29 (Best Version)

782 23 11
                                    

Dali dali akong lumabas ng opisina ni Lace nang maramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko. Wala na ba siyang ibang alam na gawin kundi ang paiyakin ako?! Potangina naman

Agad akong napapunas ng luha ko nang may biglang kumatok sa pinto ng opisina ko

"Ma'am Yna kumusta ang meet--"

Naputol ang sasabihin ni Eva nang titigan niya ako. Napakunot ang noo niya at bakas sa mukha ang pag aalala. Nahalata niya atang umiyak ako. Agad kong iniwas sakanya ang paningin ko 

"Hala Ma'am okay ka lang?" nag aalalang tanong niya

"O-oo naman!" sabi ko saka kinuha ang cellphone ko "Nakakaiyak lang 'yung pinapanuod kong kdrama" pagsisinungaling ko

Bahagya naman siyang natawa "Grabe Ma'am sana lahat talaga madaming time 'no" pabiro niya ngunit tinaasan ko lamang siya ng kilay

"Joke lang Ma'am ito naman!" pagbabawi niya at natawa pa ngunit tinarayan ko lamang siya at inabala nalamang ang sarili ko sa pag aayos ng mga papel sa mesa ko

"Kaya naman po pala saakin tumawag si Sir Jasper, todo kdrama ka pala Ma'am" dagdag niya

Napalingon agad ako sa gawi niya nang banggitin niya ang pangalan ni Jasper

"Ha? Tumawag siya? Bakit daw?" sunod sunod na tanong ko

Nakita ko naman ang mapaglarong ngiti ni Eva "Pupunta daw siya dito Ma'am, mag memeeting lang daw sila ni Ma'am Isha" paliwanag naman ni Eva

May meeting silang dalawa? Bakit hindi ko alam?

"Para saan daw ang meeting?" nagtatakang tanong ko

"Hindi po nabanggit ni Sir Jasper, pero may narinig akong si Sir Jasper daw ang kukunin na Engineer para sa panibagong branch dito sa Bicol Ma'am" sagot ulit ni Isha

"Wow, a big opportunity for Jasp" sabi ko habang tumatango tango pa

Inalis ko nalamang sa isip ko ang naging maikling usapan namin kanina ni Lace. Pinilit kong huwag magpaapekto at ibinigay ang oras ko sa pag tatrabaho. Aaminin kong nasaktan ako kanina nang makita ko ang sakit sa mga mata ni Lace. Ramdam ko ang sinsiredad niya ngunit pinapangunahan ako ng galit ko..

"Ma'am Yna, an invitation for President Hernandez grand birthday next week"

Inabot saakin ni Eva ang envelop kung saan naroon ang invitation para sa birthday ni Tito Alonzo, Daddy ni Isha. Isang engrandeng birthday party nanaman ito na gaganapin sa isang 5 star hotel dito sa Bicol

Inilagay ko na 'yun sa bag ko nang may kumatok sa pinto ng opisina ko at napataas ang isang kilay ko nang makitang pumasok si Jasper. Abot tenga pa ang ngiti nang magtama ang tingin namin

"Hello" sabi niya saka umupo sa upoan na malapit sa mesa ko

"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko

Nawala naman bigla ang ngiti sa labi niya "Grabe naman sa tanong! Hindi ba pwedeng tanungin mo muna ako kung kumusta ang araw ko" pag iinarte niya

Napataray naman ako "Oh edi okay, kumusta ang araw mo?" tanong ko

Ngumiti naman ulit siya at sinandal ang dalawang siko sa mesa ko habang nakaharap saakin

"Hindi naman sa pagmamayabang, pero may major project nanaman ako" pagmamayabang na sabi niya kahit hindi daw siya nagyayabang

"So ikaw nga ang magiging Engineer noong bagong branch?" tanong ko

"Omsim!"

Natawa naman ako ng bahagya "Akalain mong pinagkatiwalaan ka ni Isha?" pabirong sabi ko

Bewitched by His Eyes (Accountancy Series #1)Where stories live. Discover now