56: Promise

26 8 2
                                    

MADDISON'S POV

Miyerkules na ngayon at napagdesisyunan namin na pumunta sa Patar, sa pangasinan. Isa sa beach dun, naagaaya kase sila.

"Hays, namiss kong mag swimming!!! Parang batang sabi ni Jerico kaya naman natawa ako." Wala pa kong excatong paraan kung paano ko mahahandle yung apat. Ok naman, hindi naman nila ako minamadali.

Ayaw kong sabihin sakanila na reject na kaagad sila dahil ayaw ko namang saktan yung damdamin nila.

"Sasama ba kayo?" Tanong ni Jerico sa mga pinsan nya.

"Susunod nalang kami." Tipid na sagot ni Jam.

Kami munang mag kakaibigan yung aalis. Si karen...hindi daw sasama. May LBM kase.

"Tara na." Saad ni kuya baste kaya naman pumasok na kami sa van.

4:00 na ng hapon ngayon, uuwi kami dito sa tarlac bukas. Ewan ko sabi nila kiko susunod sila. 

~*~
"Woahh! Touch down patar!" Sigaw nila alex na halos akala mo na mga tarzan, natatawa nalang sakanila sila luke lucas at si vincent. Alam nyo naman yung tatlong yan, di nyo makikitang maging gago. Minsan lang.

"Hahahaha! Mukha kayong unggoy, tangina." Natatawang turo ni Lianna sakanila.

"Maglulubog na kagad yung araw oh. Picturan nyo na!" Saad ni Vanessa na tinututok na yung cellphone sa pababa na araw.

5:00 kami nakadating dito at yass. Naabutan pa namin yung sunset.

"Tara kain na muna tayo dun." Aya ni Andrey.

Hindi namin sya iniimik.  "Libre ko, buffet dyan," Dagdag nya kaya naman agad kaming tumingin sakanya.

"Hahahahahaha! Dapat sinabi mo kaagad na libre mo!" Natatawang sabi ni Maine at nagtawanan din naman sila larkin.

Nauna silang pumunta sa may buffet dahil ako yung nasa likod nila.

Wala sa sarili akong napangiti habang nakikita silang masaya.

Sana hindi na matapos tong araw na to'

Napapaisip ako kung isusuko ko ba yung pangarap kong mag aral sa ibang bansa para sakanila. Alam ko din namang maiintindihan nila ako kung pipiliin kong mag aral ako don.

Lalo nat malapit na mapadala yung result, kung makapasok pan ako doon sa university sa US na pang worldwide bilang isang Scholar. Hindi ako makakatangi. Aalis ako sa May.

"Hoy! Maddi! Tara na!" Sigaw ni Andrea kaya naman nabalik ako sa realidad.

Ngiti ko syang tinanguan saka nag lakad na papunta sakanila.

"Sagot mo ba talaga to andrey? May pera ka?" Tanong ko sakanya na may halong pangaasar. Hehe, alam kong may gusto sya saakin pero pinipilit ko ang sarili ko na makitungo sakanila kagaya ng dati

"Oo nga, anong akala nyo sakin ha? Walang pera?" Natawa naman ako dahil sa sinabi nya.

"Wala naman akong sinabi na wala kang pera," Natatawa kong sabi dito.

At pumunta sa table para kumain na.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"So? Anong gagawin natin? Nakalatag na tong tent!" Masayang tanong ni Larkin habang proud na proud sa ginawa nya.

Kahit Ako'y Titibo Tibo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon