"Good morning Ma'am Yna"
Napakunot ang noo ko nang agad agad akong lapitan ni Eva na abot tenga ang ngiti nang batiin ako. Sumabay siya saakin sa paglakad papunta sa opisina ko at hindi pa rin maalis ang ngiti niya at titig na titig saakin
"Good morning Eva" bati ko naman sakanya at mas ngumiti pa siya habang hindi pa rin inaalis ang tingin niya saakin "Grabe ka makatitig ha, may binabalak ka bang masama?" pabirong tanong ko sakanya
Ipinihit ko ang door knob ng pinto ng opisina ko at agad agad na pumasok doon ngunit natigil lamang ako nang makitang mayroon nanamang isang bouquet ng bulaklak at isang hot choco ng star bucks sa ibabaw ng mesa ko
Nang makalapit ako sa mesa ko ay naagaw agad ng pansin ko ang nakatiklop na papel na nakadikit sa bulaklak
Ibinaba ko ang hawak kong bag sa upoan ko at saka kinuha ang papel na kulay dilaw. Hindi ko pa man nabubuksan ang papel ay ramdam ko na ang ngiti sa labi ko
My Love,
Good morning, baby
Fresh yellow daisy flowers to brighten up your day!
Always remember that,
You are my yellow :)
-Husband (practice lang)
Hindi ko na namalayan na paulit ulit ko na pala binabasa ang sulat sa papel at mas lumalawak na ang pag ngiti ko. Nakaramdam ako ng kilig at saya sa puso ko sa simpleng mensahe lang na isinulat niya
"Nako Ma'am iba na 'yan ha" biglang sabi ni Eva
Nataohan ako nang marinig ko ang boses niya at nang tumingin ako sa gawi niya ay ibinawi ko agad ang ngiti na nasa labi ko. Naka pasok pa pala 'to sa opisina ko?!
"Bakit nandyan ka?" tanong ko sakanya
Ngunit hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi niya "Ma'am ano ka ba, iinform ko lang kayo for your schedule today" sabi niya
Napaiwas naman ako ng tingin at itinabi ang bulaklak. Umupo ako sa upoan ko at sinimulan ang trabaho. Habang sinasabi saakin ni Eva ang schedule ko ay pilit kong inaabala ang sarili ko sa tambak na papeles sa mesa ko, ngunit traydor talaga ang mga mata ko at hindi maalis ang tingin ko sa mga bulaklak
"Ang sweet talaga ni Sir Lace 'no Ma'am?" napakunot ang noo ko sa sinabi ni Eva
"Ano? H-hindi 'to galing sakanya 'no" pagsisinungaling ko
Nakita ko naman ang nakakalokong ngiti ni Eva "Hay nako Ma'am Yna, nakakalimutan mo na yata na ako ang secretary mo" sabi niya at winagayway pa ang buhok niya "Si Sir Lace ang nag utos saakin para ilagay diyan sa table mo" dagdag niya
Bigla naman akong nakaramdam ng hiya dahil sa sinabi niya. Bakit ba kasi inutosan niya pa si Eva?
"Paano mo nasabi na galing nga sakanya 'yan? Malay mo... ano.. inutos din sakanya" sabi ko ngunit hindi makatingin sa gawi ni Eva dahil puno ng panunukso ang tingin niya
Napatango tango naman siya habang may ngisi sa labi "Ahh kaya naman pala ang sabi ni Sir Lace saakin ay 'Put this on her table, don't tell her that it's from me'" pang gagaya ni Eva sa malalalim na boses ni Lace
Hindi ko na nakayanan ang panunukso ni Eva kaya tinarayan ko nalamang siya "Kapag ito kumalat, certified chismosa ka" sabi ko sakanya
Natawa naman si Eva "Ano ka ba Ma'am! Ligtas saakin ang sekreto niyo" sabi niya at natatawa pa
"Anong sekreto?! Wala kaming sekreto" pasigaw na sabi ko sakanya
"Ay wala ba Ma'am?" panunukso niya ulit habang natatawa pa
YOU ARE READING
Bewitched by His Eyes (Accountancy Series #1)
Fiksi RemajaHave you ever fall in love with an unexpected man in an unexpected time? Have you ever fall in love because of the beauty of his eyes? If yes, then you have the same situation with Alyanna Yvonne Bautista a Financial Management major student of Uni...