"Yna!" napalingon ako sa likod nang may biglang tumawag saakin. Itinaas ko ang kanang kamay ko para kumaway kay Jasper na tumatakbo papalapit saakin. Binigyan ko siya ng ngiti at tinangoan
"Oh Jasp" sabi ko nang tuluyan na siyang makalapit saakin
"Uwi kana?" tanong niya at saka sumabay saakin maglakad palabas ng campus
"Ah hindi kakain pa kami ng lunch ni Lace" sabi ko
Nawala naman ang ngiti sa labi niya ngunit nang makita niyang nahalata koi yon ay ngumiti ulit siya saakin
"Ah ganoon ba. Naks lunch date" biro niya
Natawa naman ako "Oo kasi uuwi ako bukas saamin. Baka next sem na ulit kami mag kita" sabi ko naman
"Oo nga pala, undas break na" sabi niya at tumango tango pa
Sakto ay kakalabas lang namin sa exit gate ng school. Humarap naman ako kay Jasper at tumingala sakanya
"Sige hintay na ko dito ng tricycle. Ikaw saan ka? Asan motor mo?" tanong ko nang maalala 'yung motor niya
Napakamot siya sa batok niya saka ngumiti saakin "Ah hinatid lang talaga kita dito, papasok nalang uli ako para makuha 'yung motor ko" sabi niya na nakapagpataas ng kilay ko
"Alam mo pinagod mo lang sarili mo" natatawang sabi ko kaya natawa rin siya
"Okay lang, matagal tayong hindi magkikita tapos next sem hindi na ata tayo magiging magkaklase"
"Oo nga 'no? Okay lang 'yan nasa iisang school pa naman tayo" sabi ko at tinapik siya sa balikat
Nagpaalam lang kami sa isa't isa at sumakay na ako ng tricycle papunta sa ateneo. Usapan namin ni Lace na kakain kami ng lunch namin sa ateneo ave kaya sinabi ko sakanya na ako nalamang ang pupunta sa ateneo para hindi na siya mag drive.
Nang makababa ako ng tricycle ay nagulat ako nang may makita akong pamilyar na lalaki. Agad kong nakumpirma na si Lace ito, sa labas ng gate ng Ateneo. Nakatalikod siya sa daan kung nasaan ako. Napakunot ang noo ko dahil ang usapan namin ay papasok ako ng ateneo at hihintayin niya ako sa labas ng gym nila.
Isinantabi ko nalamang ulit kami ng iniisip at lumapit sa gawi ni Lace. Abot tenga ang labi ko dahil ngayon nanaman lang kami nag kita dahil pareho kami naging busy para sa finals ngayong first semester. Habang papalapit ako ng papalapait ay may naaaninag akong tao sa likod ng puno kung saan nakaharap si Lace. Dahil mayroong sasakyan na nakapark sa harap ng pwesto ni Lace ay doon ako nagtago at sumilip kay Lace at sa kausap niya. Umiba ang timpla ko nang makitang si Erica ang kausap ni Lace.
Napalunok ako ng mariin saka kumawala ng buntong hininga habang unti unting lumapit sakanila, ngunit nagtatago pa rin ako sa may kotse. Hindi ako kailan man naging chismosa pero dahil sa kyuryosidad ko sa usapan nila ay nagagawa kong making sa kanila ng palihim
"Mahal mo ba siya?" ang mga katagang ito agad ang narinig ko. Lalong napakunot ang noo ko sa tanong ni Erica. Ako ba ang pinag uusapan nila?
"How many times do I have to tell you that Erica? Uulitin ko pa? Sige! Oo, mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Alyanna" sagot naman ni Lace sakanya
Parang nakaramdam ako ng kaba sa pag uusap nila. Hindi ko man alam ang sinumulan nito ngunit dahil involve ako ay hindi maalis ang kaba at katanungan sa isip ko. May problema ba?
"Lemart, you need to let her go if you don't want her to suffer" seryosong sabi ni Erica na lalong nakapag padagdag ng kaba sa dibdib ko
Napailing naman si Lace at sarkastikong ngumisi kay Erica "I will never do that" sabi ni Lace

YOU ARE READING
Bewitched by His Eyes (Accountancy Series #1)
Teen FictionHave you ever fall in love with an unexpected man in an unexpected time? Have you ever fall in love because of the beauty of his eyes? If yes, then you have the same situation with Alyanna Yvonne Bautista a Financial Management major student of Uni...