Natapos ako magpalit ng damit at nakita kong hinihintay na rin ako ni Lace. Naka black tshirt na rin siya ngayon, siguro ay mayroon siyang extra shirt na nasa kotse niya lang
Pinagbuksan niya agad ako ng pinto at saka ko sinabi sakanya ang pangalan ng hospital kung nasaan si Papa. Halos isang oras ang byahe dahil sa lugar namin ang hospital, na labas pa ng Naga
Hindi ako umimik buong byahe dahil ang nasa isip ko lamang ay si Papa. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kapag nawala siya saamin.
Buti at hinayaan lang ako ni Lace na manahimik. Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi ko kasama ngayon si Lace. Sa gantong oras ay wala nang byahe papunta saamin, kaya kung wala ang kasama ko ngayon ay malabo na makapunta ako agad kay Papa
Nang marating namin ang hospital ay parang gusto ko nang tumalon at tumakbo para puntahan si Papa. Panibagong luha ang nag babadya sa mga mata ko ngunit nilakasan ko ang loob ko.
Hindi ako iniwan ni Lace, sinamahan niya parin ako sa loob para hanapin ang kwarto ni Papa. Nang masabi saakin ng nurse na nasa ICU si Papa ay lakad takbo ako papunta roon.
Nakita ko si mama na nakaupo sa upoan at nakayuko habang may hawak na rosaryo. Nang maramdaman ang presenya ko ay tumakbo agad ako sakanya at niyakap ko siya. Patuloy na dumaloy ang luha sa mata ko habang tinitignan ang kwarto ni Papa. Inalo ako ni mama at hinaplos ang malalambot kong buhok
"Mama anong n-nangyari kay Papa?" I swallowed hard before my Mama wipe my tears
"Inatake ang Papa mo, n-nahirapan dahil isang o-oras na siyang walang m-malay nang maabutan ko sa k-kwarto" paliwanag ni Mama kaya umiyak nanaman siya, hinalikan niya ang kamay kong hawak niya at saka ako tinignan
"I'm sorry anak, k-kung sana ay nakarating agad ako sa b-bahay ay hindi ganito ka lala ang P-papa mo"
Napailing ako sa sinabi ni Mama at mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya
"Shh no Ma, wala kang kasalanan, magiging maayos si Papa" alo ko sakanya at saka ko siya niyakap ulit
Pinauwi ko muna si Mama kasama ang driver namin para makapagpahinga siya. No'ng una ay ayaw niya pa ngunit napilit ko din siya at naalala niya rin si Loi na nasa bahay
Nang makaalis si Mama ay saka ko hinarap si Lace na ngayon ay nakaupo na sa dulo ng upoan at nakasandal ang ulo sa pader habang pikit ang kanyang mga mata
Nakonsensya ako lalo na ng makita ko ang oras. Mag aalas tres nang umaga, pero narito parin siya at sinasamahan ako
"Lace" tawag ko sakanya kaya napamulat naman agad siya ng mata at saka tumayo nang makita ang presensya ko sa harapan niya
"Yvonne" sagot niya at saka inayos ang damit niya
Napangiti ako nang makita ang magaganda niyang mata na antok na "Kaya mo pa bang umuwi? Makakapagmaneho ka pa ba?" tanong ko
Tumango naman siya ng tatlong beses saka ngumiti "Okay ka lang dito? Papauwiin ko na talaga ako?" tanong niya
"Alam kong pagod ka, galing ka pang training pero sinamahan mo pa rin ako dito. Magpahinga kana Lace" sabi ko
"Okay, ikaw din, you should rest too Yvonne"
Tumango lamang ako "Thank you, Lace. Sobra"
Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi at mga mata niya "Always" tipid na sabi niya kaya nginitian ko lamang siya
Nang makapagpaalam ay saka niya ako tinalikuran at naglakad paalis. Nang nakakalayo na siya ay papasok na sana ako sa kwarto ni Papa ng tawagin niya ang pangalan ko at nang napalingon ako ay tumatakbo na siya papunta saakin
YOU ARE READING
Bewitched by His Eyes (Accountancy Series #1)
Teen FictionHave you ever fall in love with an unexpected man in an unexpected time? Have you ever fall in love because of the beauty of his eyes? If yes, then you have the same situation with Alyanna Yvonne Bautista a Financial Management major student of Uni...