18 (Forever)

766 30 11
                                    

WARNING R [(3)(2)+(30)] / [(4)(2)-6] Geh kaya niyo 'yan

Read responsibly hehe..


Today is our 3rd monthsary. Halos lakad takbo ako palabas ng campus matapos ang huli kong subject ngayong araw at ipasa ang huling requirements namin bago mag undas break. Medyo mahaba haba ang bakasyon namin dahil after ng undas break ay ang sembreak naman namin. Lahat ng requirements at learning tasks na kailangan naming isubmit ngayon first sem ay dapat masubmit na namin. Dahil after sembreak ay start na agad ng second sem!

"Aray ko!" bigla kong sigaw nang mabangga ako sa lalaking hindi ko nakita dahil sa pagmamadali ko

"Hala sorry" sabi nang lalaki habang inaalalayan ako ngunit hindi niya ako makuhang hawakan

Napakunot ang noo ko nang makilala kung sino ang nabangga ko habang hawak hawak ng isa kong kamay ang balikat kong natamaan, pucha ang sakit ah!

"Sobrang sakit ba?" nag aalalang tanong ni Velasco, 'yung captain ng basketball team ng school namin

Napailing naman ako at inayos ang itsura ko "Hindi naman" sagot ko

"Sigurado ka? Baka napano 'yang balikat mo" pagpupumilit niya at 'di maalis ang pag aalala sa mukha niya,

"Okay nga lang, balian kita ng buto para kwits tayo" pagbibiro ko at mas natawa pa ako nang makita kung paano nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko

"H-ha?" nauutal na sabi niya, grabe takot na takot?!

"Ha? Hawit" pang aalaska ko sakanya

Nawala naman ang takot sa mukha niya at napalitan ng tawa "Akala ko babalian mo talaga ako ng buto" sabi niya

I laughed "Next time nalang" biro ko ulit "Nag mamadali ako eh, bye Kapitan!" bansag ko sakanya at tumalikod na para tumakbo ulit palabas ng campus

Ba't ba kasi ang layo nang room ko sa 1st gate ng campus?! Leche naman eh!

Nang makalabas ako ay nag para agad ako ng tricycle papunta sa apartment. Tinawagan ko si Lace ngunit hindi niya sinasagot. Nang tawagan ko ulit ay out of coverage na, anong trip nito?!

Nang makarating ako sa apartment ay lakad takbo rin ang ginawa ko pataas ng hagdan. Agad kong pinihit ang door knob ng pinto ko ngunit naka lock ito. Akala ko ba nandito na siya?

Kinuha ko ang susi ko sa bag ko at binuksan ang pinto. Pagkapasok ko ay iginala ko ang paningin ko sa buong kwarto ngunit wala akong makita kahit anino niya. Ngunit sa kabila ng kabang naramdaman ko ay napatili na lamang ako nang may yumakap galing sa likod ko. Nang maamoy ko ang pamilyar na pabango ay nawala ang takot at kabang naramdaman ko

"Happy monthsary baby" sabi ni Lace habang hinahalik halikan ang tenga ko pababa sa leeg ko

Napangiti naman ako at hinawakan ang braso niyang nakahawak saakin "Happy monthsary baby" sabi ko

Humarap ako sakanya at binigyan siya ng mabilis na halik ngunit nabitin ata siya kaya nang akmang hahalikan niya ako ay tinakpan ko naman ang bibig niya

Natawa ako sa reaksyon niya, para siyang bata na biglang inagawan ng candy

"Puro ka kiss, gutom na ako gusto ko pagkain" sabi ko

He let out his sexy chuckles and kissed the tip of my nose

"Tara sa veranda" sabi niya

My forehead furrowed but I just followed him as we went to the veranda. I got shocked when I saw a different kind of foods on the table. There are pasta, lasagna, pizza, chicken, and mojos of kfc! There's also an ube ice cream which is my fave, and some sodas.

Bewitched by His Eyes (Accountancy Series #1)Where stories live. Discover now