Punyeta.
"Ayaw mo yun? You are being Loved by four?" Tumawa ng malakas si Andrea ng sabihin nya iyon, sinamaan ko lamang sya ng tingin habang nakikitawa na din yung tatlo.
BINABASA MO ANG
Kahit Ako'y Titibo Tibo
Teen Fiction"Ano nang gagawin ko! Apat sila!? May gusto sa'kin!? Sa'kin pa mismo!?" What if mag ka-gusto sayo ang Apat sa Pito mong kababata na lalaki? Kahit Titibo Tibo ka? Status: COMPLETED DATE STARTED: January, 5, 2021 DATE ENDING: August 1, 2021 BTS X BLA...