"Have you ever thought of the gender of our child? If... nabuhay siya?" tanong ni Lace habang pareho na kaming nakaupo sa bench at tinitignan ang mga bituin sa langit
Napangiti naman ako kahit na may bahid na kirot sa dibdib ko "Hindi ko alam, pero gusto ko lalaki" sabi ko habang nasa bituin pa rin ang mga tingin
Naramdaman ko ang pag lingon niya saakin ngunit hindi ko siya nagawang balingan
"For me, kahit anong gender niya, I know I will love the child with all my heart. As long as you are the mother" sambit niya
Napayuko naman ako at pinaglaruan ang mga kuko ko "Siguro nga ay tama lang iyong nangyari noon" sabi ko
Alam kong nakatitig pa rin saakin si Lace ngunit hindi ko pa rin siya binibigyan ng tingin
"Ayaw ko rin naman maranasan ng anak ko ang hindi kompletong pamilya" dagdag ko
Napalingon ako sa gawi niya at nagtagpo ang mga mata namin. Nakita ko ang paglunok niya at pilit na ngumiti saakin
"Yeah... I know the feeling" sagot niya kasabay ng sunod sunod na pagtango niya
Nakita ko ang bahid ng lungkot sa mukha niya. Lumaki siyang walang buong pamilya. Hindi na lamang ako nag salita dahil ayaw ko na rin lumalim pa ang usapan namin. Pareho lang naming binibigyan ng atensyon ang ganda ng mga bituin at ng buwan.Kahit papaano ay naging masaya ako at parang nawalan ako ng tinik dahil sa mga nalaman ko tungkol kay Lace. Parang nabawasan ang mga tanong na ilang taon nang bumagabag sa isip ko
Nakahinga na rin ako ng maluwag ng masabi ko sakanya kung ano ang nangyari saakin
May bahid ng pagsisisi at lungkot saakin ng malaman ko ang tunay na dahilan ni Lace kung bakit niya ako nagawang iwan. Alam kong mali ang paglihim niya nito saakin ngunit masakit pa rin na bilang isang girlfriend niya noon ay wala manlang akong nagawa para sakanya
"Yvonne" pagtawag niya saakin ngunit ang paningin ko ay nasa langit pa rin
"Hm?" tanging tugon ko
"Kumusta na ang pakiramdam mo ngayon?" tanong niya
Napalingon ako sakanya dahil sa tanong niyang iyon. Ng magtama ang paningin namin ay ibinawi ko agad ito at ibinalik sa langit ang paningin ko. Nagpakawala ako ng buntong hininga at marahan na ikinuyom ang mga palad
"Mas okay ako ngayon, kumpara dati" panimula ko, ramdam ko pa rin ang paninitig niya saakin "Dahil sa tulong ng psychiatrist ko, ng pamilya ko, at ng mga kaibigan ko naging okay ko" dagdag ko
Tumingin ako sakanya at nakipagtitigan sa mga mata niya. Seryoso pa rin ang reaksyon niya at hinahantay pa ang susunod kong sasabihin. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti at saka huminga ng malalim
"Natutunan kong mas mahalin ang sarili ko. Natutunan ko rin na nasa atin ang control kung gusto ba natin maging okay o hindi" sabi ko
Siya naman ang ngumiti saakin ngayon at nagulat pa ako nang bigla niyang ayusin ang hibla ng buhok ko, ngunit hinayaan ko lamang siyang gawin iyon
"You can't choose how you feel, but you can choose what you do about it" sambit niya
"Palagi kong mas pipiliin maging masaya" sagot ko
"Me too. I will always choose to be happy, of course, to be happy with you" nakangiting sabi niya
Ramdam ko ang bilis na pagtibok ng puso ko at ang pag init ng pisngi ko. Hanggang ngayon talaga ay hindi manlang nagbago o nabawasan ang epekto niya saakin
"Lace"
Tumingin siya sa mga mata ko nang tawagin ko siya "Hm?" tanging tugon niya
"Mahal mo pa rin ba ako?" tanong ko na nakapagpaseryoso sa mukha niya

YOU ARE READING
Bewitched by His Eyes (Accountancy Series #1)
Teen FictionHave you ever fall in love with an unexpected man in an unexpected time? Have you ever fall in love because of the beauty of his eyes? If yes, then you have the same situation with Alyanna Yvonne Bautista a Financial Management major student of Uni...