23 (Rain)

733 27 1
                                    

"Are you sure hindi kana magpapasama sa loob?" tanong ulit saakin ni Isha na may pag aalala sa mukha

Napabuntong hininga naman ako "Kaya ko, Isha" seryosong tugon ko, walang ano ano'y bumaba na ako ng sasakyan niya

Nasa tapat na kami ngayon ng bahay nila Lace. Napaangat ako ng tingin nang makitang malapit nang dumilim. Mukhang malakas din ang ulan na ibabagsak dahil parang galit na galit ang langit. Ibinalik ko ang tingin ko sa malaking gate nila Lace, nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga saka naglakad papalapit doon

Hindi alam ni Lace na pupunta ako ngayon dito sakanila. Isinadya kong huwag ipaalam sakanya. Malakas naman ang kutob ko na nandito lang siya sakanila dahil hindi naman siya pumapasok na sa school. Ngayon ko na rin napag isipan na kailangan ko nang sabihin kung ano man ang balitang nalaman ko kanina, na buntis ako. 

Gusto ko rin na bigyan niya ako ng paliwanag. Gusto kong marinig ang boses niya. Gusto kong malaman kung may problema ba siya. Gusto kong malaman kung may masakit ba sakanya. Gustong gusto ko na siyang makita...

Sinubukan kong pigilin ang mga traydor kong luha. Hindi dapat ako umiyak ngayon. Hindi ako pwedeng makita ni Lace na malungkot dahil malulungkot din siya. Nandito na ako ngayon sa bahay nila at makikita ko na rin siya

Isang yakap mo lang Lace, isang yakap lang maalis lahat ng lungkot ko..

Lakas loob kong pinindot ang door bell na nakita ko, kahit nanginginig ang kamay ko ay nagawa ko pa rin itong pindotin. Hindi mawala ang kaba sa dibdib ko, may nararamdaman akong mali ngunit isinantabi ko lamang ito. Mas nilakasan ko lang ang loob ko para kapag nakita ako ni Lace ay okay ang itsura ko

Nang ilang minuto na ang lumipas ay wala pa ring bumukas ng gate kaya naman pinindot ko ulit ang door bell. Mas lalo akong nakaramdam ng kaba

"Nandito siya Yna, huwag ka mag isip ng kung ano ano" sabi ko sa sarili ko

Napaatras ako sa gulat ng biglang tumunog ang gate at bumukas ito. Tumambad saakin ang ginang na ipinakilala saakin ni Lace noong una kong punta dito sa kanila. 

Nanlaki ang mga mata ng ginang at napa awang ang labi ng makita ako. Ngumiti ako sakanya saka yumuko bilang pag galang. Hindi pa rin maalis sa ginang ang pagkagulat niya ngunit hindi ko nalamang iyon pinansin

"Good evening po" bati ko sakanya

Nakita ko ang paglunok niya at saka lumingon sa likod niya na parang may tinitignan, ibinalik niya naman agad saakin ang paningin niya saka tumango

"Magandang gabi Iha, anong ginagawa mo rito?" maingat na tanong niya, napakunot ang noo ko nang lumabas siya, papalapit saakin at bahagyang isinara ang gate

"Ah pasensya na po sa abala, pero nandyan po ba si Lace? Gusto ko lang po siyang makausap" dirediretsong tanong ko

Hindi pa man ako nasasagot ng ginang ay nakarinig na kami ng sigaw sa loob, base sa boses na pagkakakilala ko ay sigurado akong ang mommy iyon ni Lace

"Manang! Isang! Pakibukas na ng gate" sigaw ng mommy ni Lace

Ang kabang nararamdaman ko kanina ay dumaloy na sa buong katawan ko. Nagulat ako ng hawakan ako ng ginang sa magkabilang balikat ko at tinignan ako ng maigi

"Iha umuwi kana" sabi ng ginang na nakapag pakunot ng noo ko

"Pero po.. kailangan ko lang po makausap si Lace kahit--" 

"Hindi.. i-ibig kong sabihin ay wala, wala siya" sabat niya saakin

Nakaramdam ako na nagsisinungaling siya saakin kaya napabuntong hininga ako at dahan dahang inalis ang kamay ng ginang na nasa balikat ko. Nakita ko ang takot sa mga mata niya at ang pagkakabalisa niya

Bewitched by His Eyes (Accountancy Series #1)Where stories live. Discover now