24 (Give up)

778 25 9
                                    

Trigger Warning!!

"I can't believe na maglilihim saatin ang anak natin ng ganito Adrian" 

Nagising ang diwa ko nang marinig ko ang boses ni Mama habang umiiyak ito. Hindi ko agad maimulat ang mga mata ko at hindi ko magalaw ang katawan ko. Gusto kong magsalita ngunit parang bigla akong nawalan ng boses

"Kahit ako Yola, hinding hindi ko mapapatawad ang lalaking iyon" boses naman ngayon ni Papa ang narinig ko

Patuloy lang na umiyak si Mama, naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan niya ito

"Anak ko, gumising ka na" halos mabasag ang boses ni Mama ng sabihin niya iyon

Inipon ko lahat ng lakas ko at unti unti kong ginalaw ang kamay ko na hawak hawak ni Mama. Unti unti ko na rin naidilat ang mga mata ko ngunit napapikit lang ulit ako dahil sa liwanag na tumabad saakin

"Dios ko, Yna gising kana!" rinig kong pasigaw ni Mama at lumapit saakin para halikan ako sa noo at yakapin ako

Narinig ko rin ang pagbukas ng pinto at kasunod noon ang pagsigaw ni Papa para tawagin ang doktor. Doon ko nakumpirmang nasa hospital nga ako

Nang maayos ko nang naidilat ang mga mata ko ay nakita ko si Mama na punong puno ng luha ang mga mata. Ngumiti siya saakin at inayos ang buhok ko

"Salamat naman anak at nagising ka na" naiiyak pang sabi ni Mama

"Anong n-nangyari s-saakin Mama" nanghihinang sabi ko 

Nakita ko ang nakakabit na swero sa kamay ko na hawak hawak ni Mama. Napakunot ang noo ko nang makitang mayroong nakaturok sa may kaliwang siko ko na dinadaluyan ng dugo

"Anak kailangan mong magpalakas, naiintindihan mo ba si Mama?" sabi saakin ni Mama

Magsasalita na ulit sana ako ng muling bumukas ang pinto at pumasok si Papa kasama ang isang doktor. Lumapit saakin si Papa at hinalikan ako sa noo at saka hinaplos ang buhok ko

"Good afternoon Alyanna, I'm glad that you're awake now" nakangiting sabi saakin ng doktor

Hindi pa rin nag sisink in saakin kung bakit ako nandito sa hospital at kung ano nga ba ang nangyari saakin. Manhid ngayon ang katawan ko, wala akong maramdamang sakit o kahit ano. 

"Ma..." mahinang tawag ko kay Mama kaya tumingin naman siya saakin "Bakit ako nandito?" tanong ko

Nakita kong napalunok si Mama at nakita ko ang panibagong luha sa mga mata niya, lumingon naman ako kay Papa ngunit nakayuko lamang ito at parang malalim ang iniisip

Ng magsimula akong makaramdam ng kaba ay parang biglang gumana ang isip ko. Biglang pumasok sa isip ko ang lahat na nangyari noong gabi... noong gabi na iniwan ako... ni Lace

Agad na nag init ang mga mata ko at ramdam ko ang luhang nagbabadya rito. Tumingin ako sa doktor 

"Doc, ano po ang nangyari saakin?" lakas loob na tanong ko kahit ramdam ko ulit ang panghihina ng katawan ko

"Ms. Alyanna, noong Miyerkules ay isinugod ka dito ng kaibigan mo dahil mataas ang lagnat mo, 'yun din ang dahilan kung bakit nag collapse ka ng araw na iyon" paliwanag ng doktor

Agad na nangunot ang noo ko "Anong araw na ngayon Mama?" tanong ko kay Mama 

"Sabado na ngayon Yna" sagot naman ni Mama

Napaawang ang labi ko. Ibig sabihin ay ngayon lang ako nagising at halos tatlong araw akong tulog?! 

"And also Ms. Alyanna" tawag saakin ng doktor kaya naagaw niya naman ang atensyon ko

Bewitched by His Eyes (Accountancy Series #1)Where stories live. Discover now