"Ahm.. Lace? Saan tayo pupunta?" kinakabahang tanong ko sa lalaking kasama ko na abala sa pag mamaneho at parang tanga na kanina pa nakangiti. Alas sais na ng gabi at kakatapos lang ng klase ko ay nasa labas na siya ng campus at hinihintay ako
Napakunot siya ng noo ng makita ang reaksyon ko kaya nag iwas ako ng tingin at iginala ang mata sa bintana ng sasakyan
"Hey, you look nervous, Wala akong gagawing masama" he chuckled
"Wow, nasagot mo 'yung tanong ko. Galing" sabi ko at inirapan siya
Natawa naman siya at nagulat nalang ako ng bagalan niya ang pagmaneho at itinabi ang sasakyan niya
"It's a surprise okay?" seryosong sabi niya habang nakatitig ang mga mata saakin
"Surprise? Birthday ko ba? Ba't 'di ko alam?"
Napailing naman siya sa sinabi ko at bahagyang natawa "I really like you.. Hahaha, I mean.. argh whatever" 'di niya na pinatuloy kung ano ba talaga ang gusto niyang sabihin
"Awit ano daw" bulong ko
Pinagpatuloy niya na ang pagmamaneho niya at hindi ko nalang siya pinansin. Kapag nararamdaman kong napapatingin siya sa gawi ko ay tinitignan ko naman siya at sa huli ay ako ang umiiwas ng tingin dahil hindi ko kinakaya ang paninitig niya.
Matapos ang halos 30 minutes ay ipinarada niya ulit ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada. Nang tumigin ako sa labas ay ganon nalamang ang pagkamangha ko nang makita ang tanawin. Kitang kita ko ang mga ilaw galing sa mga gusali.
"Let's go?" naagaw ni Lace ang atensyon ko at tinangoan siya bilang tugon.
Hindi ko na siya hinintay pa na pagbuksan ako ng pinto dahil sa kagustohan kong mas makita ang tanawin. Agad kong naramdaman ang lamig mula sa paanan ko dahil naka skirt lang ako, uniform namin.
Nakita ko si Lace na nag latag ng isang malinis na tela sa damohan, sa harap ng magandang tanawin. Sinusunod ko lamang ang galaw niya habang inaayos niya ang tela at naglabas ng ilang chichiriya at inumin na nasa kotse niya.
Nang matapos siya ay naglahad siya ng kamay saakin at walang ano'y tinanggap ko naman. Inalalayan niya akong maupo sa telang inilatag niya. Agad kong niyakap ang sarili ng maramdaman ko ang lamig na dumaloy sa katawan ko.
Nagulat ako ng biglang tumayo si Lace at pumunta sa kotse niya, nang makabalik ay may dala na itong malaking jacket na may tatak pa ng ateneo, na paniguradong sakanya
"Wear this, it's really cold here" sabi niya at inabot saakin ang jacket niya
Nang hindi ko pa kinukuha ay nagulat nalamang ako ng siya na mismo ang nag lagay ng jacket sa balikat ko. Umayos na din siya ng upo at tinignan ang tanawin sa harap namin
Napatingin ako sa jacket na suot ko at amoy na amoy ko ang bango nito. Napangiti ako at tinignan si Lace na ngayon ay seryoso ang mukha
"Ang balimbing ko naman. Naka unc uniform pero ang jacket pang ateneo" sabi ko at natawa
Tinignan naman ako ni Lace at nakitawa na rin dahil sa sinabi ko "It fits you" nakangiting sabi niya, binabanggit ang jacket na suot ko
"Fit? Ang laki nga ng jacket mo" biro ko at bahagyang natawa
Napailing naman siya at ibinasa ang pang ibabang labi "No, I mean the color. Color blue fits in you" sabi niya
"Sorry ka, yellow favorite kong color" sabi ko at inirapan siya
"Noted" simpleng sabi niya at pareho kaming natawa
Nabalot kami ng katahimikan. Hinayaan niya akong bigyan ng oras ang magandang tanawin at gano'n din ako sakanya. Napalingon lamang ako sakanya ng nagpakawala siya ng mabigat na buntong hininga.
YOU ARE READING
Bewitched by His Eyes (Accountancy Series #1)
Fiksi RemajaHave you ever fall in love with an unexpected man in an unexpected time? Have you ever fall in love because of the beauty of his eyes? If yes, then you have the same situation with Alyanna Yvonne Bautista a Financial Management major student of Uni...