48: Call It A Day

33 10 0
                                    

MADDISON'S POV

"ANO!? IBIG SABIHIN IKAW YUNG GUSTO NI KUYA AT HINDI SI ALEXANDRA!?" Ang ingay talaga ng bunganga ng babaeng nag ngangalan na 'Andrea Clara Miranda' Puro may 'a' ang huling name.

"Inamo, sabi ko manahimik ka diba? Diba? Kumalma ka!" Saad naman ni Maine sakanya, lumipas na ang ilang mga araw at si maine? Nagkaroon ng dengue kaya ayan. Nasa hospital kami ngayon. January 8 ngayon at baka ma discharge na din sya bukas.

Hyper na tong bibi gurl na to.

"Sorry na, bat ngayon mo lang nasabi saamin? December 31 pa pala nangyari bakit ngayon mo lang naisiwalat?" Tanong naman ni Andrea. Nag mumukha syang nanay sa itsura nya ngayon.

"Syempre? Alangan naman na sayo ko lang sabihin habang si Maine ay nag kakasakit? Share share dapat tayo sa secret. Wag kayo!" Sagot ko naman kay deng.

"Ayos din bokabolayro mo ano?" Sarkastikong sabi ni maine at sinubo yung orange na binalatan namin kanina.

"Oo, at ikaw naman. Nung malala yung dengue mo akala mo naman end of the world mo na tapos ngayon nag dadaldal kana. Siguro Call it a day na hindi nagalit si kate sayo."  Binigyan ni Andrea na nakakaasar na tingin si maine kaya naman nag irapan nanaman sila.

"Alam nyo kayo, pwede ba bigyan nyo naman ako ng inpirational quotes gusto ko nang sumuko sa buhay. Nyeta yung mga kapatid nyo may gusto saakin!? Anue na??" Napahilamos nalang ako sa mukha ko. Walang araw na hindi ko iniisip kung anong gagawin ko sakanilang tatlo.

Nakita ko silang nag salin ng nakalolokong tingin sa isat isa.

"Alam mo, syempre. Kailangan mong sundin yung osop mo. Maliban nalang kung wala kang gusto sakanilang tatlo. Sinabi mo na saamin diba na gusto mong mapangasawa si andrey? Posible ba na si andrey ang piliin mo?" Sabi naman ni maine na nag babalat ngayon ng panibagong orange.

 "Ay may naisip ako!" Napatingin naman kaming dalawa kay andrea dahil sa isinigaw nito. Nangugulat nanaman sya, nyeta.

"Magpaligaw ka kaya sakanilang tatlo? Tapos sa bawat date na yun, ramdamin mo yuung puso mo kung sya na ba. Kung sya na ba o hindi? Ano?" Biglang pumalakpak si maine ng parang baliw. Nyeta...anong nangyayari.

"Tama! Kaya Maddi pumayag kanang mag paligaw----"

"Mag paligaw kanino?" Napatingin kaming tatlo sa may pintuan at nakita ko don sila...silang lahat.

Dadalawin ata nila si maine...

"A-ano ano ba yun? Oo nga ano bang sinasabi nyo diba! Ha-ha-ha, anong papaligaw? Kanino ako?" Natataranta kong sabi habang natataranta din silang dalawa. Pinanglalakihan ko sila ng mata dahil hindi sila nag sasalita.

"Ano! Ano yun joke lang! Hahaha! Oo tama joke lang. Nagbibiruan lang kami oo hehe, para ano ano ba yun?---"

"Para mapatawa si si ano si Maine! OO ang tamlay nya kase eh. Hahah! Parang may pinagdadaanan."  Sinamaan ako ni maine ng tingin at pinanglakihan ko naman sya ng tingin.

Napabuntong hininga nalamang at ako at tumingin sakanilana gulong gulo.

"Wala yun ma." Saad ko naman at napatango nalang sila.

Tumingin ako dun sa apat na magkakatabi.

Sila Jerico, Alex at Andrey kasama si Luke.

Tumingin ako kay jerico na nakakunot padin ang noo saakin. 

Sunod kay alex na parang naguguluhan.

Kay Andrey na nakatingin lang saakin.

At sa hindi ko nalamang dahilan, napatingin ako kay luke na walang emosyong nakatingin saakin.

