46: Paano?

34 8 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Papunta si Andrey kay maddi na tinext nya kanina, sinagot naman sya ni maddi na naka upo sya sa isang bench malapit sa may boating.

Nakangiting nag lalakad si andrey dahil iniisip nya kung papaano sya aamin kay Maddi. Bumili sya ng barbique para kay maddi bilang instrumento para makaamin sya sa dalaga.

Nang makita na nya ang dalaga ay mas lalo syag napangiti, ngunit nahinto sya ng makita nya si Maddi at si Alex na mag kasamang nagtitigan.

Sa kabila naman si Maddi at si Alex ay walang salitang binabangit at magkatingin lang sa mga mata nilang dalawa.

Nagulat si Andrey ng dumating si Alexandra kasama sila andrea, lianna, vanessa at si vincent.

"Huy! Aken na yang isaw ko---" Nahinto si Alexa sa pagsasalita at napatingin sa kung saang nakatingin si Andrey. Napatingin na din ang mga kasama nila sa gawi kung saan nakatingin si andrey.

Tila natigil ang mundo ni Vanessa sa sandaling makita nya si Alex at si Maddi na mag kasama. Sa unang tingin palang nya sakanilang dalawang mag kasama ay alam nya na kaagad na umamin na si Alex kay Maddison.

 "N-nessa!" Sigaw ni Lianna ng tumakbo papaalis si Vanessa sakanila, sumunod sakanya si lianna.

Si Andrey naman ay tulala pa ding nakatingin dun sa dalawa.

"Alex! Maddison!" Agad na nag layo ng tingin ang dalwa ng sumigaw si Vincent. Sinamaan sya ng tingin nila maine at andrea.

"Hindi kaba marunong makiramdam?" Mariing bulong ni andrea kay vince pagkatapos nya itong sikuhin.

"Bakit? Ano bang meron---"

"Patakbo na si maddi dito shh." Pagputol ni Maine sa sinasabi ni Vincent.

Lumapit si maddi sakanila kasamasi alex sa likod nito.

"K-kanina paba kayo nandyaan?" Takang tanong ni Maddi.

"H-ha? Hindi. Hindi." Naiilang na sagot ni andrea.

"Maddi oh, yung bbq mo." Seryosong sabi ni Andrey saka binigay na din ang dalawang isaw ni Maine.

Wala sa sarili itong nag lakad papalyo kila maddison.

"Maya nalang kita bayaran ah!" Sigaw ni Maine sakanya.

"Oh!" Tugon naman nya saka nag lakad na papalis.

MADDISON'S POV

Nasa Camp JohnHay na kami ngayon at pasado 10:30 na ng gabi, kanina pa kami nakauwi dito pero hindi pa din ako tulog. Sa kabilang kwarto ng bahay namin nila tatay isko dito sa camp jahn hay, nandoon ang kapatid ko at tulog na.

Habang ako kung ano ano pa ang iniiisip.

Hindi ko kase alam kung bakit ako nagustuhan ni Alex, parang pagkatapos nyang umamin tumitig lang ako sakanya at walang sinabi.

Inshort, wala akong sinabi sakanya.

Kase. Anong gagawin ko? Hindi ko naman sya gusto at tanging kaibigan lang naman ang turing ko sakanya matagal na. Hindi ko lubos na maisip kung bakit nya ko nagustuhan?

I mean, simula pagkabata mag kakasama na kami. Bakit dati hindi nya ko nagustuhan? Bakit ngayon pa?

"AGHH!" Napasabunot nalamang ako sa ulo ko habang nakangudngud ang mukha ko sa unan.

Nakakainis, huhu.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito.

Lumabas dun yung pangalan ni  Andrea kaya naman kinuha ko yung phone ko.

Kahit Ako'y Titibo Tibo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon