"Isha! Mag ka block ulit tayoooo!" sigaw ko at saka niyakap si Isha, nasa tapat kami ngayon ng CBA office at tinitignan ang schedule namin habang hawak hawak naman namin ang matriculation na kinuha galing sa accounting office matapos mag enroll
"Tanga! Malamang nagkopyahan tayo ng codes" sabi niya at tinarayan ako ngunit napangiti parin naman sa reaksyon ko
2nd year college na kami ngayon ni Isha, Uncean kami at pareho rin kami ng course which is Financial Management. Pinili ko talaga ang kurso ko dahil yun ang gusto ko. Hindi naman ako prinessure ng mga magulang ko, kahit na pareho silang Physical Therapist, ay sinuportahan parin nila ako sa gusto kong kurso.
Si Isha noong simula ay ayaw niya sa kurso niya, ngunit nakikita ko na rin naman na nagkakaroon na siya ng interes rito. Konektado rin naman ang kurso niya sa future niya dahil siya rin naman ang mamamahala ng sarili nilang bangko dito sa Bicol. In short, wala siyang choice
Narito na kami sa room para sa una naming subject ngayong araw which is Readings on Philippine History. Hay nako! Hate ko pa naman ang History. 75 pa 'ko sa Araling Panlipunan noong high school!
Mostly, kapag first day of class hindi pumapasok ang prof, pero pumunta parin kami ni Isha sa room. Mahirap na at baka napaka sipag ng prof namin at pumasok ngayon
Habang naghihintay ay nanonood lang ako sa youtube ng vlogs ni Alex Gonzaga. Parang pareho kasi kami ng personality, yung 101% ang kalokohan
Natigil ako sa panonood nang bigla akong kurutin ni Isha sa bewang ko kaya pinandilatan ko naman siya
"Gago aray ko! Anong problema mo?!" sabi ko sakanya habang hawak hawak ang bewang ko dahil masakit ang pagkakakurot niya
"Yung crush mo! Kaklase natin!" mahinang sabi niya kaya natigilan naman ako. Automatic na lumingon ako sa pinto kung nasaan si Jasper, ang crush ko!
"Shit, si Jasper kaklase natin?!" mahinang sabi ko kay Isha, hindi makapaniwala habang hindi ko inaalis ang tingin sa crush ko
"Oo! Diba engineering yan? Paano 'yan napunta dito?" tanong niya sa'kin
"Malamang minor subject lang naman 'to. Kahit ibang department pwede natin maging kaklase" paliwanag ko, kinikilig parin
Para akong mapuputulan ng hininga ng tumingin si Jasper sa gawi namin ni Isha. Mas lalong di ako nakagalaw nang kumaway siya saakin at saka ngumiti
Hindi agad ako nakapag response sakanya dahil natulala ako at kinausap siya ng kaibigan niya. Punyeta ang heartbeat ko!
"Hoy ang landi mo! Kinawayan ka" sabi ni Isha at natatawa
"Hala gago totoo pala 'yun? Kinawayan niya ako tapos... tapos nag smile siya?" sabi ko kay Isha dahil hindi parin ako makapaniwala
"Joke! Panaginip mo lang talaga 'yun" pagloloko saakin ni Isha kaya tinarayan ko siya
"Buraot!" sabi ko sakanya at kinuha ulit ang phone ko para i-take note ang oras at nangyari kanina
July 9, 10: 28 AM
Kinawayan at nag smile saakin si Jasper AAAAAH <3
Para na akong bulate sa sobrang kilig na nararamdaman ko at hindi ko alam kung anong posisyon ko sa pag upo ko. Grabe yung puso ko naman kasi Jasper enebe!
"Parang tanga" sabi sa'kin ni Isha nang hindi ako mapakali at hindi maalis ang kilig sa sistema ko. Panira talaga to kahit kalian!
Halos 30 mins na kami naghihintay sa prof pero hindi pa dumarating. Ang iba kong kaklase ay nagsisilabasan na dahil alam nilang hindi na papasok ang prof. Sabi kasi sa handbook ng UNC, kapag 30 mins nang wala ang prof pwede na lumabas ang estudyante, kaya 'yun naman ang sinusunod namin.
YOU ARE READING
Bewitched by His Eyes (Accountancy Series #1)
Teen FictionHave you ever fall in love with an unexpected man in an unexpected time? Have you ever fall in love because of the beauty of his eyes? If yes, then you have the same situation with Alyanna Yvonne Bautista a Financial Management major student of Uni...