"Kamusta kana hija?" Malambing na tanong ng mama nila vanessa.

"A-ayos naman na po tita. Hehe." Lumipat ang tingin ni maine kay larkin na nakatingin lang din sakanila.

"Uh, ayos lang po ba kung mag usap po muna kami ni Arkin? S-saglit lang po." Sabi nito habang nakatingin kay larkin.

Ngayon lang naman kase dumalaw itong hinayupak na to.

Busy kase sa pagsuyo sa girlfriend nyang chouwingum. Dejk ang korni.

Gaya nga ng sinabi ni maine, iniwan namin silang dalawa sa loob ng room at pumunta sa labas.

Kaming lahat.

"Ano kayang mag uusapan nila?" Tanong ni Vanessa.

"Nako sureball paguusapan nila kung galit ba si kate kay alexandra." Sagot naman ni Vincent.

"Pwede pwede." Saad ni lucas habang tumatango tango.

"Baka naman paguusapan nila, kung maayos ba yung sarili nilang puso." Napatingin sila saakin dahil sa sinabi ko.

"Hayaan nyo silang mag usap kung, gusto ba nila yung isat isa o bulag lang talaga sila." Dagdag ko pa.

MAINE'S POV

"Ayos kana naman na diba?" Tanong nya at tinanguan ko naman sya.

"So, k-kamusta na kayo ni kate? Ayos naman kayo diba? Pakisabi sakanya na i'm sorry. Hindi ko kaagad nasabi sakanya kase hindi kanaman pumupunta dito at...hindi din ako pinapagamit ng phone." Natawa ako ng kaunti.

"Arkin, ayos na. Nasabi ko na kila mom lahat. Hindi na tayo ikakasal. So....lets call it a day? Our day." Nakangiti kong sabi sakanya at nakatitig pa din sya saakin hangang ngayon.

Hindi sya nag iimik at nakatingin lang saakin.

"Bakit sa halip na agawin mo ko kay kate? Ganto ang ginagawa mo." Tanong nito kaya naman napataas ang kilay ko.

"Wag ka ngang tanga. Anong klaseng tanong yan? Wag mong lolokohin si kate or else..."

"Or else what?" 

"Or else ano...masasapak kita?" Nakita ko syang natawa dahil sa sinabi ko.

Bakas nanaman sa mga labi nya yung parang rabbit na ngiti at magandang mga mata nya kapag tumatawa sya.

Siguro isa na din sa nagustuhan ko sakanya ay yan. Ganyan sya ka kalog kapag kasama ko sya.

"Alexandra Maine Salvador.  Paano kung, gusto din kita?" Tanong nito habang may kakaunting ngiti sa labi nya.

"Ang tanong? Ipagpapalit mo ba ko sa mahal mong si kate na matagal mo nang gustong yakapin, mahalin at halikan? Wag ka ngang maging tanga." 

"Bakit? So tanga ako kapag sinabi kong Gusto kita." Nahinto ako dahil sa sinabi nito.

Nakatitig lang sya sa mga mata ko habang unti unti syang lumalapit saakin.

"Kung gusto mo ko dadalawin mo ko? Isang lingo na kong nandito dinalaw mo ba ko!?"
 Inis kong sumbat sakanya at nakita ko nanaman syang natawa.

"Alexandra, isang lingo ang umabot bago ko mapagtanto na gusto kita."

Agad ko naman syang inilingan.

"Ngayon, ayos lang ba kung....maging girlfriend kita?" 

"Bakit mo ba ginagawa sakin to!?" Nakita kong napakunot ang noo nya.

"Ginawa ko na nga lahat para lang hindi tayo maengaged para sainyong dalawa ni kate tapos sasabihin mo saakin yan?"

"Akala ko ba mahal na mahal mo si Katelyn? Arkin naman....bakit mo sinasayang saakin yung mga ginawa mo para kay kate--"

"Maine, ikaw. Ikaw ang gusto ko. Tanga ako para hindi malaman na ikaw yung gusto ko. Please...give me a chance to tell you that i really mean it."

"I love you.." 

"I-hindi ko alam. I-i'm sorry. Hindi ko pa alam." 

Kahit Ako'y Titibo Tibo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon