58: Not Todate?

27 7 0
                                    

MADDISON'S POV

Pagkatapos ng isang lingo, syempre martes na. Kaya eto, araw ni Jerico.

Hangang ngayon hindi ako makapaniwala na gusto ako ni jerico, like? Dati inaasar asar ko sya at nahuhurt naman sya sa sinasabi ko.

Sadyang....hindi ko lang alam.

"Oh? May kotse ka pala. Akala ko sayo na ko sasakay." Pangagago ko sakanya kaya naman sinamaan nya ko ng tingin.

"Sakay na." Saad nya habang naka hawak dun sa pinto papasok sa pasenger seat. 

Hinayaan ko lang sya saka pumasok sa likod ng pasenger seat. Doon ako uupo. Hahahaha!

Nakita ko syang napabuntong hininga sa labas saka sinara yung pinto sa may pasenger seat. Pumunta sya sa driver seat at binuksan iyon.

"Sure ka kaya mo mag drive? Baka mamaya mag transform ka into tikbalang katulad ni mailiksi." Pangagago ko pa sakanya liningon nya.

"Maddi." Tawag nya saakin kaya naman natawa ako.

"Joke, tara na. Saan mo ba ko parte ng pilipinas dadalhin?" Natatawa kong sabi at nakita ko syang natawa din.

Gwapo naman si jerico, di malabong magustuhan ko sya. Kaso pareho sila ng personality ni andrey yun ang mahirap hehe.

"Uh...secret?" 

"Puro kay secret ano? Nakakabaliw kayo." 

"Joke, tagaytay." Saad nya kaya naman agad akong naalerto.

"Joke yan noh?" Hindi makapaniwalang sabi ko sakanya at tiningnan nya ko.

"Syempre, hindi." 

"Wag na dun jerico! Baka mamaya putukan tayo ng taal edi patay na ko? Gusto ko pang mag aral ok? Wag na dun! Along metro manila nalang." Pagmamakaawa ko sakanya kaya, ok. Cge.

"Eh paulit ulit lang naman pupuntahan natin---"

"Manood nalang tayo ng cine, punta tayo sa SM." Suggestion ko sakanya with puppy eyes kahit nakakadiri.

Tumango sya at bumalik ang tingin sa manibela.

"Cge?" Tanong ko at nakita ko syang tumango.

~*~

nang makadating na kami dito, pinark na nya yung kotse nya kuno.

Hindi talaga ako komportable na nililigawan nila ko. Ayoko, ayoko talaga.

Nandidiri ako, abay ewan! Sanay lang siguro ako na kaibigan ko lang sila.

"Anong una nating gagawin dito? Kain? o cine muna---"

"Gumala muna tayo." Masaya kong sabi at hinila sya.

JERICO'S POV

"Saan naman tayo pupunta ah--"

"Aww...ang cute oh." Nabigla ako ng biglang huminto si maddi sa paglalakad para tumingin dun sa aso. Siguro yung lahi...shitzu? 

Lumapit sya doon at nginitian sya ng lola, na syang may ari nung aso.

"Magandang Araw po madam~, ayos lang poba kung hawakan ko yung aso mo.." Paalam nito kay lola at nginitian sya nito.

"Oo naman hija," Tumingin sya saakin. "Nako ang gwapo naman ng boyfriend mo...bagay na bagay kayo." Nakita ko syang napa-statwa sa kinatatayuan nya at ngumiti ng pilit sa matanda.

"Ah hehe, hindi ko po sya boyfriend...isa po sya sa manliligaw ko." Nahihiyang bulong ni maddi kay lola.

"Ay! Nako! Ilan ang manliligaw mo hija? Nako kaganda mo naman kase talaga." Wala sa sarili akong napangiti dahil sa sinabi ni lola.

Kahit Ako'y Titibo Tibo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon